Chapter 19

31 1 0
                                    

I KNOW, na tama itong desisyon na ginawa ko. Ang sumunod kay mama dito sa Canada.

Yeah! Nasa Canada na ako ngayon. Iba 'yong exciting na nararamdaman ko ngayon. Kasi... Ano kaya ang buhay na mayro'n ako dito? I don't know lang. Baka bukas uuwi na ako ng pilipinas. Pero char lang!

Nandito na ako, ha! Baka forever na nga na dito na ako.




"Liam!" tawag ni mama pagpasok namin sa... isang bahay na siguro, dito siya nakatira.

Nakita ko na may batang tumayo mula sa sofa na inuupuan nito habang ang mga mata ay nasa hawak n'yang cellphone na busy siya.

"Mom," bati n'ya kay mommy na mabilis n'ya lang tinapunan ng tingin. Dahil busy siya sa cellphone n'ya.

Lumapit si mama sa kaniya para i-hug siya. Hindi gumagalaw ang bata na busy pa rin sa hawak n'yang cellphone ngayon na ang ingay ng sound, hindi naka-silent.


"Where's your dad? -Mia! Hali ka," aya ni mama sa akin na nakayapos pa rin sa batang lalaki ngayon. Nahihiya naman akong lumapit sa kanila habang hila-hila ko ang maleta na hawak ko ngayon.

Tinapunan ako ng tingin ng batang lalaki. Pero mabilis lang. Hindi ko kilala ang batang lalaki na ito. Ngayon ko lang siya nakita.

"Liam, your s-sister..." Kumunot ang noo ko sa sinambit ng mama ko.

Sister? So... Kapatid ko ang batang lalaki na 'to? Nakita ko ang paglunok ni mama ng laway n'ya, malamang! Dahil gumalaw ang lalamunan n'ya.

Tiningnan ako ng bata sabay tingin kay mama na nangungusap ang mga mata nito. Tapos nabigla ako, na ikinatigil ko dito sa aking kinatatayuan. Matapos lumapit ang batang lalaki sa akin para yumapos sa bewang ko, shockness!

Hindi ako makagalaw... Nagiging slow-mo ang lahat sa akin, paningin ko na tila hindi gumagalaw ang lahat na nandidito sa paligid ko na tumigil-ang mundo ko...

Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla. Tumingin ako kay mama na binigyan n'ya ako ng isang ngiti na hindi umabot sa mga tenga nito.

Legit ba 'to o nananaginip ako?



Dati ko na naririnig na may pamilya si mama dito. Pero, hindi ko lang pinapaniwalaan. Kaya minsan, nagtatampo ako kapag na-cancel ang pag-uwi nito sa pilipinas at iniisip ko nalang na baka.... May pamilya nga talaga siya dito sa Canada. At totoo nga!

Dahil may hawig o ka-itsura ni mama ang batang lalaki na ito na yumakap sa akin.



"Si Liam, ten years old na siya ngayon." Hindi ko tiningnan si mama sa pagku-kuwento nito. Dahil halatang tulala pa rin ako hanggang ngayon.

Nag-lo-loading.... pa sa utak ko ang lahat. Kahit madali namang paniwalaan. Lalo na, nasa harapan ko na ang sagot.


"Where's your brother?" sa tanong ni mama. Biglang tumunog ang mga yapak na lumalakas na may tumatakbo. At may nakita ako na isang batang lalaki na ka-edad lang nitong si Liam.

"Mom!" Nagagalak na hiyaw nito na lumiliwanag ang mga mata n'ya na nagniningning. Tapos tinakbo n'ya si mama at saka sinalubong ng isang mahigpit na yakap.

"Noah, you miss me?" sabay sakop ni mama sa mag-kabilang pisngi nito na pinanggigilan siya ni mama. Halata kasi sa nanggigigil na mukha ng mama ko.


"Ah, si Noah, sunod kay Liam. Si Liam ang panganay. Dalawa lang s-silang anak ko dito." Hindi ko alam kung ano ang i-re-react ko sa sinabi ni mama.

Tiningnan ko si Noah na todo ang ngiti sa akin ngayon na halatang malambing na klase ng bata. Nagulat nalang ako nang lumapit siya sa akin na nakanguso na gustong magpakiss. Yumuko ako ng konti para ilapit sa kaniya ang pisngi ko na dinampihan n'ya ng isang halik. Todo ngiti naman si mama na nasisiyahan.

Not Bad to be a Choosy - COMPLETED Where stories live. Discover now