LAST CHAPTER

70 3 0
                                    

SO sweet... Kagaya ng niluto kong adobong manok ngayon, matamis. Nang dahil sa pineapple na nilagay ko.




“Ki, Kain na!” Nasa sofa ito naka-upo habang nanonood ng TV.

L-in-ingon n'ya ako at saka ito tumayo para dumulog dito sa dining table namin para sa dinner.

Nandito pa rin kami sa condo n'ya nakatira, sa Grand Mesa Residences. For one year. One year na kaming dalawa mag-asawa. Sobrang bilis!

Ki and Mi na ang callsign naming dalawa ngayon. Shortcut for TaMIa and ArKIoven. So sweet...






Sa one year na pagsasama namin bilang mag-asawa. Natupad ang pangarap naming perfume business. In-apply namin ang, nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Walang imposible, tiwala lang talaga at pagpupursigi. I'm proud, dahil supportive kami sa baway isa ni Arki.




Una na naging tester ng perfume namin. Si mama sa Canada. Pinadalhan talaga siya namin do'n. Huli ko na nalaman na may sinusitis pala ang mama ko, haha! Pero masaya siya sa negosyo namin ng asawa ko.

Si Ate Ara rin. Pinadalhan ko sa New Zealand. Isa rin siya sa mga masaya para sa amin ni Arki. Nanganak na rin siya. Baby boy ang kaniyang panganay. Ang cute nga na gusto kong kargahin at panggigilan, kung nandito lang sa pilipinas.



We also thank Miss Trinidad. Dahil siya talaga 'yong mas lalong humubog sa amin sa larangan ng negosyong ito. Isa siyang perfumer. Kilala ang perfume o signature perfume nito sa buong pilipinas at lalo na sa abroad, (Miss Trinidad Perfume - You always wanted the smell)


She's my teacher in senior high school. Naging teacher din siya ni Arki na same kami ng school noon. Mula noon, mabait na talaga siya sa akin si Miss Trinidad. Sa katunayan, teacher pa rin siya sa RMHS. Kaya idol ko talaga siya. Pinagsabay n'ya ang propesyon at saka passion nito. The best!





Isa pa sa NAKAKAPROUD kay Miss Trinidad. Ang tahimik n'yang tipo ng tao, down to earth. But...she has a degree in cosmetic science or chemistry and a lot of additional specialized training. Saan ka pa!


Hanggang sa.... Ito na 'yon! PRETTY ENCOUNTER PERFUME -That captivate your nose. Ang name ng perfume business namin ng asawa ko. Ganda, right? BILI NA KAYO! Lol!






Bumalik na rin ako sa pag-o-online selling. Active na ako sa Solid cost. Lahat! Lahat na ng mga variety ng product ay binibenta ko na through online. Sometimes, nag-li-live selling din ako. Para sa ekonomiya!

Na-hack pala ang account or 'yong fb page na kung saan ang online shop ni Arki noon. Hindi n'ya na ma-open...

But this time. Bulk orders nalang ang tinatanggap namin at saka may mga re-seller na rin ako sa iba't ibang panig ng bansa. Kasi, call center pa rin ako. Para isahan nalang ang pag-deliver. Kung saan, malaki ang commission ko.


As usual, taga deliver na naman ang asawa ko. Basta dito lang sa QC. Kapag sa malayong lugar. LBC and other delivery express ang sagot!






“Birthday pala ni dad this November. Ako ang magluluto!” Nagagalak na sambit nito na ang lapad ng ngiti. Ka-proud naman.

I think, sixtieth birthday ni Daddy Karlos—Nakiki-daddy na ako. Father-in-law ko na kasi siya, eme!

“Sa bahay?”

“Oo.” Matamis akong ngumiti sa sagot nito. Iba talaga ang charisma ng asawa ko. Hindi ko mapigilang ngumiti ngayon.


Natutuwa lang ako. Dahil sa... Proud ang papa n'ya para sa kaniya na magaling na siyang mag-luto ngayon.

Parang dati lang... Ang lungkot n'ya pa. Dahil ayaw ng daddy n'ya na mag-culinary arts. Pero p-in-ursue n'ya na alam n'yang mapaninindigan n'ya. Is like... Sinunod n'ya kung ano ang gusto n'ya na hindi n'ya pagsisisihan. Bonus nalang na proud ang daddy n'ya para sa kaniya. Dahil sa na-achieve nito.




Not Bad to be a Choosy - COMPLETED Where stories live. Discover now