Chapter 11

54 6 44
                                    

"Forsio Resort ATM. So glad to be here. Xoxo..." pagbasa ni Kyna sa tina-type niya sa phone at pinindot ang Post button. "And post!"

Ngiting-ngiti siyang lumapit sa mga puno at kumuha ulit ng panibagong mga litrato. Nag-pose siya kung saan-saan at paminsan-minsang kinukuhanan din ng litrato ang mga kasamahang abala sa pamimitas.

Nasa hardin siya ngayon kasama sina Hiroaki at iba pang staff ng Forsio Resort na off-duty kapag Sabado. Nangunguha sila ng sili, papaya at iba pang gulay sa hardin na pagmamay-ari ni Orlando. Ginagamit ang mga iyon pang-rekado sa bar at maliit na resto na nasa loob ng resort. Lagpas sampung minuto ang byahe papunta rito kapag nakasakay sa kuliglig.

"Anong klaseng volunteer 'yan? Walang ambag," rinig niyang pasaring ni Hiroaki na kasalukuyang namimitas ng mga sili malapit sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagkuha ng litrato. Wala pang isang minuto ay nakarinig ulit siya mula rito. "Nakisiksik lang sa kuliglig, sayang yung space."

Nagpameywang siya sa harap nito. "Excuse me? Pinatatamaan mo ba ako?"

Lumingon ito sa kaniya at inosenteng tumingin. Nagkibit-balikat ito at ibinalik ang tingin sa puno ng sili para mamitas ulit, dahilan para mairita siya.

"Hoy, may naitutulong kaya ako. Look." Iniharang ni Kyna ang phone niya sa pagitan ni Hiroaki at ng puno ng sili. Nang matigilan ito at mapatingin sa phone, ginamit niya ang oportunidad para magpaliwanag. "In-advertise ko ang resort niyo for free. Look. Siguro nga nasa 11k lang ang followers ko sa IG pero sapat na siguro 'yon para maka-attract ng dalawa o tatlong guest."

"Sus, wala pa 'yan sa kalingkingan ng mga kinakain mo.," pambabara nito at tinabing ang kamay niya para makapamitas na ulit.

"Excuse me? Nagbabayad kaya ako para sa renta and most of my food. Ginagamit ko pa nga ang lifetime savings ko for this long vacation."

"Ang aksayado mo sa pera. At espasyo sa kuliglig. Puro picture naman kahapon sa resort ang pinost no at hindi yung picture ngayon. Sana 'di ka na lang talaga sumama."

Bumusangot si Kyna at sumipa sa hangin. "Ang sama mo talaga sa'kin. Picture-an kita d'yan tapos post ko sa account ko."

"E di litratuhan mo!" inis nitong sigaw. Mabilis niyang binuksan ang camera app at itinapat dito para kuhanan ng litrato. Pagkakuha, tumakbo siya palayo at natatawang tiningnan ang nasa gallery.

"Hoy!" sigaw ni Hiroaki at tumuro sa direksyon niya. Bilang tugon, saglit lang siyang lumingon at nag-belat. "Madapa ka sana!"

Pagkalipas ng ilang minutong pagtakbo ni Kyna kahit hindi siya hinahabol ni Hiroaki, nakaramdam siya ng pagos. Nagpahinga siya sa bungad ng hardin kung saan may lilim. May mga langgam na nangangagat kaya nagmamartsa siya sa pwesto habang pinagmamasdan ang kabuuan ng hardin. Nasa sampu ang nga tauhan pero at medyo kanina pa sila namimitas pero marami pa siyang nakikitang tanim na hindi pa nakukuha.

Wala pang ilang minutong pahinga, nakaramdam siya ng pagkaburyo. Bumutong hininga siya at itinago sa sling bag ang phone. Luminga siya sa paligid at hinanap si Hiroaki, ang tanging tao na kilala niyang sumama. Pagkakita ng target niyang nasa kabilang dulo at abala pa rin sa ginagawa, mahina siyang sumipol at  parang modelong naglakad papunta roon.

"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo? Nasisinagan ka ng araw, oh," bungad ni Kyna kay Hiroaki at inilabas mula sa sling bag ang isang bimpo. Lumapit siya at akmang pupunasan ang mga pawis na tumutulo sa noo hanggang leeg nito pero mabilis itong umiwas.

"Kaysa naman sa'yo na display lang ang damit."

Tiningnan ni Kyna ang sarili niyang damit. Nakasuot siya ng pulang halter dress at black wedge shoes. Sleeveless ito kaya ayos lang kahit mapawisan. Naka-bun ang buhok niya at may suot na cocktail hat. Wala siyang suot na kahit anong accessories bukod sa puting stud earrings.

To Capture Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon