EPILOGUE

837 80 40
                                    

Shane Andrea Juarez

Nakatatlo akong branches ng Serendipi-tea sa Iloilo---SM City, along Valeria St. kaharap ng SM Delgado, at sa loob mismo ng Iloilo Airport bago ako nagkalakas-loob na bumalik ng Manila para mag-open ng isa pang branch sa Mall of Asia. At naipundar ko ang lahat ng ito sa loob lamang ng tatlong taon kong pamamalagi sa City of Love.

Dinig ko kay Ate, kumbinsido na si Mom na mali siya. Na posible rin palang umasenso ang isang tao sa paggawa lamang ng tsaa na may gatas. Katunayan, sinubukan na rin nila ni Dad na mag-offer ng milk teas as part of their drinks menu sa nag-iisa nilang restaurant sa Baclaran. Nalugi ang walo at kahit itong natira ay naghihingalo na rin. Iyong pag-offer ng milk tea is their last recourse.

Minsan, iniisip kong na-karma si Mom. Sa talas ng dila nito, sa pagmamataas sa mga taong tingin niya ay nakabababa sa kanya sa antas ng buhay, pinapalasap na ng tadhana ang pait na ginawa niya sa iba noon. Pati na rin sa akin. Kung hindi sana sa pangingialam niya'y hindi nagkaroon ng madilim na yugto ang love story namin ni Micah.

But then, I am also grateful for her. Nang dahil sa pang-aalipusta niya kay Micah nang mawala ang negosyo ng pamilya nito at sa pag-a-underestimate sa kakayahan ko, nabuo ang Serendipi-tea. Hindi lamang iyon, nagsikap din si Micah na mapabangong muli ang pangalang Contreras. This time siya na ang nagtayo ng sariling construction business nang walang gaanong tulong buhat sa kanyang pamilya. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi rin dahil kay Mom.

"A penny for your thoughts?"

Isang dampi sa batok ang naramdaman ko kasabay ng masuyong yakap mula sa likuran. I didn't have to turn my head to see that it was my husband. Sa mabango niyang men's cologne pa lang, alam ko na agad na siya ang yumakap sa akin.

I giggled like a school girl.

Dinampi niya uli ang mga labi sa batok ko at pinagapang pa iyon sa gilid ng aking leeg. Pinatong ko ang mga kamay sa nakapulupot niyang braso sa baywang ko. Pareho naming pinagmasdan ang dagat na siyang kaharap ng Serendipi-tea. Years ago, pasyalan lag namin ang Manila Baywalk. Ngayo'y mayroon nang rason ang pagpunta namin doon regularly. Pero hindi ibig sabihin no'n ay nakikialam na siya sa tea business ko. Hands off siya rito. Sabi nga niya, what's mine is mine and what's his is also mine. Haha! Charot lang. Hindi rin ako nangingialam sa negosyo niya.

"I won't stay long. May kakausapin akong kliyente mamaya sa Sofitel. Pakabait ka all right?" nakangisi niyang sabi habang paatras na lumalayo sa akin.

"Baliw! Kailan ba ako hindi naging mabait?"

"Gusto mo bang isa-isahin ko?"

I smiled.

Bumalik siya to give me a light kiss on the lips. Naglambitin ako sa leeg niya at diniin pa ang mga labi sa mainit at malambot niyang mga labi. Kumalas lang ako sa pagkakayakap niya nang may marinig na tumikhim sa hindi kalayuan. Nang makita ko si Felina, napatili ako. Dinaig ko pa si Yolanda sa tinis at lakas ng pagtili ko. Nagyakapan kami at tumalun-talon habang magkahawak-kamay. Ilang taon ding hindi ko siya nakita. The last time I saw her was when she picked me up at Roxas Boulevard, if I'm not mistaken. Matapos kasi ang linggong iyon ay bigla na lang siyang naglaho along with the news na nagdaos ng garden wedding ang dad niya at ang kapartner nitong guy although hindi naman recognized legally ang same-sex wedding sa Pilipinas.

"Hi there! You must be---"

"Fely! Yes! That's me!" natatawang pakli ni Felina.

Pinangunutan ko ito ng noo kunwari. Kailan pa ito naging Fely?

"Oh, yeah! Felina! How have you been?"

Sumimangot si Felina. Nang makitang sineryoso ni Micah ang reaksyon niya, humagikhik ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now