CHAPTER 9

325 9 7
                                    

"Iha, binilin kanina ng mama at papa mo bago sila umalis, pumunta ka daw sa kumpanya niyo mamaya" lumapit si nanay Belen sakin habang nanonood ako ng TV at kumakain ng cookies at milk dito sa sala

"Bakit daw ho Nay?"

"Hindi na sinabi eh. Siguro sabay kayong kakain ng tanghalian mamaya" tumango naman ako at nginitian siya

"Sige Nay. Ok lang ba kung kayo na lang muna ang nandito?"

"Aba'y oo naman. Kasama ko sina Ailyn at Jennifer dito kaya ayos lang." Tukoy niya sa dalawa pang katulong. "Minsan na nga lang kayong sabay na kumain ng mama at papa mo, tatanggihan mo pa ba?"

"Tama nga po kayo Nay. Sige po, maliligo na ko mamaya para makaalis"

"O sige at maiiwan na muna kita ha? May gagawin pa ko dun sa likod. Tutulungan ko si Jennifer na maglaba"

"Ok Nay" tumango siya at umalis na

"Bakit kaya ako pinatawag nina mama at papa?" Tanong ko sa sarili ko

___

"Ma'am Ayvi, may naghihintay na po sa inyo sa labas"

I'm in the middle of putting a powder on my face nang marinig ang tawag ni Ate Ailyn

Naghihintay? Inutos ba nina mama?

"Kilala mo ba ate Ailyn?" Taka kong tanong nang makalabas na ko dala ang shoulder bag ko at nakitang nasa labas pa rin ng pinto si ate

"Ayy Hindi ma'am. Pero siya yata yung bumisita dito noong nakaraang araw eh. Yung pogi po" nilingon ko si ate Ailyn at nakangisi siya sa akin

Hala, anong nangyari dito kay ate?

At tsaka pogi na bumisita dito sa bahay nung nakaraang araw? Don't tell me si-

"Hi Ayvi" si Cole!

Sh-t bat ang pogi?

"Ayieee" nilingon ko si ate Ailyn nung tuksuhin niya kami

Gagii namula yata ako!

"Sa ate talaga. Sige na po" tinaboy ko na si ate Ailyn habang pilit na tinatago ang namumulang mukha kay Cole. Nakakahiya!

Hindi naman ako nakagalaw nang lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi. Luhhh! Bat may pahalik?!

Napahawak naman ako sa pisngi ko kung saan siya humalik. Natawa siya sa reaksiyon ko at may binulong

"Masanay ka na, my love"

Gago! Bat siya ganiyan?! Pinapakilig niya naman ako eh! At tsaka, anong 'love' ang sinasabi niya?! Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya dahil sa hiya

"Haha you're so cute. Sinabihan ako nina tita na sunduin ka. We'll have a family lunch together. Your family and mine. So let's go?" Tumango lang ako habang Hindi nakatingin sa kaniya

Bat ako titingin?! Namumula na ang mukha ko noh!

At mas lalo pakong namula nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop pa talaga!

Lord, anong nangyayari dito sa lalaking pogi na to na nagngangalang Cole?! Binibigay niyo na ba sakin? Kasi I'll be thankful for the rest of my life pag nagkataon! Charr

A Gift For Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now