Chapter 17: Confrontation

34 5 12
                                    

Ciera's POV

"Ate, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Cairo.

Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapakali sa pag-alis ko sa company ni lolo.

Isinot ko muna ang aking hikaw sa harap ng salamin bago ko siya hinarap.

"Hindi ko talaga ito gustong gawin, you know how much I worked hard for this position, kaso wala naman akong magagawa dahil basura lang naman ang tingin sa akin ni Lolo," malungkot kong sabi. "Mapapatalsik din naman ako sa kompanya nila kapag nag 18 na si Kevin."

"Pero seryoso nga kasi, Ate, ano ba ang gagawin mo kapag nakapag resign ka na?" curious na tanong ni Cairo. "Tsaka about sa dating sca-"

Hindi niya na natulog pa ang kanyang sinasabi dahil matalim ko siyang tiningnan, "Cairo ah, 'di ba usapan natin na hindi na natin 'yon pag-uusapan?"

Kagabi kasi ay napaupo ako sa hot seat dahil sa mga tanong ng aking pamilya, kesyo totoo raw ba ang dating scandal namin ni Callum. Sinabi at nilinaw ko naman sa pamilya ko na hindi 'yon totoo, na fake news lang 'yon, kaso hindi naman nila ako pinaniwalaan. Sino ba naman ako para paniwalaan nila eh kinakampihan nga nila si Callum?

"Aalis na ako," paalam k okay Cairo. "Bakit ka ba kasi nakatambay sa kuwarto ko?"

Hindi ko talaga alam kung ano naman ang gusto ng batang ito.

Lumabas na lang ako sa aking kuwarto at sumunod naman siya na para bang buntot ko.

"Ano ba ang kailangan mo?" inis ko namang tanong sa kanya.

Hindi naman siya ganito, I mean ang weird lang ng inaarte ni Cairo simula kaninang umaga, hindi ko nga lang talaga alam kung bakit.

Napahinto naman ako sa pagbaba sa hagdan nang may mapagtanto ako.

"May ginawa ka nanaman bang masama? Ano nanaman bang kalokohan ang ginawa mo?" tanong ko sa kanya.

Ganito kasi siya kapag may nagawa siyang mali, lalambing lambing pa akala naman niya gagana pa eh alam na alam ko na ang galawan niya.

"Tingnan mo na lang kung ano," natatawa naman niyang sabi.

Anak ng tinapa! So may ginawa nga talaga siyang mali?!

"Lagot ka talaga sa akin kapag malaking trouble nanaman ang ginawa mo. Pipingutin talaga kita sinasabi ko sa'yo," pagbabanta ko naman sa kanya.

Bumaba na ako muli ng hagdan at laking gulat ko dahil nakita ko si Callum sa aming sala na nakaupo at tila ba may hinihintay.

Agad ko namang binigyan ng masamang tingin si Cairo dahil mukhang alam ko na kung ano ang sinasabi niya.

"Good morning, Ciera!" masaya niyang bati sa akin.

"Ano naman ang ginagawa mo rito?!" inis ko namang sabi sa kanya. "Tsaka 'wag mo nga akong masabihan ng good morning dahil walang good sa morning ko kung ikaw lang naman nag bubungad sa akin!"

"Ate naman! Kalma lang! Gusto ka lang naman niyang ihatid papunta sa work mo," nahihiyang sabi ni Cairo at pinigilan akong sugurin si Callum.

"Sino ba talaga ang kapatid mo?! Ako o ang lalaking ito?!" galit kong tanong ka Cairo.

Kung makaasta siya parang si Callum ang tunay niyang kapatid at hindi ako. Kahit ang mga magulang ko umaasta na si Callum ang kanilang anak dahil si Callum na lang lagi ang kinakampihan at dinedepensahan nila. Hindi ba nila alam na victim lang din ako sa mga kaganapang ito? Na victim lang din naman ako ng love potion na 'yan! Na nabudol lang naman ako ni Madam Divina kaya nagkanda leche leche ang lahat!

Take a Sip (Love Potion Series #1)Where stories live. Discover now