CHAPTER TWENTY-SIX

544 60 9
                                    

Shane Andrea Juarez

"I am offering you the job," parang hindi makapaniwalang sabi ng pinsan ni Micah na nagpakilalang Olezka. Hindi ko na raw ba siya natatandaan? Bakit ayaw ko siyang paniwalaan?

Tiningnan ko siyang muli at sinipat ang ekspresyon sa mukha. Parang nagsasabi naman nang totoo, pero hindi ko pa rin nagustuhan ang ginawa nila. Pinag-tripan ako ng mga loko.

I tried my best not to glance at Micah. But I can see him from the corner of my eye. He was not smiling at all. Nakatingin lang sa amin ng pinsan niya.

"No. Thank you, though." At nagtuluy-tuloy ako sa pintuan.

"Sandali lang, Shane!"

It was Micah. Natigil ako sa paghakbang. I wanted to turn my back pero naisip ko rin na kapag ginawa ko iyon ay magbabago ang aking desisyon. Matapos kong magmatigas sa pinsan niya, ayaw kong bawiin iyon sa oras na siya na ang mag-alok ng work sa akin.

"Olezka was telling the truth. Hindi ka namin pinag-ti-tripan. In fact, We were talking about some other things kanina when you came in. It was not related to the job you were applying for."

Nek-nek mo. Bakit mo inisip na maniniwala ako sa iyo?You, of all people?

Tumuluy-tuloy na ako palabas. Ang receptionist ay nalito. Parang gusto niya akong pigilan na parang hindi. Pero later on, nanaig ang loyalty sa bosing. Sumubok na kumbinsihin akong tanggapin ang trabaho.

"The basi monthly salary is 50K, Miss Juarez. On top of that marami pang benepisyo. Kahit hindi pa kayo regular sa work, may medical benefits na kayo at may 12 days off bukod sa weekends kada taon. Madadagdagan pa po iyan after two years kung mare-regular na po kayo. Ang medical benefits n'yo naman po ay hindi lang para sa inyo. Maaari n'yo ring isali ang mga magulang n'yo provided that they are below 65 years old."

Secretly, napanganga ako. Ang laki. Hayop! Fifty K para sa isang fresh grad na tulad ko?! Ang kay Ate nga noon ay nasa thirty five K lang at ipinag-celebrate pa naming mag-anak sa Okada. Nag-dinner kami roon kahit dolyares ang presyo ng pagkain. Natitiyak kong kakalbuhin ako ni Mommy kapag nalaman niyang tinanggihan ko itong offer nila. But I have made up my mind. At hindi ako mukhang pera, ano?

I just smiled at the receptionist who became extra polite simula nang ma-offer sa akin ang work. Bruhang ito. "Maraming work opportunities, Miss. Hindi ko kailangan makipag-deal sa mga weirdo mong bosing," sabi ko pa sa kanya.

Mabilis akong bumaba ng ground floor at lumabas ng building nila. Hinabol pala ako ni Micah. Naabutan niya ako sa ibaba.

"Shane!"

Noon ko lang siya nilingon at kasabay n'yon tumalon ang puso ko. I have to admit his stay in New York made his skin smoother. Darker siya ngayon at mas mamasel ang katawan. Kitang-kita sa kulay puti niyang Yves Saint Laurent polo shirt. Tingin ko dahil sa kakabilad sa araw sa pag-aasikaso sa palaisdaan nila. Narinig ko kasi sa isang kaibigan ni Ate na nahuhumaling sa kanya na isa raw iyon sa napuntang mana sa kanya, along with the banks. Napangiwi ako nang maalala ang bangko nila. Saka ko na lang ikuwento kung bakit.

"Bakit galit ka sa akin?" Malumanay ang kanyang tinig.

Nagpanting ang tainga ko. Para kasing pinapa-guilty niya ako na kung tutuusin siya dapat ang makaramdam no'n. He showed me his kindness to the point of making me feel special years ago. Kahit sino naman sigurong babae ay aasa na may pagtingin siya sa akin. Tapos, no'ng ipagpilitan ng mom niya na ikasal kami, hindi man lang siya nagprotesta. At hindi lang iyon. He even made me feel special by comforting me when he thought I was jealous of the girl Thijs was hugging that night we had dinner at Pizza hut. Kahit mga friends ko nga'y iisa lang ang basa nila sa ginawa niya. He liked me daw. Na napasinungalingan ng ginawa niya sa loob ng mahigit tatlong taon sa Amerika. He went to New York to be with the girl his family finally approved of to be his wife. Hindi man ganap na naging sila, dinig ko ikinasal pa rin naman daw siya sa babaeng iyon kahit sa papel lang. Tulad ng sa amin noon. I sent him emails, letters pero ni isa sa mga iyon wala siyang sinagot! At ngayon babalik siya na parang walang nangyari? Mag-i-expect siya na katulad pa rin ng dati ang lahat?

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora