CHAPTER 18

285 7 5
                                    

"Aww our baby Ace is so cute and handsome!"

"His face is clearly a copy of Cole."

"Mare, no. Kamukha kaya ni Ayvi. Look closely"

Napailing ako at napangiti.

Dumalaw ang mga parents namin ni Cole dito sa bahay dahil na miss daw nila kulitin ang 5 month old na baby boy namin na si ACRE DAVV, inshort, ACE.

Na miss daw nila kahit kakabisita lang nila kahapon. Hayst mga lola nga naman

"I'm here! Where's my cutie pamangkin?" Napalingon kami sa pinto Nang pumasok si Chloe kasunod si Chleo

"You mean 'we', Chloe" sabi ni Chleo kaya napairap lang si Chloe at patakbong tingungo ang sala para lumapit kay Ace na nakahiga sa stroller niya habang nilalaro nina mama

"Hey ate" bumeso si Chloe sakin at bumeso din kay mama

Nginitian ko siya at kumaway kay Chleo na kumaway din pabalik

"Tapos na school niyo?" Tanong ni mommy Eunice. She told me to call her mommy since ikakasal na kami ni Cole.

Our wedding is next month! I'm so excited!

"Nagdeclare ng half day. Our teachers have seminar" sabi ni Cole nang mahalikan ang mommy niya sa noo "Where's kuya?"

"Nasa likod sila, iho. Nag ma-man bonding" sabi ni mama habang laro laro ang maliliit na kamay ni Ace. Tulog na yata ang anak ko pero nilalaro parin nila

"I'll go there now"

Pagkaalis ni Chleo, tumayo nako para lapitan ang stroller ng anak.

And I'm right! He's already fast asleep

"Buti naman at nakatulog na" sabi ko at inayos ang pagkakahiga niya sa stroller

Ang hirap niyang patulugin sa gabi! Every two hours gumigising siya para dumede or magpakarga. Salitan nga kami ni Cole sa paghele sa kaniya kasi hirapan talaga magpatulog lalo na't sinanay na laging karga karga!

Pinaka una na dun ang ama niyang ini-i-spoil talaga siya.

Napatingin ako sa wall clock at 10 AM na pala.

"Dito ba kayo mag-la-lunch? I'll cook" sabi ko at tinignan sila

"Oh deary, no need. Aalis din kami later kasi may pupuntahan kami ng daddy Cleyton mo kasama ang kambal" sabi ni mommy

"Kami din ng papa mo, anak. Bibisitahin namin ang isang branch ng company natin. Cook lunch for you and your fiance nalang" tumango ako at bumalik na muna sa pagkakaupo.

Maya maya na muna ako magluluto.
Day off din ni Carla ngayon, kaya wala siya dito. Di na kami kumuha ng isa pa kasi I can manage naman sa pag-aalaga kay Ace.

Besides, Hindi naman ako nagtatrabaho kasi yun ang gusto ni Cole. He said to just be a housewife and take care of him and baby Ace. And that's what I'll do.

___


"I love you" bulong ni Cole habang naka back hug sakin dito sa kusina

Kakaalis lang nila mama at dumiretso agad ako dito sa kusina para magluto ng adobong manok para sa lunch namin

"I love you too" sabi ko habang hinahalo ang manok sa kawali

Napasinghap ako at napapikit ng halikan ni Cole ang leeg ko

A Gift For Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now