Chapter 4: The Party

68 14 60
                                    

Ciera's POV

I was staring at myself in front of the mirror. I'm wearing a red revealing dress, which was chosen by Mellisa. Isa pa rin ito sa pinag aawayan namin, sobrang iksi kasi nitong damit na ito at sobrang revealing din niya para sa akin. Aaminin ko na hindi talaga ako sanay na nagsusuot ng mga ganitong klaseng damit, lalo na't sanay ako na magsuot ng mga formal na damit. I don't really know kung ano ang tawag sa damit na sinusuot ko ngayon, basta pang party siya, at pinagsisisihan ko talaga na hinayaan ko si Mellisa na maghanap ng damit ko. It's too late na rin naman para magpalit dahil wala na akong pamalit na damit at kulang na rin ako sa oras.

Ang pinaka gusto ko talaga sa ay ang black pumps na binili rin namin ni Mellisa. It was very nice at aaminin ko na bumabagay talaga siya sa suot kong damit.

"Let's go, Ciera," aya sa akin ni Mellisa.

She was wearing an emerald green silk dress with matching black stilettos.

"Hindi ba parang too much naman yata ang suot natin?" kunot noo kong tanong sa kaniya kasabay ng pagkuha ko sa aking black handbag pati na rin ang ireregalo ko kay Callum.

"Ano ka ba! Hindi 'yan!" She said as she grabbed my arm and leaned back to my shoulders. "Mamaya makikita mo mas matindi pa 'yong suot ng iba. Tsaka syempre party party nga ang pupuntahan natin, hindi naman tayo pupunta sa isang business meeting kaya okay na 'yan!"

Kung sabagay, mas malala pa siguro 'yong suot ng iba, baka nga 'yung sa iba ay halos mahubaran na sila sa suot nilang damit.

"Okay, if you say so. Basta ayaw ko pa rin sa pinili mong damit," I coldly said.

Tumawa na lamang siya sa aking sinabi at matapos nito ay lumabas na kami sa hotel suite.

May babae namang nakaabang sa labas na tingin ko ay isa sa mga staff dito sa hotel.

Guinide naman niya kami papunta sa venue ng party ni Callum.

Nang makarating kami sa venue or let's just say ay bar dito sa hotel ay agad na bumungad sa amin ang mga taong nagkakatuwaan.

"It seems like nag-umpisa na ang party at nahuli tayo," Mellisa said as she chuckled.

Kinuha ko naman ang aking cellphone mula sa aking handbag at tama nga si Mellisa. 11:15pm na at masasabi ko talagang sobrang bilis ng oras.

"Oh! Si birthday boy nandoon oh!" masayang sabi ni Mellisa kasabay ng pagturo niya kay Callum na kasalukuyang nakikipag-usap sa kanyang mga bisita.

Nauna nang naglakad si Mellisa papunta kay Callum kaya sumunod na lang ako. Sakto namang umalis ang mga kausap ni Callum nang makalapit kami sa kanya.

"Oh! Ciera Davis! I never thought na pupunta ka! Well, I'm glad that you did!" masayang sambit ni Callum nang tuluyan kaming makalapit sa kanya.

Kung pwede ko lang talaga sabihin sa kanya na labag sa loob ko ang pagpunta sa birthday niya ay malamang ay sinabi ko na kanina pa.

"Happy birthday Callum!" I greeted as I handed him my birthday present for him.

I don't know if I sounded cheerful or what dahil labag na labag talaga sa loob ko ang ginagawa ko, but I hope that I sounded like a cheerful girl para naman hindi niya mahalata na pilit lang ako sa ginagawa at sinasabi ko.

"Oh, how thoughtful of you, Ms. Davis! Thank you so much!" Callum said as he accepted my gift.

"Happy birthday Callum!" Mellisa greeted him as she handed her birthday gift to him. "Enjoy your day kahit night na."

Take a Sip (Love Potion Series #1)Where stories live. Discover now