Chapter 14: Resignation Letter

45 6 21
                                    

Ciera's POV

"Ciera!!!" sigaw ng isang babae.

Agad ko namang iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin si Mellisa na ginigising na pala ako.

"Bakit?" inaantok ko pang sabi.

Marahan naman akong bumangon habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.

Inaantok pa talaga ako, siguro dahil ay anong oras na ako nakatulog kagabi.

"'Di ba may pasok ka pa?" tanong naman sa akin ni Mellisa. "Papasok ka ba?"

"Oo. Bakit?" sabi ko naman at kinusot kusot ang aking mga mata.

"9 am na, Ciera,"

Agad akong natigilan nang dahil sa sinabi ni Mellisa at tila ba nagising ang lahat ng ugat ko sa buong katawan.

"Ha?! Bakit naman hindi mo ako agad ginising?!" gulat at natataranta kong sabi.

Agad akong bumangon sa higaan at agad na naghilamos at nagbihis.

Bahala na kung walang kain at ligo, ang mahalaga ay makapasok na ako sa opisina.

Iisipin ko pa ba na wala akong kain at ligo eh napaka late ko na!

"Ngayon lang din kasi ako nagising, sorry," sabi naman ni Mellisa na mukhang inaantok pa rin.

Anak naman kasi ng tinapa! Hindi pala ako nakapag pa-alarm kagabi! Late na rin ako nakatulog dahil sa pag-uusap namin kagabi ni Callum.

"Crush mo ba si Callum?" wala sa sariling tanong ni Mellisa.

Napatigil naman ako sa pagsusuklay ng aking buhok at kunot noo kong tiningnan si Mellisa.

"Pinagsasabi mo?" patay malisya kong tanong sa kanya.

Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong si Mellisa para sabihin niya 'yon?

"What kind of nonsense is that?!" inis kong sabi at humarap sa salamin at muling sinuklay ang aking buhok. "Ano nanaman ba ang pumasok sa utak mo para sabihin 'yan?"

"I heard you last night. Tinatawag mo ang pangalan ni Callum. Nananaginip ka ba sa kanya?" tanong naman niya. "'Wag mong sabihin na pinagnanasahan mo si Callum sa panaginip mo ah!"

Inis naman akong humarap sa kanya at binato siya ng hawak kong suklay.

"Nababaliw ka na ba?!" galit kong sabi.

About sa negosyo ang napanaginipan ko kagabi, kaya hindi ko talaga alam kung ano ang pinagsasasabi ng babaeng ito.

"Totoo kaya! Sabi mo pa nga "Callum?!" gano'n!" pagpupumilit naman ni Mellisa na ginaya pa ang boses ko.

Siguro ang sinasabi niya ay 'yong nagulat ako na si Callum ang nagtext sa akin. Mukhang naalimpungatan si Mellisa kagabi dahil sa gulat ko.

"Gising ako no'n! Baliw ka talaga!" inis kong sabi "Ikaw talaga kung ano-ano sinasabi mo."

"Ahh, so gising mo siyang pinagnanasahan?" painosenteng tanong naman ni Mellisa.

Muli ko naman siyang binato ng maliit na box na napulot ko sa taas ng vanity table ko.

"Puro ka talaga kalokohan!" galit na galit kong sabi. "Tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo ah! Baka ipamental kita kapag hindi ka pa tumigil!"

Humalakhak na lamang si Mellisa dahil sa sinabi at ginawa ko. Hindi ko talaga alam kung nababaliw na ba talaga ang kaibigan ko.

"Pero bakit mo naman tinawag ang pangalan niya kagabi?" mapanuksong tanong ni Mellisa.

Take a Sip (Love Potion Series #1)Where stories live. Discover now