CHAPTER 17

286 9 4
                                    

"I'll go now, love. Mag-ingat kayo ni baby dito. Call me if you need anything or if you'll miss me" tumango naman ako kaya ngumiti siya at hinalikan ako sa labi at umuklo para halikan ang tiyan kong malaki na talaga.

Kabuwanan ko na kasi at due ko na next week. Ayaw man ni Cole na iwan ako wala siyang choice kasi may urgent meeting siya with a business partner. At malas ding may family problem si Carla kaya pinauwi na muna namin.

Gusto ko mang ako nalang muna sa bahay, kaso Hindi pumayag si Cole kasi delikado daw since malapit na ang due ko kaya sinabi ko nalang na kina mama muna ako at pumayag naman siya

"I think alalayan muna kita sa lo-"

"Love, I'm fine. Kaya ko, ok? Late ka na sa meeting mo kaya go na" tinulak ko siya ng marahan para umalis na. Sabi niya importante ang meeting niya kaya dapat Hindi siya malate!

"Ok, I'll go. Call me, ok?" paalala niya na tinanguan ko naman

Nang makapasok siya ng kotse kumaway ako at pumasok lang sa bahay Nang Hindi ko na sya matanaw sa daan.

Maingat ang bawat hakbang ko papunta sa pinto dahil mabigat na talaga tung tiyan ko

Kumatok agad ako Nang marating ang harap ng pinto. Hindi nila alam na pupunta ako dahil binilin ko kay Cole na wag na sabihin kina mama para surprise. Wala naman silang work ngayon kasi Sunday.

Matagal ko na rin silang Hindi nadadalaw kasi masyadong protective si Cole sa pagbubuntis ko. Hindi daw ako pwedeng gala ng gala basi mapagod daw ako at may mangyaring masama kay baby.

And it's good to know that he cherises our baby so much.

"Sandali lang!" Rinig ko ang boses ni Nanay Belen na papunta na rito sa pinto para pagbuksan ako.

Nagulat siya Nang makitang ako ang kumatok

"Naku iha! Hindi ka man lang nagsabi na darating ka. Halika't umupo sa sala. Naku, kabuwanan mo na kaya dapat na mag-ingat" inalalayan ako ni Nanay Belen hanggang sa makaupo ako ng sofa dito sa sala

"Thank you Nay. Sina mama at papa nasaan?" Tanong ko at hinimas ang tiyan

"Sandali at tatawagin ko dun sa likod" sabi niya at umalis na patungo sa pinto kung saan nakakonekta sa bakuran namin kung saan ang swimming pool

Sinandal ko muna ang ulo ko sa sofa at inayos ang pagkakaupo para Hindi maipit si baby sa tiyan ko

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at na kita ko Sina mama at papa na papasok at dumiretso agad sa gawi ko

"Sweetheart naman! Bat Hindi mo sinabi na pupunta ka? Isn't it dangerous for you to move a lot dahil next week na ang due mo?" Yan agad ang bungad ni mama sakin Nang makalapit siya at mahalikan ako sa noo.

"Where's Cole ba, anak?" Tanong ni papa at hinalikan din ako sa noo

"He had an urgent meeting with his business partner. Wala na siyang choice kundi dito nalang ako dalhin sa bahay kasi may family problem naman si Carla kaya pinauwi na muna namin ng probinsya"

Tumango naman silang dalawa at tinabihan ako ng upo sa sofa

"Your belly's so big na. I'm excited to meet our future grandchild" masayang sabi ni mama habang himas himas ang tiyan ko

"I bet he's gonna be handsome" sabi ni papa kaya napangiti ako

"What handsome are you talking about?! Our grandchild is gonna be beautiful. Period." Napailing nalang ako

Pati ba naman gender ni baby eh pag-aawayan?

Napag-usapan kasi namin ni Cole na huwag nang magpa ultra sound para surprise kung ano man ang gender ni baby.

I'll be happy naman kahit ano pang gender niya.

After ng usapan namin, nag-aya si mama na kumain sa kusina kaya tumango ako

Inalalayan nila akong dalawa ni papa papasok ng kusina nang bigla akong mapatigil

"What's the matter, anak?" Tanong ni papa

Kumirot ng bahagya ang tiyan ko kaya hinimas ko ito

"Wala na- Ahhh" napasigaw ako dahil sa biglang pagsipa ng matinding sakit sa tiyan ko. Muntik pakong mapaupo sa sahig kung Hindi lang ako hawak ni papa

"M-manganganak na po yata ako" nahihirapan kong sabi habang napapahinga ng malalim para kahit papano makayanan ko ang sakit

"Oh my gosh! Sandali sweetheart, I'll call Cole right away!" Tarantang sabi ni mama at nilabas ang cellphone niya para tawagan si Cole

Binuhat naman ako ni papa para dalhin sa kotse niya

"You can do this, anak. Hinga lang ng malalim" sabi ni papa sakin habang buhat buhat niya ko papunta sa kotse niya

"P-pa, ang sakit" naiiyak kong sabi

"I know anak. Nadaanan ko na ito nung ang mommy mo ang buntis sayo"

Maingat akong pinasok ni papa sa backseat ng kotse at pumasok na ng drivers seat. Tsakto namang pumasok narin si mama sa kotse para tabihan ako sa backseat

"Just breath sweetheart. Cole will be in the hospital. Sinabihan ko siyang kunin muna ang mga gamit ni baby sa bahay ninyo. Everything's gonna be fine" pag-alo ni mama sakin kaya napatango ako at huminga ng malalim

Napapikit nalang ako at napakagat sa labi para pigilan ang pagsigaw.

I never thought na ganito kasakit! Hindi pako umiire nito ah!

"We're almost there anak" sabi ni papa

Buti naman malapit na kasi Hindi ko na talaga matatagalan tong kirot ng tiyan ko!

Baby, kalma lang. Makakalabas ka din huwag nagmadali

___


Nakahiga nako ngayon sa isa sa mga kama ng hospital at hinihintay nalang na dumating ang doktor at pati na rin si Cole

"M-ma si Cole?" Tanong ko habang humihinga ng malalim

"He's on the way anak, don't worry. Pag dating niya, lalabas na muna kami ha? One person lang daw ang pwedeng pumasok dito sa loob" tumango ako at tinuon ang sarili sa pag breath in breath out

Hindi pa nag-iisang minuto, pumasok na si Doktora Lee

"Hello again Miss Ramos-"

"Mrs. Garzon, doc" Hindi na natuloy ni Doktora ang sasabihin nang pumasok narin ng kwarto si Cole habang suot ang required na hospital clothes

(A/n: Yung blue na hospital clothes w/ mask gaya ng suot ng doctors at nurses kapag may sinasagawa silang surgery. Alam niyo na yun HAHA)

"C-cole.You're here" kampante kong sabi Nang makalapit siya at hinalikan ako sa noo.

"Binilisan ko ang pagpunta dito nung tumawag ang mama." Sabi niya hinaplos ang noo kong puno ng pawis kahit di pako umiire "Damn, you made me so worried" bulong niya kaya napangiti ako

With him here, I know I'll be safe.

"Ok Mrs. Garzon, in any moment, you can start pushing. Malapit na lumabas si baby"


___

Leave a comment and click that⭐ button

~shai~

A Gift For Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now