Chapter 3

71 7 52
                                    

7 AM nang lumuwas si Kyna sa probinsya gamit ang sariling sportscar na siya mismo ang nagmaneho. 2-seater ito at nakalagay sa passenger seat ang dalawa niyang malalaking bagahe. May rest house sila roon ng pamilya niya kaya may matitirhan siya hangga't gusto niya. Siya lang ang mag-iisang uuwi dahil may trabaho si Shine pero nangako itong bibisita minsan kapag nagkaroon ng oras.

Dahil sa sobrang excited niyang lumuwas, nakalimutan niya ang isa sa mga branded niyang bag sa bahay na naglalaman ng mga mamahaling accessories at makeup kit. Pero hindi na siya nag-abalang balikan iyon dahil balak niyang bumili na lang ng bago.

Kyna is a millionaire. Nagmula siya sa mayamang angkan pero hindi lahat ng yaman niya ang galing doon. Tumutugtog siya sa mga gig at sa parties at marami na rin siyang naibentang paintings at artworks.

Sa isang tapsilogan ang napiling tagpuan nina Kyna at Orlando. 8 AM, sharp.

Naunang dumating sa meeting place si Kyna. Bago pa siya nakarating, nagawa niya pang mag-dress up at magsuot ng light makeup sa mukha. Nakasuot siya ng puting flared jumpsuit, itim na gladyators (flat shoes), at pulang beret. May dala rin siyang itim na quilted bag na pinaglalagyan ng phone at wallet. Isa ang OOTD sa hilig niyang gawin kaya hindi na naging mahirap at matagal sa kaniya ang pumili ng damit ngayon.

Umupo siya sa pinakagilid, table for two, kung saan malapit sa pinto. Habang naghihintay, nagbasa muna siya ng romance novel. Ito ay sa kadahilanang para may ideya siya sa ginagawa at linyahan ng mga magkasintahan. "Tipikal na holding hands, back hug, kiss in the rain, at intimacy. Ano kayang maganda?"

Nang dalawin siya ng antok, itinigil na niya ang pagbabasa. Nagbukas na lang siya ng social media account at hinanap ang pangalang Orlando Sandoval.

"Oh, nag-effort pa akong umuwi ng Batangas para sa'yo, ah. Baka naman hindi mo ako siputin," aniya na para bang tao na ang kausap. Kasalukuyan niyang tinitingnan ang isa sa latest post nito.

Black suit ang suot ni Orlando at halatang plantsado. Malinis ang mukha at naka-brush up ang buhok. Marami siyang katabing sa palagay ni Kyna ay mga kaibigan niya o empleyado. Siya rin ang nag-standout sa litrato, marahil siya ang nasa gitna o dahil sa mismong itsura niya. Siya lang din ang walang bahid na pawis sa mukha.

Binasa ni Kyna ang caption.

Jon_Sandoval45 Thanks, guys! Once in a lifetime event at @ForsioResort

"Forsio resort? Pang-mayaman 'yun, ah," komento ni Kyna.

Ang Forsio Resort ay isang five-star resort na matatagpuan sa Pilipinas. Marami itong branches at isa na ang sa probinsyang pinagmulan ni Kyna. Para ito sa mga nagbabakasyon, naghahanap ng pansamantalang masisilungan, at mga nagliliwaliw.

Pagkatapos titigan ang litrato, tiningnan niya ang oras. May limang minuto pang natitira.

Makalipas ang ilang minuto, tumunog ang phone ni Kyna at umilaw ang screen nito. Nakatanggap siya ng mensahe kung saan sinabing nasa labas na ang taong kikitain niya.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin at iginala ang paningin sa paligid. Hinanap niya ng lalaking nakasuot pulang damit at maong na shorts, base sa deskripsyon ng kausap niya.

Maya-maya'y tumunog ang chime bell. May pumasok na isang lalaki na akma ang kasuotan base sa deskripsyon. Nagpalinga-linga ito at halatang may hinahanap. Nang mapadako ang tingin niya sa Kyna, tumingin ito saglit sa phone at saka naglakad palapit.

To Capture Her HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora