CHAPTER 11

298 7 3
                                    

I woke up at 9 AM in the morning.

Napuyat ako kagabi dahil sa isang rason. At dahil yun sa resulta ng pregnancy test na ginamit ko kahapon

Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush. After ko ng hugasan ang bibig ko, napatingin ako sa gilid ng sink.

And I cried. The 2 pregnancy tests shows the same result. Two lines. Which means I'm really pregnant

Napaupo na lang ako sa sahig ng banyo habang umiiyak.

"Ano nang gagawin ko? " hikbi kong tanong

"I-im really sorry baby" hinimas ko ang tiyan ko habang umiiyak. "I'm so irresponsible. Hindi ka tuloy magkakaroon ng daddy" I have no plan to abort this child. This life inside me is a gift given to me.

Kahit wala siyang daddy, it's fine! I'll try my best to be the best mom my baby could ever have. I promise that

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa mapagod na. I have to eat nga pala. Dalawa na kami ngayon sa katawang to. I don't want anything bad to happen to this precious gift

I'll go to the hospital later para imake sure na ok lang ang baby ko.

___


"Sweetheart, are you, ok?" Kasama ko ngayon sa dining table sina mama at papa. We're having lunch together since its Saturday at off nila sa trabaho.

Napansin yata ni mama ang pagkatulala ko kasi nakakaisang subo pa lang ako ng pagkain

Tinignan ko si mama at papa at binigyan sila ng pilit na ngiti.

Don't you dare cry in front of them, Ayvi!

"Y-yes ma" Tinignan lang ako ni mama kaya ako na ang nag-iwas ng tingin at pinilit na kumain.

I'm feeling so guilty for keeping this a secret from them. I don't know kung anong mangyayari kapag sinabi ko. What if itakwil nila ako pag nalaman nila?! I can't live with that!

"Ayvi, anak? If you have a problem, nandito lang kami ng mama mo" talagang pinipigilan ko ang maluha dahil sa sinabi ni papa

I badly want to tell them right know pero Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon nila

"M-ma, Pa?" Nanunubig ang matang tawag ko. Tinuon naman nila ang atensyon sakin "I just want to let you know na mahal na mahal ko kayo" kapag ready na ko, I promise to tell you. Hindi ko lang talaga kaya sa ngayon

"And we both love you too, sweetheart. So much" nginitian ako nina mama at papa kaya napangiti na rin ako

I hope kahit mga 60% lang, tanggapin pa rin nila ako kapag nalaman nila

"Btw anak, are you and Cole in good terms?" Tumango naman ako sa tanong ni mama

We're very in good terms alright.

Pero ano na na lang kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang buntis ako?

Lalayuan niya na ba ko? I-I can't lose him.

Lalo na ngayon na nalaman ko sa sarili ko na Hindi lang paghanga ang nararamdaman ko sa kaniya. I think, no, I know I already love him. Sa tingin ko nga, nung sa bar pa lang kami, nainlove na ako sa kaniya.

If you believe me or not, I fell in love with him at first sight. And hinding Hindi ko matatanggap na pandidirihan niya ko kapag nalaman niya.

Pero maiiwasan ko ba? Hindi ko hawak ang isip niya kaya Hindi ko kontrolado kung ano ang mararamdaman niya kung sakali.

Please Cole, I know you're a good person. Please still accept me after this

___


"Congratulations Miss Ramos. You're 8 weeks pregnant now" buntis nga talaga ako

Nandito na ko ngayon sa clinic na medyo malayo sa bahay para ipacheck tong baby ko. Nagpaalam lang ako kanina kina mama at papa na may pupuntahan lang ako saglit.

"Ok lang po ba ang baby ko Doc?" himas ko sa tiyan ko habang nakatingin kay Doktora Lee

"Nothing's wrong naman. You're baby is healthy. I'll just advice you to avoid foods na Hindi masustansya. More on vegetables and fruits muna tayo sa ngayon. At mag pe-prescribe ako ng milk na lagi mong iinumin and vitamins para makatulong kay baby"

Tumango lang ako at nakinig kay Doc
She's busy writing on a paper. Yan ata ang lists ng mga bibilhin ko para kay baby

"Here you go Miss Ramos. Bumalik ka nalang ulit dito sakin after 3 weeks para sa 2nd check-up mo" nginitian ko si Doc at nagpaalam na para umalis

Nang makalabas ako ng clinic, pinakatitigan ko ang papel kung saan nakalagay ang pangalan ng gatas at vitamins na iinumin ko ngayong buntis ako

Hindi ko maiwasang matuwa kasi kahit na Hindi inaasahan ang pagbubuntis ko, excited pa rin akong ma kita ang anak ko kapag naisilang ko na siya

It's my first time being a mom!

"Don't worry baby, I'll keep you safe" usap ko sa tiyan ko at umalis na para pumunta nang pharmacy para makabili ng gatas at vitamins na para kay baby

___


Nandito ako ngayon sa isang cafe na nakita ko after kong bumili ng mga needs ni baby sa pharmacy.

I remembered Doc Lee's advice na bawal muna ang mga unhealthy foods kaya I just ordered a slice of carrot cake, apple pie at isang glass ng plain water.

Nilagay ko lang sa katabi kong upuan ang plastic bag na naglalaman ng gatas at vitamins since ako lang naman ang nakaupo dito sa 4-seated table ng cafe.

Hindi naman kasi masyadong marami ang mga customers kaya ok lang kung dito ako kumakain.

*Kriiing Kriiing

Someone is calling me.

Dinukot ko sa bulsa ang phone at tinignan kung Sino ang tumatawag. It's Alex.

Ghad, oo nga pala si Alex! Nakalimutan ko na siya kasi ngayon lng ulit nagparamdam ang bruha pagkatapos ng isang linggo at mahigit

Di rin pala niya alam na preggy ako ngayon. Baka sabunutan ako ng gaga pag nagkataon!

Sinagot ko na ang tawag baka mainip siya kakahintay. Nakakahiya naman

"OMG Bess! I miss you so much!!!" napangiwi ako. OA naman neto.

Eh kung na miss niya ko, dapat nagparamdam siya!

"Tumigil ka nga Alex. Ang OA mo. Hindi kita na miss!" Hindi nga kita naalala nitong nakaraang mga araw haha

"Grabe ah! Hindi mo ba ko tatanungin kung ano ang pinagkaka-abalahan ko nitong mga nakaraang araw?" Napairap ako at sumubo ng cake

"Baka nagbabar ka lang naman eh" sabi ko habang ngumunguya.

At sa pag Babar mong Yan, dinamay mo pa ako kaya nagkalaman tung tiyan ko! Ang sarap isigaw sa kaniya kaso wag nalang

"Bar agad?! Wala ka talagang tiwala sakin noh" umarte pa siyang nasasaktan kase halata sa boses niya na nagdadrama

"Eh ano nga ba pinag-kakaabalahan mo?"

"Buti naman at tinanong mo!" Gaga ba to? Siya nagsabi na tanungin ko siya eh "I was busy helping kuya sa business namin!"

"Oh edi wow" walang gana kong sabi at sumubo ulit


___

Leave a comment and click that⭐ button

~shai~

A Gift For Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now