CHAPTER 8

340 5 6
                                    

10 AM na pero nakahiga parin ako sa kama dahil antok na antok parin ako!

Kahapon nang makauwi sina tita Eunice, nagpaalam agad ako kina mama at papa na umakyat na nang kwarto kasi pagod ako at pumayag naman agad sila.

Grabe na talaga ang pagbabago sa katawan ko. Pati ang adobo ni Nay Belen na gustong gusto ko noon, Hindi ko na makain kasi ang baho na nang Amoy para sakin! Huhu

Gusto ko na talagang magtake ng pregnancy test pero natatakot talaga ako

What if buntis nga ako? Ano nang mangyayari sakin? Ang reaction Nina mama at Papa? At di ko naman kilala ang lalaking nakabuntis sakin pagnagkataon! Hindi ko kaya to pag ako lang! Huhu

"Ayvi iha? Tulog ka pa ba?" rinig ko ang boses ni Nay Belen mula sa labas ng kwarto ko

Mabilis naman akong bumangon at pumunta sa pinto para pagbuksan si nanay. Nakapajamas parin ako

"Ano po yun Nay?"

"Iha, ayos ka lang ba? Tinanghali ka yata ng gising? Di ka naman ganito dati" may pag-alala sa boses na sabi ni nanay

Ngumiti ako ng pilit "Ayos lang ako nay. Inaantok pa talaga ako eh"

"Oh sige. Magluluto na ko para sa lunch mamaya. Hindi na naman makakauwi ang mama at papa mo mamaya dahil may board meeting daw sila at binilin ka sakin. Tatawagin nalang kita mamaya pag kakain na, ok?"

"Sige po nay, thank you" tumango siya at umalis na

Nahahalata na kaya ni nanay? Sana naman hindi.

Sa sobrang pag-iisip ko kagabi, I decided na magtake na ng pregnancy test but Hindi muna ngayon. I'll buy a pregnancy test and take it next week nalang para maready ko ang sarili ko

Napahawak ako sa tiyan ko at napanguso

"Dyan ka ba baby?" himas ko ang tiyan ko at sinara na ulit ang pinto para bumalik ng higa sa kama.

Para talaga akong nagtrabaho buong araw dahil sa nararamdaman kong pagod ngayon eh nakahilata lang naman ako dito sa kwarto.

"Anong situation ba tung pinasok mo, Ayesha Violet?!" Sinabunutan ko ang sarili at mangiyak ngiyak na nagpagulong gulong sa kama

___

Humihikab akong bumaba ng hagdan at tsaktong papaakyat na Sana si nanay Belen

"Oh Ayvi. Mabuti at bumaba ka na. Handa na ang tanghalian mo. Halika na" tumango ako kay nanay Belen at sumunod papuntang kusina

Wala ang dalawa pang katulong. Siguro naglalaba or something.

"Nay, bat puro gulay?" Taka kong tanong nang makita ang mga pagkain na nakalapag sa Lamesa

Pinakbet, tortang talong at ginisang ampalaya na may itlog. Ang sasarap. Pero bat wala ng karne?

"Sa palagay ko, yan ang dapat mong kainin iha" binigyan ako ng makahulugang ngiti ni nanay

Tinignan ko lang siya at nag-iwas ng tingin.

"Sabayan niyo na po ko Nay. I'm lonely" napangiti siya at tumango

"Kumain ka ng marami" si nanay Belen na ang naglalagay ng kanin at ulam sa plato ko

"Thank you po" sabi ko at uminom muna ng juice sa baso

"Naaalala ko sayo ang anak kong babae nung buntis siya" napalaki ang Mata ko at muntik nang mabuga ang juice na iniinom

Hala! Si nanay may alam!

Nginitian niya lang ako at kumuha din ng ulam at kanin niya

Naiilang naman akong sumubo ng pagkain. What if sa tingin ni nanay buntis ako?

Nah. Let's not talk about that. Sinabi niya lang naman na naalala niya ang anak niya nung buntis pa ito. She never said that it was me so I'm safe... I hope :)

___

"Oh ma, pa. Nakarating na pala kayo" bati ko sa parents ko nang makababa ako galing sa kwarto dahil nakita ko sila sa sala at nakaupo sa sofa. Nakapambahay na sila kaya siguro kanina pa sila nakauwi

Tinignan ko ang nakasabit na clock. 5 PM. They're early as usual

Nilapitan ko sila na nakaupo parin at binigyan sila ng halik sa pisngi. Mukhang natauhan naman sila sa sa halik ko

"Oh baby. Are you ok?" Napakunot ang noo ko sa tinanong ni papa

"I'm the one who should be asking that. Are you both ok?" Tinignan lang nila akong dalawa at tumango

Nakatayo ako sa harapan nila habang sila ay nakaupo kaya di nakatakas sa paningin ko ang pagtingin ni mama sakin mula ulo hanggang paa. Hala! Baka jinujudge ako ni mama sa isip niya ah! Pero Hindi naman siguro. I know her, she's not that kind of person

But they're acting weird.

"Sweetheart, there's nothing wrong" tumayo si mama at nginitian ako. It's the smile she always gives me kaya napabuntong hininga ako.

Good, she's back to normal. Ang weird lang kasi nila kanina

"Sweetheart, I'm very happy for you" bulong ni mama sakin nang yakapin niya ko ng mahigpit at bahagyang tumili

Nope, I was wrong. She's still weird :/

"Hon, I know you're happy, but I'm still not a hundred percent approve of this"

"Hush ka nga lang jan Victor. You're not in this" sabi ni mama at inirapan pa si papa

Just what are they talking about?! Hello? I'm here in front of them

"Hon naman, I'm her papa"

"Wait, are you talking about me?" Lito kong tanong

"Oh sweetie, you'll know soon" ngumiwi ako sa sinabi ni mama at bumaling kay papa

Nagkibit balikat lang siya at ginulo ang buhok ko

"Pagpasensyahan mo na ang mama mo" bulong niya sakin kaya tumingin ako sa kaniya

"What about me, exactly?" Bulong ko kay papa. Parang Hindi ako mapakali pag di ko nalaman ang tinatago nila!

Hindi ako matitiis ni papa kaya for sure sasabihin niya sakin.

"Sorry, but it's a secret" nginisian ako ni papa kay napanguso ako

"Pa naman eh!" Tinawanan niya lang ako

"Lets get ready na?" Nilingon namin ang nakangiting si mama na kakalabas lang ng kusina

"Ready for what?" Tanong ko

"Nasabihan ko na si nay Belen na sa labas tayo kakain. Gusto niyo ba?" Sabay naman kaming tumango ni papa

"I want to eat sushi" sabi ko

"Anything you want, sweetheart. Magbihis na tayo"

___

"Here are your orders sir, maams. Enjoy"

Nandito kami ngayon sa isang restaurant na nagseserve ng ibat ibang foreign foods at nilalapag na ng waiter ang order namin

I ordered a sushi dahil kanina ko pa yun sinasabi sa kanila. Mom and dad ordered American food for them. For our drinks naman, nag-order sina mama at papa ng champagne para sa kanila and just a juice for me kasi di pa talaga ako sanay uminom

At bumabalik lang sa alaala ko ang mga nangyari noong nalasing ako kapag alak ang pinag-uusapan!

___

Leave a comment and click that⭐ button

~shai~

A Gift For Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now