CHAPTER NINETEEN

513 61 13
                                    

Shane Andrea Juarez

"By the power vested in me by the city of Makati, I now pronounce you as husband and wife!"

Napakurap-kurap ako nang marinig iyon mula kay Mayor Saldana. It felt surreal. Nanlaki pa ang mga mata ko nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi ni Micah sa pisngi ko to seal the ceremony. Matapos iyon, mahigpit na nakipagkamay si Mrs. Contreras kay Mayor. Daig pang ito ang ikinasal. Todo bati pa ito sa mayor. Ang galing daw nito at nairaos na agad ang kasal namin.

Huwatt? Ikinasal na kami ni Micah? As in legally binding na ang marriage?

Naalarma ako. Napatingin agad ako kay Micah. Nakatitig pala siya sa akin kung kaya nagkasalubong ang aming mga mata. He avoided my gaze. He looked kind of solemn in a sad way. Nag-alala tuloy ako.

I have to admit, hindi ako prepared sa kasalang ito. Punyemas, if I only knew na ikakasal ako sa araw na ito, sana nagbihis man lang ako nang disente! Mai-immortalize pa sa isipan ko ang jologs kong denim jeans at gold and green polo shirt ng university. Nakakainis!

"Oh, Shane! You just never know how much you made Dad and me so happy! Welcome to the family, my dear!" At niyakap na lang ako bigla ni Mrs. Contreras. Pagkatapos ginagap niya ang isa kong kamay at hinila pa ako sa gilid ng kama ni Don Filipo. No'n ko lang uli nabalingan ang matanda. His eyes were kind of misty. Kumibot-kibot ang mga labi nito. Masaya namang yumuko rito si Mrs. Contreras at pinakinggang mabuti ang binulong ng biyenan. Bumungisngis ito nang humarap na sa akin.

"Ang sabi ni Dad, bigyan mo raw siya ng maraming apo sa tuhod!" sabi nito sa napaka-nasal niyang Tagalog. She was laughing. Kabaliktaran ng kanyang anak.

Kinakabahan na ako kay Micah dahil kanina pa ito walang kibo. From the corner of my eye, nakita kong tila naiinis siyang hindi maintindihan. Nang minsan pang magbiro ang ina na kung kaya ko ng isang dosenang anak, mas mabuti raw dahil kayang-kaya namang buhayin lahat iyon ni Micah, napasabat na ito ng, "Enough, Mom!"

"Ang arogante nito," bubulung-bulong ni Mrs. Contreras at inirapan ito. Ako na lang tuloy ang hinarap niya. Sinabihan niya akong may pupuntahan kami pagkaalis namin sa ospital.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

I was tempted to not say, "I do," not because I do not like Shane. On the contrary, habang tumatagal ay nahuhulog na rin ang loob ko sa kanya na nagsimula lamang sa awa. I have to admit, kinaawaan ko siya nang todo nang malamang boyfriend niya ang isang Dutch national na palagi naming nakikitang sweet na sweet sa isa ring basketbolista pero ng katunggaling team, ang UST Growling Tigers. Pinaghinalaan naming lahat sa Edward's na isa siyang miyembro ng federacion at ginagamit lamang ang isang inosente at magandang college freshman ng FEU. Sa tuwing napupunta nga sa store noon si Shane we looked at her with pity. Kasi mukhang wala siyang kaide-ideya na bakla ang boyfriend niya. Nang dumating nga ang araw na nakipag-break siya rito, isa ako sa nalungkot for her. But at the same time, I was thankful. At least nahimasmasan siya.

When I found out her boyfriend dated another girl after they broke up at halos ay ipangalandakan iyon kada may laro sila ay lalo akong nahabag kay Shane. Ang pakiramdam namin ng mga crew ko, that bastard pretended to be gay para si Shane na mismo ang kumalas at nang sa gayon ay malaya na nitong ma-pursue ang babaeng gusto, iyong nababalitaan kong isang beauty queen. Dahil pinagmukhang tanga at masyadong kinawawa si Shane, I felt an immense sympathy for her. Napukaw ang protective nature ko. Gusto ko siyang tulungang ipamukha sa walanghiya niyang nobyo kung ano ang kanyang pinakawalan. Pero habang pinag-iisipan ko kung paano siya maiganti sa hayop niyang ex, unti-unti namang nahuhulog ang loob ko sa kanya.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now