Ch 3- Ang motibo ng Binatang mula sa Virth

18 1 0
                                    

Nagbukas ang pinto ng space pod at nagsimula ng lumabas ang binata. Sa paghakbang nya palabas ay napatingin ang binata sa dalawa at nagsimulang nagtanong.

"Hello, magtatanong lang sana ako. May kilala ba kayong Elnorberto Agostino Alfinzo?"
Nagtinginan lamang ang dalawa sa isa't isa sa tanong ng binata.
"Uhm.. Ako nga pala si Aldous, mula ako sa planetang Virth, may idedeliver lang sana ako dito dun sa taong nabanggit ko."
Hindi pa din umiimik ang dalawa habang nagoobserba din sa binata.
"Ah.. teka lang, dyan lang kayo. Huwag kayo aalis dyan. Antayin nyo ako." At bumalik ang binata sa kanyang space pod at may inabot sa loob.
"Eto yung larawan nya, namumukhaan nyo ba?" Tanong ng binata habang nagaalala na at baka 'di sila nagkakaintindihan.

" Andres, ano pala salita nila dito?" Napatanong na lang si Aldous kay Andres.
"Base sa resulta ng aking data, may tatlong lingwahe ang nairecord na ginagamit ng mga taga rito sa Biyak-paeh. Ang wikang Pitak, Dupat, Krivet at Tagalog."
"Tagalog!? So, nagsasalita din pala sila dito ng salita natin sa Virth?" Tanong na nagtataka ni Aldous kay Andres.
"Base sa aking data at calculation sa sinabi mo, oo gumagamit sila ng tagalog rito."
"So, sana naiintindihan naman nila ako."

"Oliver, hindi ba si tatang Kanor yan? Kahawig nya eh."
"Oo nga, baka sya nga yan." Sagot naman ni Oliver kay Jared.

Napatingin si Aldous sa dalawa at tila ba nabuhayan ulit ng pagasa. "So, nagkakaintindihan naman pala tayo? So, kilala nyo sya?"

"Baka sya po yung tatang namin." Sagot ni Jared sa nagtatanong na binata.
"Oliver, baka ito na yung nababanggit ni tatang na bisita?"Bulong ni Jared kay Oliver.
"Sunod po kayo sa amin."

At kasama na ng dalawang bata ang binata na bumaba sa kapatagan sakay sa dalawang ibon.
"Dito po, sunod lang po kayo samin." Ani ni Oliver na naglalakad patungo sa malaking puno. Habang ang binata naman ay namamangha pa din sa tanawin na ngayon lang nya nakita.
"Ganda din dito ah. Ayos din tong bunga ng puno, ginto na may mukha ng matanda haha. Teka kamukha nya yung..." habang naaliw si Aldous, ay biglang nabiyak ang tinatapakan nya na para bang nabibiyak na yelo.
"Ano nangyayari huy, nasan na yung dalawa?" At tuluyan ngang gumiba na ang tinatapakan ni Aldous, at lumubog ito na para bang nahila pababa sa malinaw na tubig, at tuloy tuloy pa din sya nahila pababa at napadaan at napalubog ang buong katawan nya sa ilalim na tila ba putik matapos malubog sa putik ay lumabas din una ang paa sunod naman ang katawan nya sa malinaw ulit na tubig at nabalutan ang buong katawan niya ng putik. Sa paglabas ng ulo nya sa putik ay tila ba bumaliktad ang gravity kasabay din ang pagkalinis ng katawan nya mula sa pagkabalot sa putik at bumaliktad na din ang katawan nya habang nahihila naman sya pataas at lumabas sya sa kabila na nakatayo sa matigas na tinatapakan nya at tila ba hindi sya nabasa sa pagkalubog sa malinaw na tubig.

"Haaaaa?!! Anong nangyari?" Habang hindi pa rin makapaniwala at halo halong emosyon ang binata sa nangyari. May matandang lalaki ang nagpakita.

To be continued

Ang Manananggal ng Bawangحيث تعيش القصص. اكتشف الآن