Chapter 18

33 2 0
                                    

YOU have to take risks. We will only understand the miracle of life fully when we allow the unexpected to happen —Paulo Coelho.

Undecided pa rin ako. Nakausap ko na si mama. Kinausap n'ya ako, tungkol sa plano nito na dadalhin n'ya ako sa Canada 'pag bumalik na siya doon. Haysst... Ang hirap mag-decide, sa mga unexpected na bagay.



“Naka-ayos ka na pala,” wika nito, na kababa lang mula sa kotse nila.

Tiningnan nito ang ayos ko na, naka-suot ako ng maong na jumper pants at may color white na blouse sa loob. Saka rubber shoes na color white naman ang sapin ng paa ko.

Siya naman ay nakasuot ng color black na fitted longsleeve dress na hanggang tuhod nito at saka color black na cone heels.

“Tara na,” with a smile na saad nito at saka kami sabay pumasok sa loob ng car nila sa backseat.


“Bakit need kong sumama?” tamad na saad ko na ang mga mata ay nasa harapan. Nandito na kami sa loob ng tumatakbong kotse nila na sinasakyan namin ngayon.


“Alangan naman ako... Ayoko nga!  Haysst? Bakit ba kasi nag-luto si lola ng maja blanca. Tapos ihahatid ko pa kay kuya ngayon,” nakabusangot na saad nito na wala sa mood ngayon.

Tiningnan ko ang isang eco bag na nasa tabi nito na may laman sa loob. Maja Blanca raw.


“Masarap ba 'yan?”

“A-ano... Maraming peanuts at saka... cheese!”

“Wow! Cheesy pala.” Nag-bago ang ekspresyon ng mukha nito. Kanina nakabusangot, ngayon ay naka-ngiti na na nagagalak.

“Favorite ni, kuya?” hindi ito agad nakasagot. Kaya nilingon ko siya na tiningnan n'ya lang ako na may mali sa sinabi ko.

“Hanggang kailan mo ba tatawagin na kuya si Kuya Arki? Kuya zone yorn!” Napa-tsk nalang ako sa w-in-ika nito at saka ko binalik ang aking mga mata sa harapan.


Hanggang sa nandito na kami ngayon sa Grand Mesa Residences. Kasalukuyan kami ngayon nakasakay sa elevator paakyat sa eleventh floor. Kung saan, nando'n ang unit na tinitirhan ni Kuya Arki.


“Ikaw na ang mag-doorbell,” utos nito sa akin sabay angat ng hawak n'yang eco bag na may lamang maja blanca.


Tiningnan ko siya na sinasabi ko sa mga tingin ko na, ayaw ko. Ngunit tinaasan n'ya lang ako ng kilay n'ya. Pareho kaming tahimik ngayon na parang mga pipi. Nagtuturuan kung sino ang pipindot ng doorbell.

Hanggang sa no choice ako. Nanginginig ang mga daliri ko. Isang daliri ko lang naman ang ginamit ko sa pag-pindot ng doorbell.

We're waiting... mga three minutes siguro. Nang tumunog ang pinto na hudyat na may magbubukas na ng pinto para sa amin ni Kaye dito.

Ang akala ko, namin ay si Kuya Arki ang siyang sasalubong sa amin ngayon. Hindi pala...

Dahil isang babae na mahaba ang buhok na nakatapis ng tuwalya ang bumulaga sa amin ngayon.

The feeling na nanunuyo ang lalamunan ko na biglang nag-dry at need kong lumunok ng sarili kong laway. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Sino ang babaeng ito?

Not Bad to be a Choosy - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon