Chapter 8

46 4 0
                                    

Today is sunday. Araw na kung saan, tumatawag si mama dito sa amin.

Kasalukuyan ako ngayong nag-ch-check ng mga order na natanggap na ng ilang valued customers namin. Dito sa notebook na kaharap ko.



Natigilian ako bigla. Pumasok na naman sa alala ko si Kuya Arki. Ewan ko sa kaniya...

Nagpaparamdam na siya ngayon sa messenger ko. Hindi ko pa nga na-replayan ang unang 'Hi' n'ya na hanggang ngayon ay lima na.

Tapos puro siya 'Hey'. Abnormal talaga. Aaminin kong, na-turn off ako. 'Yong eighty percent na paghuhumaling ko sa kaniya. Naging forty percent na ngayon. Half ang binawas.

After nang nangyari no'ng birthday ni Kaye, na dalawang linggo na nakaraan. Ang daming nag-bago talaga.

Katulad nalang ng pagiging papansin nga sa akin ni Kuya Arki. Tapos, si Kaye. Hindi ko pa siya natanong. Kung bakit sinabi n'yang pinsan n'ya lang si Kuya Arki na totoong kapatid n'ya pala sa tatay.

Mabait sa akin si Kaye. Ayaw ko lang na ma-isip n'yang nangingialam ako sa buhay pamilya nila. Hindi ko rin kinuwento sa kaniya ang lahat ng nangyari ng gabing iyon. Pagkatapos kong gumamit ng CR sa banyo n'ya. Ayaw ko lang talaga mangialam, quite nalang ako.

Sa aking kakaisip. Biglang tumunog ang phone ko na ang ibig sabihin, gusto makipag-video call ni mama sa akin. Kaya tinap ko 'yong 'Answer'. Hanggang sa lumitaw sa screen ang itsura ng mama ko na mukhang pagod. I know na kagagaling lang ito sa duty n'ya as a nurse ngayon.


“Hello, ma,” tamad na sambit ko na namimiss ko na siya. Alangang maging masaya ang tinig ko. Eh, sa sad ako ngayon.

[Si mama, tulog na?] Tumango ako sa tanong nito na alam ko namang nakikita n'ya.

“Hinihintay n'ya ang iyong pag-uwi. Kailan po ba kayo uuwi?” Sumilay ang ngiti sa labi nito na nagagalak.

[I-update nalang daw nila ako. Malapit na ang December... May ipapadala ako sa inyo diyan.]

“Pero... makaka-uwi rin po kayo this christmas?” Kumibit-balikat ito at saka umiba ang ayos n'ya sa screen ng phone ko na ina-ayos n'ya malamang ang kaniyang cellphone.

[Next year, sana... Graduation mo na, hindi ba?]

“Pero, Ma-”

[Next year nalang. Magastos kasi kapag umuwi ako diyan ngayong december. June ba ang graduation ninyo?] Nakasimangot akong kumibit-balikat na hindi ko alam


Gusto kong mag-tampo. Dalawang taon na. Nang hindi siya naka-uwi dito. Nasilayan at nakayakap ko. Kung puwede ko lang siyang puntahan sa Canada, gagawin ko talaga. Wala nga lang akong passport.

[Anak, sure na sa June. Uuwi na diyan si mama. Kumusta ang online shop ninyo ng ate mo?] In-iba na naman nito ang topic. Para lang hindi mapag-usapan ang tungkol sa pag-uwi n'ya dito.

Hanggang sa natapos ang video call naming dalawa na may pagtatampo ako sa kaniya. Namiss ko lang naman siya. Sa cellphone lang kami nag-uusap. 'Yong miss ko na siyang kayakap... habang buhay.


Nandito ako ngayon sa Gateway mall. Ibibigay ko muna itong order ng ime-meet up ko. Bago ako papasok sa klase namin. May klase pa ako. Nine o'clock pa naman ang klase namin. Ngayon, eigh o'clock pa lang.

Ang tagal naman ng babaeng iyon. Crop tops na kulay maroon ang in-order n'ya mula kay Ate Ara. Ako nalang ang nag-presenta na makipag meet-up. Lalo na malapit lang sa school namin.

Mobile number ko ang ginamit para kontakin siya. Ang sabi n'ya, on the way na raw siya. Ang tagal, ha...

Hanggang sa nag-reply siya na nandito na raw siya sa Gateway na nakapasok na sa loob. Lumilinga-linga naman ako para hagilapin siya. Kumunot nalang ang noo ko na ni anino n'ya ay hindi ko makita. Actually, hindi ko rin alam ang itsura n'ya. Basta, babae siya.

Not Bad to be a Choosy - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon