Ch 4- Ang Tulay na namamagitan sa Dalawang Magkahiwalay na bahagi ng Biyak-Paeh

17 1 0
                                    

Habang gulat at hindi pa rin makapaniwala si Aldous ay nagsalita ang matanda na nakaface mask na parang pang weilding,may puting kulot na buhok puting kilay at puting balbas. "Ano pakay mo dito?"

Ang binata naman ay tila ba nabasa ng tubig habang nananaginip nang narinig ang matanda. "Ah eh pasensya na ho, hinahanap ko lang po si mr Elnorberto, kilala niyo ho ba siya?"
" Oo, ako yun. Bakit mo ako hinahanap?"Ani ng matanda
"I-dedeliver ko lang po sana yung 15 case ng nakabote na Berto's Special Paeh Naturals,  20 case ng naka can na Berto's  Special Air suppliments, at 20 edition ng VFH(Virth's Female Hottest) magazine mula pa noong nakaraang 2 taon hanggang sa latest at 10 Album Compilations ng Taeimo Workouts videos . Kunin ko lang po mamaya sa aking space pod para maidala ko na po dito. Pwede din naman po ako bumalik sa Virth kung may idadagdag pa kayo or may nakalimutan."

"Sa ngayon good job. Yan nga lahat ng nirequest ko sa anak ko sa Virth. Salamat."

"Anak nyo po si boss Trish?"

"Oo, bale ako nagpalaki sa kanya, pero d ko talaga sya anak. Tulad ng tatlong bata dito na nakita mo, hindi ko din sila talaga anak, pero ako nagpalaki sakanila. Teka, upo ka muna pala jan.." Ani ng matanda habang napansin nya na napasilip ang dalawang batang 'di nya napansin na nakikinig.

"Ah sige po, salamat ho."  Ani ni Adlous at umabot sya ng upuan sa may lamesahan at habang paupo sya sa gilid ay nahila siya padikit sa dingding na tila ba para syang bumagsak sa sahig."

"Ah ay, haha. Nakalimutan ko sabihin, wag ka masyado dumikit diyan sa malapit sa dingding. May gravitaional force din kasi sa bawat sulok ng tahanang ito. Bawat sulok na dingding ay maaring lakaran bilang tulay papunta sa kabilang parte ng planetang ito.. sa ngayun nandito tayo sa first floor o unang bahagi ng tulay. Andito pa lang tayo sa ilalim ng pugad ng mga Sahbikk. Sa kabilang dulo naman ay ang ilalim ng pugad ng mga Ahtatt. Halika sunod ka sa akin, at ipasyal kita dito hanggang sa kabila."

At naglakad ang matanda patungo sa dingding at para bang umikot ang mundo ng matanda at nakakalakad na sya sa dingding. Kinamangha din naman ito ng binata at tinulak ng binata ang sarili mula sa pagkakadikit sa dingding, at naglakad patungo sa dingding na nilalakaran ng matanda at sumunod ito sa matanda. Sa kisame ng first floor ay may tila naging pintuan na pinasukan ng dalawa.

To be continued

Ang Manananggal ng BawangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon