Ch 5- Hanggang sa kabilang dulo ng tulay

8 1 0
                                    

Sa pagpasok nila sa sumunod na kwarto ay bumungad ang isang malaking garahe na nagmukhang laboratory. May malalaking library shelves sa gilid, mga kung ano anong machines, at isang spacecraft na pwede ang 20 tao na sasakay.
"Dito tayo sasakay mamaya patawid ng tulay." Ani ng matanda.
"Kayo po ba gumawa nito?" Tanong ng binata habang nagmamasid.
"Oo pero 'di lang ako magisa nung ginawa namin yan. Teka tuloy natin mamaya doon sa loob." Ani ng matanda. Nagsimula na syang maghanda kasama ang binata at sumakay na silang dalawa sa loob.
Sinimulang i-pedal ng matanda ang spacecraft.
" de pedal muna tayo, haha. Para tipid sa fuel. Sya nga pala, yung mga bote (hugis bote ng litrong coke) na dala mo, yun yung fuel na gagamitin ko sana dito." Ani ng matanda habang pumepadal na parang sa bisikleta at umabot ang bilis ng spacecraft sa 0.5 mi/hour matapos makalabas sa pinto ng garahe at nagsimula na ding lumutang. "Mga dalawang oras siguro nandun na tayo. Sige tuloy ko na magkwento.."
Habang nakikinig naman ang binata ay napamasid sya at namangha sa nakapaligid sa tulay na dinadaanan nila na tila ba isang malaking self-sufficient na aquarium na may iba't ibang uri ng isda mula maliit hanggang sa malalaki. Ang aquarium ay nakabalot sa tulay hanggang sa kaduluhan nito.
"Kayo din po ba ang may gawa dito at hindi po ba mababasag yung salamin nyan ang lawak pa naman?" Napatanong ng binata habang nagmamasid sa pagkamangha sa mga nakikita.

"Ah eh, ito bang aquarium ang tanong mo? Hindi na ako ang may gawa dyan. Hindi rin ang mga dati kong kasamahang mga doctor. Ang unang taga bantay ng planetang ito ang may likha dito sa tulay at dyan sa aquarium na yan. Isa din sya sa mga guardian ng galaxy natin. Itong salamin ng aquarium? Hindi yan basta basta mababasag lalo na at nabalutan ng dyamante, na 4000 times na mas matibay kaysa sa dyamante sa Virth ang labas at ayon sa research namin ng mga kasamahan ko, naproteksyunan na rin ng spell ng unang bantay dito ang aquarium na yan at ang tulay, kaya d basta basta masisira ng mga bagay at kahit ang ibang spell ay hindi basta basta gagana dyan."

" Nasan na po yung guardian na yun?"

"Actually, hindi ko pa siya talaga nakaharap at nakita. Bale, nung dumating kami dito ang naabutan lang namin ay yung mga dating nakatira dito. Sila na din nagkwento sa amin tungkol dun sa guardian na yun at tunkol na din sa mga bagay bagay dito sa planetang ito. 20 kaming magkakasamang mga doctor at researcher na dumating dito sa lugar ng mga Sahbikk upang magexplore dito sa planetang ito. Nahati kami sa dalawa.. 10 ang nagexplore sa papunta banda sa pugad ng mga Ahtatt at 8 naman kaming naiwan dito sa pugad ng mga Sahbikk.."

"So, nasan po yung dalawa?"

"Ganto kasi yan..."

To be continued

Ang Manananggal ng BawangWhere stories live. Discover now