Chapter 13

42 5 48
                                    

"So what kind of character will you portray today?" may halong excitement na tanong ni Kyna. Nakabuntot siya ngayon kay Hiroaki na abala sa pagtatrabaho.

"Busy ako kaya wala akong oras na makipaglaro sa'yo." Sinamaan siya nito ng tingin bago magtungo sa Table 14 para maglinis. Kakaalis lang kasi ng customer doon.

"Eh, dali na. Kahit magpa-cute ka lang habang nag-se-serve."

"'Wag ka ngang magulo," suway nito at nagsimulang punasan ang lamesa gamit ang basahan at water spray.

"E di magmura para fit sa mood mo today. Murahin mo ako kung gusto mo. Pramis, 'di ako magagalit."

"Anong trip yan?" tanong nito at bumalik na sa counter habang kasunod pa rin siya.

"Try mo na kasi. Gusto lang makarinig no'n. Malay mo lalo kang magmukhang cool."

Bumuga ng hangin si Hiroaki at ginulo ang buhok. "Get the fucking out of this fucking bar. Got that, fucking human? O dapat ko pang fucking ipaliwanag ang fucking lahat."

"Woah," halos matulala niyang sambit, lalo na p ang naririnig niya imbes na f. Naisip niya ring kung 'fuck' lang ba ang alam na mura ni Hiroaki pero natigil nang magsalita ito ulit.

"Stay the hell out of of fucking here. Punyeta. Gago, ayaw na kitang makita, asshole. Ang pangit mo. Tangina, ang sakit mo sa mata. Ayaw na kitang makita. "

Halos dumugo ang tainga ni Kyna sa mga sinasabi ni Hiroaki halos dahil sa mura sa Tagalog. Ngumiwi siya at tinakpan ang kaliwang taingela gamit ang hintuturo. "Shet, ang sakit pala sa tainga. Itigil mo nga 'yan!"

"Walang hiya, ayoko nga. Bahala kang sumakit ang fucking ears mo. Bwiset ka ikaw kasi nang-iistorbo ayan tuloy nasayang ang nyetang oras ko."

Nanlaki ang mga mata ni Kyna nang makita si Rafael o mas kilala bilang Mr. Raf, ang manager sa bar, na lumabas mula sa employees' room sa loob ng counter area.

"Stop na, Hiro, kundi pagsisisihan mo," banta ni Kyna at kinagat ang pang-ibabang labi. Nagpigil-hininga siya habang pinapanood itong maglakad palapit sa kanila.

"Hindi ako titigil hangga't 'di ka umaalis na tarantando ka. Pucha, alis na and don't fucking disturb me, you bitch! Get out of my fucking way, you weird piece of shit." pa-cool pa rin nitong pahayag at pinagpag ang suot na coat.

"Manners mo, Aki. Bakit mo minumura ang guest natin sa resort? Nakalimutan mo na ba ang House Rules natin dito sa bar? Kung ikaw kaya ang palayasin ko rito sa bar at nang magtanda ka?"

Kumunot ang noo ni Hiroaki at nagtatakang napalingon sa likuran nang makarinig ng boses. Nanlaki ang mga mata niya at nataranta nang makita ang boss niya na nakatindig habang nakalagay ang magkabilang kamay sa likod. "B-Bossing!"

"Come to my office now," seryosong utos ni Rafael.

"P-Pero, boss, nagbibirua—"

Itinaas ni Lee ang sariling kamay para patigilin si Hiroaki sa pagsasalita. Bumaling siya kay Kyna at humingi ng paumanhin gamit ang tingin at pananalita. "I'm sorry, ma'am...?"

"Kyna, sir," pagpapakilala niya at sumulyap kay Hiroaki na halos umuusok na ang ilong sa inis.

"What?" inosenteng tanong niya rito. "I told you to stop cussing. 'Di ka nakinig."

Nanlilisik na tumingin si Hiroaki kay Kyna na parang nagsasabing, 'hindi pa tayo tapos.'

Nagkibit-balikat lang si Kyna at ibinalik ang tingin kay Rafael. Kinagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa guilt.

To Capture Her HeartWhere stories live. Discover now