Chapter 5

47 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw na... Si Kuya Arki ang laman ng isip ko. Thirty percent lang ang about sa future ko ang iniisip ko. Siya talaga ang pumapasok sa isip ko.

Hindi ko talaga makakalimutan na binigyan n'ya ako ng panyo at... Grabe 'yong AMAZE ko sa kaniya na nadatnan ko siya sa labas ng CR no'ng isang araw. Paunti-unti, may kalalagyan n'ya siya dito sa puso ko.


“Tams! Mabuti nalang may stock pa ako. Direct pay 'yan, ha? No to utang!” Natawa ako sa paalala nito sa akin. Saka ko kinuha mula sa kaniya ang paper bag na may lamang skin care na in-order sa akin ni Miss Trinidad.

Oline seller kaming dalawa ni Ate Ara. Ako lang ang tumigil at si ate ang nag-tuloy hanggang ngayon. Natigil lang ako dahil sa ang dami ng may utang sa akin, kairita!

Isa ng RN si Ate Ara ngayon. Sa edad n'yang twenty-five years old. College palang siya noon, nag o-online selling na siya at katuwang n'ya ako.

May online shop kaming dalawa. 'Solid Cost' ang name ng fb page na kami mismong dalawa ang nag-mamanage. Pero ngayon si Ate Ara na. Tumigil kasi ako.



“Hindi n'ya uutangin ito, ate. May tiwala ako kay Miss Trinidad. Gusto n'ya raw ito. Gumaganda ang skin n'ya na nagiging clear skin.”

“Mabuti naman. Ang mama pala ni Kaye, na kaibigan mo. Inalok ako kung gusto ko bang maging re-seller ng mga set din ng beauty products n'ya. Katulad n'yan.”

“Maganda rin mga products ni tita. Siya mismo gumagawa.”


Negosyante ng mga skin care, beauty products at marami pang iba ang mama ni Kaye. Minsan binibigyan n'ya kami ni Olivia ng dala n'ya minsan kapag magpapaganda kami.

Pero never akong naglalagay sa face ko. Lalo na kapag hindi tuloy-tuloy. Nagkaka-pimples ako. Okay na ako sa Johnson's baby powder. Looking fresh ako.


“May mga... Bago akong stocks na dadating mula Mainland, China. Mga branded na damit. Next week pa siguro dadating.” Pagbigay alam nito sa akin na ikinatango ko.

“Ikaw na mag-promote. Ako na ang bahala mag-deliver at sa shipping fee.”

“Okay,” sanay na ako sa gawain na ito na ako ang promoter at si ate na ang bahala sa delivery. Ito rin ang madalas na ginagawa namin noon ni ate.


Minsan, galing sa Canada ang mga products na binibenta namin online ni ate. Pinapadala ni mama na binibili n'ya doon na alam n'yang binibenta rin namin dito sa pinas.






“Ang taray! Balik ka na sa online selling, Tamey?” usisa ni Olivia pagkarating ko. Nakita kasi ako nito na may bitbit na paper bag. May printed kasi ang paper bag ng name ng shop namin ni ate. 'Solid Cost'.

“Hindi, kay Ate Ara ito na binili ni Miss Trinidad.” Aakmang bubuksan nito ang paper bag. Nang nilayo n'ya agad ang mga kamay n'ya. Lalo na nakita nitong nakasara ng maigi. Sealed.

“Si Kaye?” sabay upo ko.

“Masama pakiramdam n'ya. Hindi nga kami sabay pumasok dito kanina.” Palagi silang sabay na pumapasok dalawa. Magkalapit kasi ang mga bahay nila. Ako naman, malapit lang dito sa school. Nilalakad ko lang dala exercise every morning. Taga Ermin Garcia street lang naman ako dito. Malapit sa Ramon Magsaysay High School.





“Tamia! May naghahanap sa 'yo?” Sigaw ng classmate kong si Dimple. Saka ko nakita ang pagdungaw ni Kuya Arki sa pintuan namin.

“Anong kailangan n'ya sa 'yo? Nandito lang naman ako, ha,” sabay irap ng inggitera kong prend. Pasalamat siya, bago lang kami nagka-ayos dalawa.

Not Bad to be a Choosy - COMPLETED Where stories live. Discover now