Chapter 28: Jealousy

41 6 5
                                    

Ciera's POV

Nakakainis talaga! Ilang araw na ang nakalipas magmula noong tinawagan ako ni Callum habang nasa bar siya at lasing pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong babaeng lumapit sa kaniya! Nakakainis talaga!

Sabi ko magfo-focus na lang ako sa trabaho para hind ko 'yon maisip pero naiisip ko pa rin talaga 'yon kahit habang nagtratrabaho ako eh! Nagsorry naman si Callum sa akin dahil daw tinawagan niya ako that time at baka raw may nasabi siyang mali kaya sorry daw. Sa inaasta at sinabi niyang 'yon palagay ko wala siyang natatandaan na nangyari that night. Pero I wonder talaga kung ano ang ginawa nila no'ng babaeng 'yon.

Argh! Nakakainis talaga!

"Uhmm... ma'am? Miss Ciera?" bigla akong nagising mula sa mga kung ano-ano kong iniisip dahil may biglang tumawag sa akin. Muntik ko nang makalimutan na nasa meeting pala ako ngayon. Grabe na talaga ang epekto sa akin ni Callum! Parang feeling ko nagbackfire lahat sa akin eh!

"Yes?" malamig kong sagot.

Nakita ko namang nag aalangan sa pagsagot ang babaeng kasalukuyang nag pre-present sa meeting, nanginginig din siya sa hindi ko malaman na dahilan.

"Is there something wrong?" kunot noo at malamig ko pa ring sabi.

Hindi naman siya sumagot at patuloy lang siyang napako sa kaniyang kinatatayuan kasabay ng pagnginig ng buo niyang katawan. Kitang kita ko naman ang magkahalong takot at kaba sa kaniyang mga mata.

May nangyari bang masama? May mali ba sa naipresent niya or humihingi siya ng comment ko? Hindi ko maintindihan, palibhasa hindi naman ako nakikinig.

Seryoso ko namang tiningnan ang nakapresent na slide show, wala naman akong nakitang mali roon at wala rin namang negative thing doon.

Tumingin naman ako sa aking paligid at lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang nakakapagtaka lang ay nakatingin sila sa akin at punong puno ng pag-aalala at takot ang kanilang mga mata, hindi rin sila kumikibo at tila ba hinihintay lang nila ako na magsalita.

"I don't see anything wrong," wika ko. "Stop looking at me or else I'll poke all of your eyes." Bigla naman silang umiwas ng kanilang tingin.

Kung makatingin naman kasi sila sa akin wagas, akala mo naman may ginawa akong masama.

Lumapit naman sa akin si Emma, "Ma'am, excuse me," bulong niya.

Mas inilapit ko pa ang aking tenga sa kaniyang bibig upang mas marinig ko ang kung ano mang ibubulong niya.

"Your hand, ma'am," she whispered. Ramdam ko rin ang panginginig mula sa kaniyang boses.

Napatingin naman ako sa aking kamay at nakita ko na naputol ko na pala ang lapis na hawak ko.

Grabe, nakakapagpalakas pala ang galit, hindi ko akalain na makakaputol ako ng lapis.

'Yon pala ang dahilan kung bakit grabe sila kung makatingin sa akin at kung bakit halos maihi na sila sa kaba. Akala siguro nila ay sa kanila ako nagagalit.

Hayst! Kahit naman kasi anong gawin ko laging si Callum ang pumapasok sa isip ko! Nakakainis naman talaga!

"Meeting adjourned," walang gana kong sabi at napahilot sa aking sintido. "There's no problem about the meeting today, so don't mind it. I have my personal problems."

Sabay-sabay naman silang nakahinga ng maluwag dahil sa aking sinabi.

Ayaw ko naman kasi talaga na pati mga empleyado ko ay naapektuhan dahil sa akin. I really need to fix this problem of mine.

Take a Sip (Love Potion Series #1)Where stories live. Discover now