Chapter 1

85 6 46
                                    

Summer night. May nagaganap na party sa beach na matatagpuan sa syudad. Puno ang lugar ng mga taong nakasuot ng swimsuit at trunks na bumagay sa tema ng party. Sa bawat cottage ay mayroong nakahandang iba't ibang pagkain na pwedeng puntahan ng mga gustong kumain at magpahinga. May mga nakahanda ring grills para sa mga mag-iihaw ng mga karne at isda na maaaring pulutan ng mga iinom ng alak at kung anu-anong inumin.

Sa gitna ng buhanginan, mayroong naka-set up na maliit na entablado kung saan may tumutugtog na banda. Sa tabi nito ang dalawang malalaking speaker, sapat na para marinig ng lahat ng tao sa lugar ang tugtog. Malaki naman ang espasyo sa baba ng entablado at dito nakatapat ang mga ilaw na may iba't ibang kulay. Ito ay para sa mga taong gustong sumayaw at magsaya.

Kasama sa mga taong dumalo sa nasabing party ay sina Kyna Lindsay at ang kaniyang pinsan na si Shine. Nakasuot silang dalawa ng shorts at croptop habang nakatali nang maluwag ang buhok.

May suot na hair extension at bonet si Kyna para hindi gaanong mahalata ang kaniyang itsura. Hindi rin siya gaanong naglagay ng kolorete sa mukha kaya mapapansin ang medyo maputla niyang labi. Isa siya sa mga kilalang pintor sa Pilipinas. Ang pangalan lang niya ang namamayagpag ngunit hindi gaano ang kaniyang itsura dahil tanging mga solid at die hard fans lang ang nag-aabalang i-search and itsura niya.

"Guys, let's party!" sigaw ng isang babaeng nasa mid-20s ang edad at itinaas ang hawak na wine glass na naglalaman ng margarita. Nakatayo siya sa gitna ng entablado at hawak sa kabilang kamay ang isang mic. Balingkinitan ang kaniyang pangangatawan at wavy ang kaniyang maikling buhok. Meron siyang manipis na kolorete sa mukha pero hindi na gaanong halata dahil medyo madilim na at tanging disco lights na lang ang nagbibigay liwanag sa venue.

Sa baba ng entablado ay puno ng mga nagkakasiyahang mga tao na waring may kani-kaniyang mundo. May mga nagsasayawan, nag-iinuman, nagluluto, kumakain, at PDA.

"Are you having fun?" tanong ng isang babae kay Kyna habang nakatayo ito sa tapat ng isa sa mga matataas na round table na nakapwesto sa gilid. Nagpalinga-linga ito habang nanliliit ang mata at tila may hinahanap na tao sa tabi-tabi.

"Shine, alam mo naman kung bakit ako pumunta rito, 'di ba?"

"Oh, right. Mamaya kita ipapakilala kay Jackson. Pero sa ngayon, mag-enjoy muna tayo! Let's dance!" paanyaya niya at nilagok ang natitirang inumin bago ipatong ang baso sa lamesa. Pagkatapos ay pinununasan niya ang kaniyang bibig gamit ang likod ng kamay at hinila si Kyna papunta sa dancefloor.

"Wait," pagpigil niya at sinubukang hatakin pabalik ang kamay pero nabigo, "are we not being reckless? Alam mo namang hindi pwedeng masaktan ang kamay ko 'di ba? Delikado 'to."

"Reckless nga talaga 'to. Pauso mo kasi, dinamay mo pa ako. Sabihin mo lang kung gusto mo nang mag-back out."

"Nah, that's not an option," pagbawi niya at nagpahila na lamang hanggang makarating sa tapat ng nagsiksikang mga tao sa dancefloor.

"At bakit naman, aber?"

"Baka hindi ako makahanap ng lalaki. Yung pangarap ko nga hindi ko maabot noong hindi ako nagsumikap, pagmamahal pa kaya?" tanong niya na parang halatang-halata ang sagot.

"Magkaiba naman 'yon."

"Pareho lang 'yon. Pero nag-iingat lang ako kasi hindi pwedeng masaktan ang kahit anong parte ng katawan ko. Marami pa akong kailangang tapusin na draft pag-uwi."

To Capture Her HeartKde žijí příběhy. Začni objevovat