Chapter 24

30 5 35
                                    

"Ikaw, Lando. Magkwento ka naman tungkol sa childhood mo," ani ni Kyna at ipinakita ang interes sa pakikinig kay Orlando.

"I actually have nothing to tell," pakli nito at nilagok ang alak na nasa shot glass.

Nasa kubo pa rin silang tatlo nina Hiroaki at medyo katatapos lang kumain. Napagpasyahan nilang ituloy ang kwentuhan sa pamamagitan ng panaka-nakang pag-inom ng alak.

"Weh, 'di nga? Sa history pa lang ng success mo ang dami mo nang pwedeng ikwento."

"Maybe... basta sa madaling sabi, nasa kolehiyo na ako nung ipinamana sa akin ang resort na 'to. At nag-enjoy lang ako sa buhay noong kabataan ko."

"Pa'nong enjoy?"

"Palaro-laro, gano'n. Hinahayaan lang ako ng grandparents kong gumala kung saan-saan," sagot nito at huminto na sa pagsasalita.

Tumango-tango si Kyna at bumaling kay Hiroaki. "How 'bout you, Hiro? Magkwento ka tungkol sa childhood mo."

Napatigil ito sa pagkalikot ng ngiping gamit ang toothpick. Pinagpalit-palit nito ang tingin sa kaniya at kay Orlando bago sumagot.


"Summer, doon tayo nagkakilala. Ilang beses lang tayong nagkita pero ang dami nating naging memories. Ikaw lang at ako ang madalas magkasama," dire-diretsong pagkukwento nito at sumandal sa upuan. "At a very young age, ang hilig mo nang magpinta. Alam mo na ang gusto mong gawin sa buhay no'n, samantalang ako puro laro lang."

"And then?"

"Isang beses sinundo ka ng papa mo sa tambayan natin kasi pinabili ka lang ng sampung pisong asin pero 'di ka na bumalik. Tawang-tawa ako no'n sa'yo kasi ang sabi ko sa akin nagpaalam ka pero hindi pala." Nag-shot ito bago magpatuloy sa pagsasalita.

"Bata pa lang tayo mahilig ka na sa fairytale. Sabi mo destiny na paulit-ulit tayong nagkikita. Sa'n mo ba napulot ang salitang 'yon sa murang edad?" natatawang tanong nito.

"Sa mga napapanood ko 'yun sa TV. Alam mo na, princess and prince," paliwanag niya at sumenyas na ituloy na nito ang pagkukwento.

"Tapos naaalala yung nagpasama ka sa tindahan? Nung tinawag mo si Aling Tana para sana bumili ng ice candy. Pagkadukot mo ng pera mo, nahulog yung barya mo nu'n sa kanal kay. Nakokonsensya ka na nga kasi iistorbohin mo siya para sa tatlong pisong ice candy pero mas nakonsensya ka kasi tinawag mo lang siya at tinakbuhan."

Medyo nagsalubong ang mga kilay ni Kyna. Medyo blurry ang alaala niya noong kabataan at pira-piraso na lang ang memorya niya. "Ba't puro sa'tin ang kinukwento mo? Wala ka bang alaala yung ikaw lang?"

Nagkibit-balikat ito at nag-shot ulit bago sumagot. "Wala. Ikaw?"

"Wala rin."

Nagkatinginan sina Kyna, Hiroaki, at Orlando at nagpakiramdaman. Maingay ang nasa paligid, sa labas ng kubo, pero tila nabingi sila sa katahimikan nilang tatlo pagkatapos magtanungan tungkol sa childhood.

Pare-pareho silang nagtantya kung ano ang dapat sasabihin o susunod na gawin para mabuhay ulit ang atmospera sa pagitan nila. Alam nila sa sariling lahat sila ay may bagay na hindi sinasabi pero hindi nila magawang hulaan ang kani-kaniyang sikreto.

"Hiro, may itatanong pala ako sa'yo. Kanina ko pa 'to naisip nung nasa laser tag tayo pero ngayon ko lang naalala," pagbasag ni Kyna sa katahimikan.

To Capture Her HeartWhere stories live. Discover now