Chapter 25

42 5 48
                                    

"Pusang gala, ang sakit ng ulo ko!" naiimbyernang sigaw ni Kyna habang hawak ang sariling ulo. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit nito. Bukod pa rito, sumasakit ang buong katawan niya, lalo na ang mga kamay at braso dahil naapektuhan din ang mismong sakit niya ng alak.

Paulit-ulit siyang nagmura sa isipan hanggang sa mapagod at maalala ang nangyari kagabi. Sa tanang buhay buhay niya, kagabi ang pinakamaraming inom niya ng alak. Hindi siya lasinggera dahil ayaw niya ng alak at mahina ang alcohol tolerance niya. Naisipan niya lang mag-inom kagabi dahil sa pag-o-overthink na hindi nagpatulog sa kaniya. Ayan tuloy pinagsisisihan niya ngayon ang ginawa niya.

Tinanggal niya ang comforter na nakabalot sa buong katawan niya. Nakita niyang ganoon pa rin ang suot niyang damit, oversized shirt at shorts.

Umupo siya at medyo nahihilong tumingin sa paligid. Nahagip ng paningin niya ang isang itim na tray na may lamang pain reliever, isang basong tubig, isang maliit na pitsel na may tubig, at limang toasted bread. Isang tao lang ang agad na pumasok sa isip niya. Si Hiroaki.

"He's raising his own standard," bulong niya at hindi namalayan ang pagngiti. Kahit pangatlong beses na 'yong ginawa ni Hiroaki pero naninibago pa rin siya hanggang ngayon. Madalas kasi niyang nababasa sa romance novel na kapag nalasing o may sakit ang babae, nag-bre-breakfast in bed iyon- tulad ng gagawin niya ngayon. Ito ang isang bagay na hindi niya inaasahang gagawin ni Hiroaki para sa kaniya.

Inabot niya sa bedside table ang isang basong tubig at uminom. Bumalik siya sa kama para humiga at magtalukbong ulit sa comforter.

Masaya man kahit papaano ngayon, hindi niya maitanggi ang iniindang sakit at iyon ang mas lamang ngayon. Kaya kahit gusto niyang inumin ang gamot galing kay Hiroaki bilang appreciation, pinili niya munang ipahinga sa sarili.

Ilang oras ulit natulog si Kyna sa sariling kwarto. Pagkagising niya, kinain niya ang pagkaing nakahanda at saka uminom ng gamot.

Halos kalahating oras siyang nagpalipas ng oras sa pamamagitan lang ng pagtitig sa pader o kaya pag-upo. Nang gumaan na ang pakiramdam niya, bumangon na siya sa kama at hinugasan ang utensils na ginamit niya.

Plano niyang ibalik ang tray kaya nagpalit siya ng damit. Nagsuot siya ng puting long sleeves shirt na pinatungan ng pulang cardigan- dahil nilalamig siya- at black sailor pants. Rubber shoes na lang at medyas ang isinuot niya para hindi siya mahirapang maglakad. At dahil tinatamad siyang mag-ayos, sinuklay niya na lang ang nakalugay niyang buhok. Nagpahid na lang din siya ng lipstick sa labi at sa pinsgi para gawing blush on. Isinuot niya ang black short gloves niya para itago ang mga pasa sa kamay.

Pagdating naman sa bag, hindi na niya pinalitan ang bag niya kahapon dahil tinatamad na siyang mag-ayos. Inilagay na lang niya roon ang phone niya at pagkatapos ay lumabas na ng silid.

Dala ang tray, dumiretso si Kyna sa Forsio bar. Nadatnan niya si Rafael, ang manager, na nag-oobserba sa staffs habang nasa counter. Kaunti pa lang ang customers kaya hindi gaanong busy ang ibang staffs.

"Sir Raf, asan si Hiroaki?" tanong niya pagkalapag ng tray sa bar counter.

"Off-duty siya ngayong Sabado."

"Ah, oo nga pala. Nag-volunteer kaya siya ulit ngayon?" mahinang tanong niya na narinig ni Rafael. Medyo lumapit ito at sumagot kahit hindi siya direktang nagtanong dito.

"Maagang umalis ang team ngayon kaya 'di siya nakasama. Nakita ko siya kanina sa kitchen room nanagtu-tusta ng tinapay at naglalagay ng pagkain sa tray. May pakakainin yata."

Tumango si Kyna at nagpasalamat bago tumalikod. Inilagay ang buhok sa likod ng tainga at iginala ang tingin sa paligid. Ngayon pa lang ay nag-iisip na siya kung saan niya hahagilapin si Hiroaki.

To Capture Her HeartWhere stories live. Discover now