Chapter 31

48 4 46
                                    

"Minsan, 'di ko maiwasang isipin ka. Lalo na sa t'wing nag-iisa. Ano na kaya'ng balita sa iyo? Naiisip mo rin kaya ako?" pagkanta ni Hiroaki sa kalagitnaan ng malamig na gabi.  Nakaupo siya sa hammock, sa may pool area, habang ramdam ang pangungulila ngayong nag-iisa.

Puno ang isip niya ng mga alaala ni Kyna, bagay na lagi niya pa ring ginagawa nitong mga nakaraang araw. Sa sobrang kakaisip niya rito, nakaisip na rin siya ng kanta na sa tingin niya ay bagay sa kanilang dalawa.

"Ipipikit ko ang aking mata..." pagpapatuloy niya habang nakapikit. Wala siyang kahit anong instrumento at boses lang ang ginagamir niya. "dahil nais ka lamang mahagkas, nais ka lamang masilayan. Kahit alam kong tapos na, kahit alam kong wala ka na... At hihiling sa mga bituin,..."

Kahit na nahihirapan dala ng garagal na boses, tinapos ni Hiroaki ang kanta. Nanikip ang dibdib niya sa huling linya at naramdaman ang paglandas ng luha sa magkabilang pisngi.

"Patungo sa'yo... patungo sa'yo."

Saktong patigil ng pagkanta at pagmulat, bumungad sa harapan niga si Kyna. Nakasuot ito ng makapal na jacket, pants, at sapatos. Wala itong kahit anong suot na accessories sa katawan maski sa buhok. Wala rin itong kolorete kaya halata na ang pamumutla ng mukha at mga pasa sa katawan.

Sa loob ng maikling panahon, malaki ang naging pagbabago sa pangangatawan at itsura ni Kyna. Gayunpaman, hindi nagbago ang pagtingin ni Hiroaki sa kaniya. Lalo pa nga itong gumanda sa paningin nito dahil aminado na ito sa sarili at wala nang balak na tumanggi.

"Sabi sa'yo hindi cliché ang ganitong scene. Nangyayari rin 'to sa totoong buhay," panimula nito na labis niyang ikinagulat.

Nanlaki ang mga mata niya at napatayo. "K-Kyna!"

"See? Cliché scene likethis exists. Yung tipomg kumakanta yung male lead tapos biglang darating yung bidang babae," proud niyang sambit at awtomatikong namuo ang luha sa mga mata. Hindi niya man sabihin, nag-uumapaw na siya sa saya nang makita ulit si Hiroaki, lalo pa noong nagkaroon ng pagkakataong makausap ito.

"H-Hindi naman maganda ang boses ko," pagkontra ni Hiroaki.

"Nagbalik pa rin naman ako."

"Sus, paniguradong sinaktuhan mo lang ang pagdating mo sa pagtapos ko ng kanta," aniya at tumawa kahit sa loob-loob ay gusto na niyang ihinto ang usapan at yumakap. Sa ngayon ay pinipigilan lang siya ng hiya sa dalaga kaya idinaan niya na lang sa asaran ang lahat.

"Basag trip ka talaga. Pero 'di ka ba nagulat sa pagdating ko? 'Di ka ba masaya?"

"Kinanta ko na 'to, 100 times na yata. Umaga, tanghali, hapon, at gabi. Paulit-ulit."

"At least bumalik ako sa isa sa 100 times na 'yon. B-But why did you do that though?"

"Gusto kita, Kyna," pag-amin niya bago pa man panghinaan ng loob. Ngayong kaharap na noya ang taong gusto niyang makita, wala na siyang naiisip na iba pa.

Halos atakihin sa puso si Kyna sa narinig. Napahawak siya sa puso at natigil sa paghinga sa ilang segundo. "Ginulat mo ako. Muntik na akong maniwala."

"Ba't 'di ka naniniwala?" nagtatakang tanong nito. "Yan ang hirap sa'yo. Sa sobrang hilig mo sa fiction, nakalimutan mo na kung paano i-handle ang reality. "

"Dahil sinungaling akong tao. At ang mga gano'ng tao, nahihirapang maniwala sa iba."

"Pero totoo ako, Kyna, kahit tingnan mo pa sa mga mata. At kung ayaw mong maniwala, ipapakita ko na lang sa gawa."

To Capture Her HeartWhere stories live. Discover now