Chapter 19: Offer

34 6 19
                                    

Ciera's POV

Nakauwi na ako at natulungan na rin ako nina Callum at Cairo na ialagay ang kahon-kahon kong mga gamit sa opisina ko rito sa bahay, pero hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin tumitigil ang grabeng pagtibok ng aking puso dahil sa mga sinabi ni Callum kanina, idagdag na rin natin 'yong biglaan niyang paghalik sa akin.

First kiss ko 'yon!

"Kainis!" inis kong sabi at sinabunutan ang aking sarili.

Mababaliw na ako kakaisip sa mga pinagsasasabi ni Callum pati na rin sa ginawa niya at sa hindi pa rin matigil na pagkabog ng aking puso.

Mas ayos na sa akin na ma-stress ako sa trabaho 'wag lang sa ganitong bagay!

"Callum talaga!!" Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko sa aking malambot na higaan at nagpasyang pumunta na lang muna sa kusina at uminom ng tubig, baka kasi sakaling kumalma ang aking puso kapag uminom ako ng tubig.

Nasabi ko na rin sa mga magulang ko ang nangyari. Nakakatawa lang dahil magsu-submit pa nga lang sana ako ng resignation letter ko ngayong araw kaso sakto naman na inalis agad ako ni Lolo sa kompanya niya. Mas okay sana kung nag resign ako kaysa naman ganito, paramg masakit kasi na talagang siya pa ang nagpaalis sa akin sa kompanya niya.

Aalis naman kasi talaga ako kaso pinalayas niya agad ako, mas masakit tuloy.

"Tulala ka yata, Ciera?" natatawa na sabi ng isang lalaki.

Lumingon naman ako kung saan nanggaling ang boses ng lalaki at halos mabulunan ako nang makilala ko kung sino ito.

"Tito Gerald?!" masaya kong sabi.

Natawa naman siya at lumapit sa akin.

"Mukhang tulala ka yata?" natatawa niyang sabi at tinapik ang aking balikat. "Dahil ba sanangyari sa opisina?"

Mukhang alam na rin yata ni tito ang nangyari.

"Kakagising ko lang tapos nagkuwento na agad ang dad mo tungkol sa nangyari," malungkot niyang sabi. "Pagpasensyahan mo na ang lolo mo ah. Hindi ka na dapat pa naiipit sa gulo ng pamilya namin, sorry."

Bahagya naman akong napangiti dahil sa kaniyang sinabi.

"Tito, hindi ka rin naman po dapat na maipit sa gulo ng pamilya natin pero naipit ka pa rin. I guess ganoon talaga ang buhay, kahit na inosente ka nadadamay ka," natatawa ko namang sabi.

Natawa rin naman si tito dahil sa aking sinabi.

"Anyways, may gusto sana akong ialok sayo," seryosong sabi ni tito.

Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi.

"Ano po 'yon?" tanong ko.

"Balak ko kasing ipasok ang Star Telecom sa Pilipinas," panimula ni tito.

Oh, Star Telecom, 'yon ang kaniyang company sa ibang bansa. Hindi alam ni lolo na nagtayo si tito ng sarili niyang kompanya sa ibang bansa dahil ang buong akala ni lolo ay nagdoktor si tito.

Well ano pa nga ba ang inaasahan ko kay lolo? Wala naman siyang pake kay Tito Gerald.

"Continue po," sabi ko nang mapansin kong tila nahihirapan si tito na sabihin ang dapat niyang sabihin.

"And I want you to be part of Star Telecom," sabi naman ni tito.

Napuno naman ng magkahalong saya at excitement ang aking puso nang dahil sa sinabi niya.

"Talaga po?!" masaya kong sabi.

"Yes, I want you to help me manage Star Telecom lalo na kapag naipasok ko na ito sa bansa," he said with a smile. "I also want you to be the COO of my company."

Take a Sip (Love Potion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon