Chapter 24

44 2 0
                                    

NALAMAN nila na hindi talaga ako totoong babalik sa Canada.

Kaya, nagalit sila. Lalo na si Olivia na ang sakit ng mga kalmot n'ya sa akin. Tawa lang ako nang tawa. Deserve naman nila, charr!




Wala na rin ako ngayon sa bahay nila Kaye. No'ng time na sinabi kong babalik na ako ng Canada, nag-hanap ako agad ng tutuluyan ko.




Humanap ako ng boarding house na malapit sa bahay namin noon, dito sa Ermin. Ayaw kong iwan itong lugar na ito. Lalo na, sa mga documents ko ay Ermin na address pa rin ang nakalagay.


For me, this is my permanent address. Kahit wala na 'yong dating bahay na kinalakihan ko noon. How sad...


One month na ako sa boarding house na tinutuluyan ko ngayon.



Si Kuya Arki—Arki nalang... Ayaw n'ya nang tinatawag ko siyang kuya. Madali naman akong kausap.


Ang alam ng mga kasama ko na nandidito sa boarding house, ay boyfriend ko siya. 'Yong sila pa ang may alam, sila kasi ang niligawan.



Nandito kami sa dining table na kung saan, kasama namin sila Tita Kim, Tito Karlos, Kaye, na nasa harapan namin at si Arki na katabi ko ngayon.



Una, kinakabahan ako. Kabado ang lola n'yo! Nakapagdesisyon na kasi kaming dalawa. Buo na ang desisyon namin. Gusto na naming ipaalam sa kanila ang.... Plano naming pagpapakasal. Sobrang bilis!






“Matanda na kayo. Ilang taon ka na, Arki? Hindi ba, twenty-seven ka na?” hindi nakasagot agad si Arki na alam kong kabado ito ngayon. Nakita ko ang ilang beses na paglunok nito. Lalo na ang pagtaas-baba ng Adam's apple n'ya.



“Wala naman sa akin. Kung need mong mag-paalam ngayon. Isa pa, nasa edad naman kayong dalawa. Kung... Magpapakasal kayo? Hindi ko kayo pipigilan. Alam ko naman na....” Lumaki ang mga mata ko nang sa akin tinutok ni tito ang mga mata nito na... Binigyan n'ya ako ng ngiti. Naloloka ako na... Naninikip ang dibdib ko ngayon na bumibigat ang aking paghinga.


Kumurap-kurap ang mga mata ko na dala ng sobrang kaba ngayon.


“Alam ko naman kung, b-bakit hindi natuloy ang pagbalik ni Tami sa Canada,” sa sinabi ni tito. Nagkatingan kaming dalawa ni Arki. Ako na naka-kunot na ang noo ngayon sa kung ano ang ibig sabihin ni tito.



“Kaya... Para saan pa kung pumagitna ako... Sa pagmamahalan ninyong dalawa.”



Bumuntong-hininga si tito at ang next na lumabas sa bibig nito ay hindi ko inaasahan. “Welcome to the family, iha!”



Bumalik lang ako sa realidad nang pisilin ni Arki ang kamay ko na kanina n'ya pang hawak dito sa ilalim ng lamesa. Ang lapad na ng ngiti n'ya sa akin ngayon na masaya at nagagalak.



“OMG! Ikakasal na kayo? —Hindi naman kayo, ha!” si Kaye na kanina pa tahimik. Ngayon lang nag-react. Binigyan ko lang siya ng ngiti.

Tumayo ako at saka inisa-isa na niyakap sila Tita Kim at Tito Karlos na magiging in-law ko na. Hindi ako makapaniwala... Mainit ang pagtanggap nila sa akin.



“Congrats!” hiyaw ni Kaye sabay yakap sa akin ng sobrang higpit. Niyakap ko rin siya at magkayakap kaming dalawa ngayon.


“Sinasabi na nga ni Oli, haha! Teka! Kailan pa naging kayo?” Nagkatingan kami ni Arki sa usisa ng kapatid nito.


I'm sure... Maraming magugulat talaga. Hindi naman kami. Pero ikakasal na. Plano ba... PLANO!


Sobrang bilis lang talaga. Pero hindi ko pagsisihan ito. Lalo na, alam kong magiging masaya ako. Sa oras na mag-asawa na kaming dalawa.



Not Bad to be a Choosy - COMPLETED Where stories live. Discover now