CHAPTER THIRTY-EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumawa siya. Nawala ang kanyang pag-aalala. "Parehas tayo!"

I though he would stop kissing me. But he grabbed my hand off my mouth and gave me a hot kiss. Surprisingly, hindi maamoy ang hininga niya.

"Do I smell bad?"

Umiling-iling ako.

He playfully pinched my chin and lowered his mouth again to claim mine. This time, darang na darang na ang pakiramdam ko at wala na akong pakialam kung ano pa ang amoy ng bunganga ko. Basta, I love the feel of his tongue on mine. Kasabay ng pakikipag-espadahan ng mga dila namin, itinaas ko ang mga kamay at hinimas-himas ang hubad niyang likuran. Nang maramdaman ko ang tila pumipintig-pintig na matigas niyang ano sa puson ko, I squirmed. And in one swift motion ay nahubad niya ang tanging kasuotan ko---ang T-shirt niyang puti.

For the first time that morning and the nth time since last night, we danced to the rhythm of love and I have never been happier!

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Papunta na sana ako sa milk tea shop ko nang umagang iyon nang biglang may dumating na hindi inaasahang bisita. Dalawang pulis ng Parañaque! Nagulat ako.

"Good morning, sir. Mayroon lang sana kaming iilang katanungan sa inyo. Pasensya po sa abala," magalang na bati ng isa.

"Nais lamang naming ipagbigay-alam sa inyo na---pina-blotter po kayo ni Mrs. Juarez. Sapilitan n'yo raw tinangay ang kanyang bunsong anak," dugtong naman ng isa.

No'n lumapit sa may pintuan si Shane. She glanced at me and then back at the two police officers. Nagkatinginan din sila ng mga ito.

"Good morning, ma'am. Marahil kayo si Ms. Shane Andrea Juarez. Tama po ba?"

"Yes. Ako nga iyan."

"Ma'am, kayo talaga ang sadya namin. Ayon sa inyong ina ay sapilitan kayong tinangay ng lalaking ito. Tama po ba?"

"What?! Sinabi ng mommy iyan?"

"Yes, ma'am. Ang sabi po niya ay kailangan ka naming sagipin at ibalik sa inyo ngayon din."

"No. Hindi iyan totoo. Kusa akong sumama kay Micah---sa lalaking ito. Pakisabi kay Mommy, h'wag siya kamong nang-iimbento ng kuwento kung ayaw niyang samain."

Nagulat ako sa pinahayag ni Shane. Taas-noo siyang nakahalukipkip ngayon sa harapan ng dalawang pulis. Nagbanggit pa ito ng kung anong artikulo na maaring isampa sa mommy niya pati na rin sa pulisya na nauto raw nito diumano para maghayag ng false accusation sa akin. I was kind of shocked. I never thought she would be that fierce. At laban pa sa mommy niya!

"Ma'am, kasi---"

"I'm already an adult---twenty-four going twenty-five for crying out loud! Hindi na ho ako minor."

Nagkatinginan ang dalawang pulis at ngumiti ang mga ito sa kanya.

"Okay, ma'am. Naiintindihan po namin. Ipapaliwanag na lang namin kay Mrs. Juarez."

Pagkaalis ng dalawa, hindi magkandatuto sa paghingi ng paumanhin sa akin si Shane. Hiyang-hiya raw siya sa inasal ng ina.

I grabbed her shoulder and smelled her hair. "No worries. Will you be all right here in my pad while I work at Edward's?"

"Of course."

Niyakap ko siyang muli at hinagkan sa pisngi bago bumaba ng parking lot to grab my motorbike. It felt like I was going back to my old life. Only that this time, may excitement na sa bawat lakad ko papunta sa isang bagay na na-miss ko rin nang husto. Bihira ko kasing nagamit ang motor matapos kong makuha ang mana. My bodyguards often warned me against using it for fear that I will be easily abducted. Pero ngayong wala na sila at wala na rin ang kayamanang iniuugnay sa aking apelyido, balik ordinaryong buhay na naman. And I like it!

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon