Chapter 10

54 4 51
                                    

"What's angel shot?" interesadong tanong ni Kyna at umayos ng upo. Ngiting-ngiti siyang tumingin kay Hiroaki na ngayon ay nagkakamot ng baba. Tumingin ito sa kaniya at walang emosyong sumagot.

"Angel shot, ano... ginagamit 'yun kapag may emergency ka habang nasa bar."

"What kind of emergency?"

"Kapag kailangan mo ng tulong."

"Yung parang sa"

"Pwede patapusin mo muna ako?"

"Oo na, oo na," pagsuko ni Kyna at itinaas ang dalawang kamay. Nagtikom siya ng bibig at pakurap-kurap na tumingin kay Hiroaki.

"Basta code 'yun na sinasabi sa waiter o kahit sinong bar staff kapag hihingi ka ng tulong kasi may taong nanggugulo sa'yo o basta pakiramdam mo nasa panganib ko. Yung angel shot neat, magpapahatid ka sa sasakyan mo. Yung angel shot with ice or angel shot on the rocks, magpapatawag ka ng taxi o grab. Yung angel shot with lime naman, tatawag ka ng pulis. 'Yun lang."

"That's it?"

"Oo."

"Wala kang i-de-demo?"

"Wala."

"'Yun na talaga 'yon? Akala ko naman kung ano na," dismayadong pahayag ni Kyna at sumandal sa upuan habang nakakrus ang braso.

"Ano bang akala mo?" halos magkasalubong na kilay na tanong ni Hiroaki.

"Yung ano, magpaka-hero ka kapag binaril or something kaya angel shot. O kaya some kind of drinks na ituturo mo. Or technique sa pag-inom o pag-shot. O kaya camera shots."

Nagpigil ng tawa si Orlando at umiwas ng tingin, samantalang lalong kumunot ang noo ni Hiroaki. "Pinagsasasabi mo?"

"Angel shot nga. Malay ko bang code lang pala 'yon."

Hindi na nagkomento si Hiroaki sa sinabi niya. Bumaling na lang ito kay Orlando."Pero mukhang 'di na niya kailangan yan."

"Bakit naman?" pagsingit ni Kyna sa usapan at pinaliitan ito ng mata. "Kasi lagi kang nand'yan para sa'kin?"

"Hindi. Bully ka kaya baka yung mga lalaki pa ang matakot na lumapit sa'yo."

Nawala ang ngiti sa labi ni Kyna at napalitan ng dead look. "Ikaw nga lang yata 'tong takot sa akin. Baka maging under ka kapag naging tayo."

Tumawa nang malakas si Hiroaki at bumaling ulit kay Orlando. "'Di mo naman sinabing may tama sa utak 'tong chi-" Natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong takpan ang bibig niya.

"Let's move on to our next segment. Paubos na yung pagkain natin pero 'di pa tayo nagkakakilala nang maayos," pakli nito at pumalakpak ng tatlo. "Sinong gustong mauna?"

"Ako-"

Naputol ang sasabihin ni Hiroaki nang magsalita si Orlando. "Ladies first."

Na-impress si Kyna sa narinig. Medyo gulat siyang tumingin kay Orlando at nag-thumbs up. "Ang gentleman mo talaga. Alam mo, 'yan yung tipo ni Shine."

"Oo nga. Sinabi niya kahapon," pagsang-ayon nito at uminom.

"Yep. Magka-vibes kayo 'no? Papapuntahin ko ulit siya sa susunod tapos bonding tayo."

"Ikaw? Ano bang ideal type mo?"

"Actually," she stated with a dreamy eyes. "May pagka-bad boy...? Yung tulad ng nababasa kong kwento."

To Capture Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon