CHAPTER SIXTEEN

501 67 5
                                    

Shane Andrea Juarez

Sabi ni Mom huwag na kaming mag-inarte ni Ate sa bago naming bahay sa Paranaque. Isang two-bedroom townhouse lang talaga ang kaya ng budget namin these days.

"You have to be thankful hindi tayo tuluyang naging homeless. At least may natira pa sa pinagbilhan ng bahay at lupa natin sa Alabang."

"But Mom, this is insanely tiny! What will my friends say?" protesta ni Ate.

Pinandilatan siya agad ni Mom. "Stop with tha fake American accent, Eileen Roselle, kung ayaw mong samain ka sa akin!"

Napakurap-kurap ako sa narinig. Napatingin pa ako kay Ate tapos kay Mom. Dati-rati'y gustung-gusto niya ang ganoong pagsasalita ni Ate. In fact, siya pa ang nag-e-encourage dito na mag-astang mayamang kolehiyala.

"Ah, basta! I hate this house!" At galit nang pumasok sa isang silid si Ate at isinara pa ito nang malakas. Nayanig ang buong kabahayan. Napabuntong-hininga ang mga magulang namin.

"You will be sharing a room with your sister, Shane. Ikaw na ang umintindi sa ate mo," malungkot na sabi ni Mom sa akin saka tumalikod ito at nagpahid ng mukha. I knew she cried. Paborito niya si Ate at alam kong nasaktan siya sa nakikitang paghihirap ng kalooban ng kapatid ko.

As to my reaction to the new house? Wala. Ke ang luma naming bahay o ito, wala akong pake. Ang importante sa akin, wala na kaming utang. Or so I thought.

Nang gabing iyon mismo naulinigan kong nagtatalo sina Mommy at Daddy. Maiilit din pala ang dalawa pa naming restaurant. Inakala kong mase-save sila nang ipagbili ang mansion namin sa Alabang. Hindi pala.

Dahil nag-aalala na baka unti-unting maubos lahat ng bangko ang kabuhayan namin, hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Ang ending pumasok akong nangangalumata kinabukasan.

"Anyare sa iyo, bulinggit?" usisa agad ni Eula nang magkita kami sa school cafeteria for breakfast.

Napabuntong-hininga ako sabay himlay ng ulo ko sa mesa. May sumalat sa noo ko't leeg.

"Normal naman ang temperatura mo. What's the problem?" si Eula uli.

"We're poor," sagot ko sa mahinang tinig.

"What?" Si Keri naman. Natigil ito sa pagnguya ng baked mac na isinubo.

Napaupo ako nang matuwid at kinuwento ko sa kanila kung ano ang pinagkaabalahan ko nang weekend na iyon. Siyempre, hindi ko isinama ang pagpasyal ko sa beach nila Micah. Iyong tungkol lang sa paglipat-bahay namin noong Sabado pagkagaling ko kina Micah sa Batangas ang kinuwento ko.

"As in?! Wala na kayo sa mansion n'yo sa Alabang? Kailan pa?" sunud-sunod na tanong naman ni Felina habang sumisipsip sa apple juice na nasa tetra pack.

"Noong Saturday night lang. Pagkagaling ko sa---I mean, gabi kami lumipat. Ayaw nila Mommy na may makakita sa amin sa paglipat sa bago naming bahay sa Paranaque."

Inakbayan ako ni Eula saka pinisil-pisil sa balikat.

"Don't worry. I'm pretty sure na malalampasan ninyo ito."

Tumango ako kay Eula although I was not as optimistic as her.

"But your ate---," at may pinakita sa aking FB post ng ate si Felina, " here. It looks like old house ninyo ito. Mukhang doon pa rin kayo nakatira. Bagong kuha lang ito, eh."

Tiningnan ko ang date ng pics. Oo nga. It was taken this morning. Napabuntong-hininga na naman ako at napailing-iling. Sa isipan ko, sumaglit pa ang ate doon kanina? Kaya pala ang aga nagising!

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now