Ch 1- Ang bagong hari ng mga Sahbikk

60 2 0
                                    

Sa gitna ng munting planetang tila ba isang bolang krystal na napalibutan ng dyamante, ay may sumigaw ng "Oliver! Nasan ka na?".

Sa pinaka gitna ng planetang ito na nahati sa dalawa ay may  tirahan na nagmistulang tulay na nagdudugtong sa magkahiwalay na dalawang bahagi ng bilog na munting planetang tinaguriang Biyak-Paeh.

Sa gitna naman ng isang kalahating bahagi ng planeta ay may isang malaking puting ibon ang sumigaw ng " May paparating! May paparating!", habang lumilipad ito sa ibabaw ng malaking butas... "Jared!! Nasan na kayo?" ...na kasing lawak ng isang football arena, at sa ilalim nito ay may kapatagang nabalutan din ng dyamante. At sa gitna ng kapatagan ay may isang higanteng dyamante na naghugis puno na may puting mga dahon at may mga bunga na ginto na hugis figurine ng mukha ng isang matandang lalaki.

Sa ilalim ng puno ay may naglalakad na dalawang tila ba kambal na batang lalaki na may kulay abo na balat, puting mahabang buhok, puting mata, puting mga labi at malapad at makapal na kilay na kulay itim at may bitbit ang isa na sanggol na may kulay abo din na balat, berdeng buhok asul na mata, kulay berde na kilay at puting mga pilik mata at puting labi. Sila ay ang mga Sahbikk. "Oliver, Jared, nasan na kayo? Ingatan nyo si jun-jun na d masaktan ha!"

'Di nagtagal ay may bumagsak sa itaas ng kapatagan na isang bilog na spacecraft mula sa kalawakan.

"Ano yun?" Tanong ng dalawang bata, habang napatingin sila sa isa't isa.
"Silver, halika puntahan natin?"
At lumapit kay Oliver ang malaking babaeng ibong si Silver na kanina pa naghahanap at nagtatawag sa dalawang bata.
"Robin!", ani naman ni Jared at Lumapit din naman sakanya ang isang lalaking malaking puting ibon na si Robin, na kanina pa lumilipad sa taas ng kapatagan at nakapansin din na may paparating bago pa ito bumagsak sa itaas.

At sabay na sumakay ang dalawang bata habang bitbit ni Oliver si Jun-jun na nakabalot sa tela at nakatali sa katawan ni Oliver.

Lumipad at naglanding ang dalawang ibon sa malapit kung saan bumagsak ang isang maliit na pabilog na space pod(isang uri ng maliit na spacecraft na para sa iilang tao lang.)

Naging asul ang pulang ilaw ng space pod at nagsimulang magblink "Tut,tut,tut... Magbubukas na sa bilang ko ng tatlo.. dalawa.. isa.. tuuuuuuuut! Pshhhhhh!..." Naging berde ang kulay ng ilaw at nagsimula ng magbukas pataas ang pinto ng maliit na bilog na spacecraft.

To be continued

Ang Manananggal ng BawangWhere stories live. Discover now