CHAPTER 7

347 7 5
                                    

"Ate you're weird" sabi ni Chloe habang pinapanood akong sarap na sarap sa pagkain ng mangga with bagoong

Siya dito ang weird eh. Who wouldn't like this combination? Kung sa bagay, Laki sa yaman etong batang to kaya di nakakakain ng ibang pagkain pwera nalang sa mga mamahalin at sikat na pagkain mula restaurants o kung saan man

Kahit naman may kaya kami, I got to eat street foods kasi mahilig kumain sa labas ang mga friends ko nun nung college. Hindi lang naman si Alex ang friend ko dun sa college. But she is my best friend so, she's really different from my friends back in college

*Beep Beep

May bumusina sa labas kaya napaangat ang tingin ko sa bintana ng kusina kung saan kita ang tapat ng bahay

"Oh? Kuya's here!" Tuwang sabi ni Chloe at tumuro sa bintana kung saan ako nakatingin

"I'll go to him" sabat ni Chleo mula sa sala at lumabas na

Sino ba itong kuya ng kambal?

May lumabas na lalaki sa kotse pero di ko masyadong makita ang mukha niya kasi Hindi nakaharap dito sa bintana.

Kita ko naman ang pagpunta ni Chleo sa lalaki at nagfist bump pa sila. Akbay ng lalaki si Chleo habang papasok na sila sa pinto.

"Ate, I can't wait to introduce kuya to you! Wait here" sabi ni Chloe at dali daling lumabas ng kusina. Mukha yatang excited ang batang yun

I just shrugged my shoulders at pinagpatuloy ang pagkain. Ang sarap talaga!

"Kuya dali!" rinig ko na ang boses ni Chloe na papunta dito sa kusina. Di ko na muna sila nilingon kasi sinasawsaw ko pa sa bagoong ang mangga

"What is it Chloe? I'll go to mom and dad first" bahagya akong natigilan sa boses na narinig. Why does it sounds so familiar?

"Ate Ayvi! Look, this is my kuya Colton, but you can call him Cole for short!"

Binitawan ko ang mangga at nilingon sila.
Those face... It looks very familiar

Nakita ko ang gulat sa mukha niya at bahagyang lumambot... But why?

"We meet again" mahinang usal niya habang may malamlam na expression sa mukha

Again? So nagkita na nga kami noon kaya siya familiar sakin? But when and where?

"I'm sorry pero you look really familiar. I just don't know where and when we've met" ngumiti ako ng alanganin sa kanya

Bahagya siyang natigilan pero ngumiti din ulit

"Chloe, mom needs something from us both. We have to go to the back" tawag ni Chleo

"I'll be there!" Lumingon siya samin ng kuya niya
"Kuya, ate, you should talk cuz it's seems like you two knew each other. Bye" may ngisi pang nakapaskil sa mukha ni Chloe bago niya lisanin ang kusina. Di ko talaga maintindihan ang iniisip ng batang yun

___

Nakaupo na kami ngayon sa upuan habang kumakain ulit ako ng mangga. Mukhang namangha naman ang katabi ko nang makita ang kinakain ko

"Colton, asan-"

"Cole. Please, just call me Cole"

Tumango naman ako

"So Cole, asan ba talaga tayo nagkita? Familiar ka lang sakin pero di ko matandaan." Tinignan ko siya at umiwas naman siya ng tingin.

Luhh kanina lang parang namangha siya sa mukha ko eh. Baka narealize niyang pangit ako sa malapitan? Luhh! Ang gandang babae ko kaya :P

"2 months ago. At *** Bar" napaisip ako at bahagyang sinipat ang mukha niya na todo iwas naman sakin

Pinilit ko ang sarili kong alalahanin ang mukha niya. And I remembered it!

"You were the bartender!" tuwa kong turo sa kaniya.

Naalala ko pa na nagwapuhan ako sa kaniya sa unang tingin ko pa lang. Crush ko nga yata siya eh

And what a small world! Siya pa talaga ang anak na panganay Nina tita Eunice at tito Cleyton. Pero bat siya naging bartender?

Nakita niya yata ang lito sa mukha ko kaya napakamot siya sa ulo niya na parang nahihiya

"I-its my bar actually" eh bat parang nahihiya siya? "My friends and I played a game and that's my punishment"

Napatango nalang ako. Don't tell me, he don't like to brag kaya parang nahihiya pa siyang aminin? Humble ah. And I like it that he's like that

Pero wow, may bar siyang pagmamay-ari niya? Talk about being rich

"What a small world noh? Our families are close friends" ngiti kong sabi na tinanguan niya

Napakagaan ng loob ko sa kaniya even though we just met at lalaki pang malapit lang ang edad sakin.

"I knew that tita and Tito have a daughter but I didn't know it's you" tumingin siya sakin "I think destiny really brought us together"

"What did you say?" May binulong kasi siya sa huli kaya di ko narinig

"Nothing." Ngumiti siya at tumingin sa kinakain ko
"Is that your favorite?" Turo niya sa mangga at bagoong

To be honest, mahilig ako sa bagoong pero di ko type na hilaw na carabao mango ang isasaw-saw. Mas gusto ko yung hinog or di kaya ang Indian Mango

Napakibit balikat ako at kumain parin "Kinda. Ang sarap lang kasi"

Bahala na kung ano ang mukha ko habang kumakain. Parang Hindi naman siya nandidiri kaya komportable akong kumain sa tabi niya

___

"Hi iho!" Tsaktong kakahugas ko lang ng kamay at bibig nang pumasok sila mama sa kusina

Tumayo naman mula sa pagkakaupo si Cole at binigyan ang halik sa pisngi si mama at nagmanly hug kay Papa

"Hi po tita, tito. Pumunta po ako dito kasi nalaman kong andito sila mommy"

"Son, I see you already chatted with Ayvi?" May nakita akong ngisi sa mukha ni tita Eunice at bahagyang siniko si mama na ngumisi din

Bat ba ngisi nang ngisi ang mga tao ngayon?

"Yes mom. We've talked about some things" lumingon si Cole sakin kaya lumapit ako sa kanila

"He's comfortable to talk to, tita" totoo naman eh. Wala namang problema kung sasabihin ko. I'm just telling the truth

Tinignan ko si Cole na nakatingin din pala sakin. He have this emotion in his eyes and face that I can't name. I averted my gaze from him dahil nakakailang

Nagulat naman ako dahil bahagyang tumili si tita Eunice. Luhh

"Mare, there's absolutely an opportunity" sabi niya kay mama

Anong opportunity?

"Sabi ko naman sayo eh" tumili din ng mahina si mama na parang teenager

"Now, now. Huwag niyo na munang isipin yan, sweetheart" sabi ni Papa kay mama at tumango naman si tito Cleyton sign na sumasang-ayon siya sa sinabi ni papa

I really don't get them, really.


___

Leave a comment and click that⭐ button

~shai~

A Gift For Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now