Nowhere #38

5 1 0
                                    

"Saan mo ko dadalhin?" Walang lakas na tanong ko kay Stream. Kanina niya pa ako kinaladkad palabas ng sementeryo. Bukod sa sumasakit na ang mga paa ko kakalakad. Sumasakit na rin ang pulsuhan ko sa tagal ng pagkakahawak niya.

Pinilit kong huminto sa paglalakad ngunit hindi siya natitinag. Patuloy siya sa paghila sa akin sa kung saan.

"Stream ano ba?!" Sigaw ko na may pinaghalong pagod, inis at pagkalito sa mga kinikilos niya. Pilit kong kinuha ang braso ko sa kanya at hinawakan ko ang dalawa niyang balikat para ipaharap siya sa akin. "Saan ba tayo pupunta?!" Di ko na napigilan ang sarili kong masigawan siya.

"Dito.." mahinang saad niya na may seryosong mukha.

Natigilan ako at nilibot ang tingin sa paligid. Napako ako sa kinatatayuan ko nang mapagtanto ko kung nasaan kami. Sa sobrang dami kong iniisip, sa sobrang gulo ng isip ko hindi ko namalayan na dinala niya pala ako sa lugar na ito.

Sa park.

"B-Bakit..." Tulalang saad ko. Huminga ako ng malalim at kinuyom ko ang mga kamao ko saka humakbang patalikod sa kanya. "U-Uuwi na ako."

"Wag ka ng magpanggap."

Kusang napatigil sa paghakbang ang mga paa ko at ang nakakuyom kong kamao ay unti-unting nanginig. Parang nag echo sa isipan ko ang mga katagang sinabi niya.

"Wag mong pigilan yang mga luha mo. Ilabas mo lang lahat ng iyan. Dito sa lugar na to tayo lang ang nadito."

Kahit pilit kong pinigilan ang sariling maiyak sa sinabi niya ay hindi ko na ito nagawa pa. Nag unahang tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang sariling mapahagulgol ngunit para ba akong walang kontrol sa sarili ko. Halos hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng iyak ko.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako umiyak ng sobra-sobra.

Bago pa man ako manghina at mapaupo sa lupa ay sa isang iglap nasa harapan ko na si Stream. Nilibot niya ang isa niyang braso sa beywang ko at ang isa niya namang braso ay nakapatong sa ulo ko. Iginiya niya ang ulo ko para humilig sa balikat niya. Hinimas niya ang buhok ko at dahil dun ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Patuloy sa pag-unahan ang mga luha sa mga mata ko habang inaala-ala ang mga panahong buhay pa siya.

Kakalibing lang sa kanya kanina. Nandoon pa nga sa sementeryo sila Tito Raul at ang mga kaibigan ko. Nauna kaming umalis ni Stream dahil bigla niya na lang akong hinila papunta dito sa lugar na ito na hindi naman masyadong malayo mula sa sementeryo.

Napansin niya siguro na malapit na akong mag breakdown sa harap ng lahat. Alam niya naman na ayaw kong umiyak sa harap nila. Kasi ayokong masaktan sila habang nakatingin sa akin. Mas minabuti kong maging malakas sa harap nila pero hindi ko talaga kayang ipagpatuloy pa. Pakiramdam ko mamamatay ako sa sobrang lungkot pag di ko iniyak ang lahat ng ito.

"Sshh It's okay. Nandito lang ako palagi." Bulong niya habang hinihimas ang likod ko para pakalmahim ako.

This man. Siya na ata ang naging takbuhan ko sa tuwing gusto kong umiyak. I don't know why I feel comfortable around him. Sa lahat ng taong naging malapit sa akin sa kanya lang ako hindi nagsisinungaling. Kasi kahit hindi ko sabihin sa kanya, alam niya na kung ano ang nasa isip ko.

I'm glad that I met you, Stream.

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now