CHAPTER 2

402 9 2
                                    

Parang masisira Naman Ang eardrums ko sa ingay ng music na pinapatugtog. At Ang mga tao Dito, Ang gugulo!

Yung iba nagsasayawan sa gitna kung saan Ang disco lights at Yung iba Naman nasa mga tables nila at nag-iinuman.

At Ang mas Malala, pagpasok palang Namin kanina, may Nakita agad akong lalaki at babae na nagme-make out sa gilid! Ganito ba talaga Dito?

"Ayvi dun Tayo sa counter" turo ni Alex sa area kung saan may bartender na naghahalo Ng drinks

"One *** please" nagulat Ako sa sinabi ni Alex nang makaupo kami sa stool ng counter. I know it's some kind of alcoholic drink!

"On it" sabi Naman Ng bartender

"Hoy Alexandra, anong ***?! Huwag kang magpakalasing!" Sita ko pero nginitian Niya lang Ako at di na pinansin

"Here's your ***" bigay ng bartender Kay Alex ng Isang shot glass Ng inorder niyang alak

Inagaw ko Yun Kay Alex at inamoy. Yuck!

"Bat Ang tapang?!" singhal ko Kay Alex pero napakibit balikat lang Siya at inagaw sakin Ang baso. Grabe Ang sakit sa ilong!

Napaawang Naman Ang labi ko nang nilagok Yun ni Alex ng walang kahirap hirap

"Sarap!" Ngiting sabi Niya "One more please"

Nakatingin lang Ako kay Alex na parang di makapaniwala. Pang-ilang punta na kaya Niya to sa bar? Sanay na sanay talaga Siya eh

Nung college pa kami inaaya ko siyang mag-aral pero lagi Niya Kong inaayawan Kasi daw busy Siya,may pupuntahan, o may importanteng gagawin. Pagpunta ba sa bar Yung tinutukoy Niya?!

Sumasakit talaga Ang ulo ko sa babaeng to

"How about yours?" Napatingin Ako sa bartender nang tanungin Niya ko

May itsura tong bartender na to ha...gosh, what am I saying?!

"A-ahhh. Do you have pineapple juice?" Tanong ko na ikinatango Niya

"One pineapple juice then,please" napangiti Naman Siya at kumuha Ng baso

"First time here?" Tanong Ng bartender habang hinahanda Ang juice ko

He's just in front of me. Ang counter lng Ang humihiwalay samin

"Y-yeah" alanganing ngiti ko

"I'm Cole btw. What's your name?" Tanong niyang nang ibigay sakin Ang juice ko

Sasabihin ko ba?

"I'm-"

"Bessy Naman! Bat juice ka lang?! Inumin moto!" di ko na natapos Ang sasabihin ko nang agawin ni Alex Ang baso ko at pinalitan Ng shot glass na may lamang alak

Tinignan ko Ang harapan Niya at nakitang mag limang shot glass na Ang walang laman!

"Nakalima ka agad?! Lasing ka na ba?" Alala Kong Tanong

Di ko man lang napansin na nakalimang inom na Siya! Ilang minutes lang Naman Ako di nakatingin sa kaniya ah!

"Don't mind me at uminom ka na rin! Bilis!" tinulak Niya pa Ang shot glass sa bibig ko Kaya nainom ko tuloy!

Grabe mapait at mainit sa lalamunan! Napaubo tuloy Ako at nilagok Ang pineapple juice ko para mawala Yung pait sa init sa lalamunan ko

A Gift For Marriage [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant