Chapter 18: Comfort

39 7 30
                                    

Ciera's POV

Nandito kami ngayon ni Callum sa loob ng kaniyang sasakyan. Kakahatid lang namin kay Kris sa kanilang bahay.

Nagulat naman ako dahil biglang ginilid ni Callum ang kaniyang sasakyan at hininto ito sa tabi.

It was also raining heavily, kaya niya siguro hininto ang kaniyang sasakyan sa gilid.

"Ano ba talaga ang nangyari, Ciera?" kunot noong tanong ni Callum.

Hindi ko talaga alam kung papaano ko na siya titingan ngayon dahil sa mga pinagsasasabi ko kanina, at hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Maski siya siguro ay maguguluhan kapag sinabi ko sa kanya ang totoong nangyari.

Bigla ba naman akong tinanggal sa posisyon ko dahil lang sa isang dating scandal. Lolo nga naman, well okay lang naman dahil aalis na rin naman ako sa kompanya niya, sobrang saya lang siguro ngayon ni Lolo dahil wala na ako.

Sana bumagsak ang kompanya niya dahil kay Kevin para makita niya na walang kakayahan ang pinagmamalaki niyang apo.

"Tanggal na nga ako sa trabaho," inis ko namang sabi at hinilot ang aking sintido.

"Bakit nga?" tanong naman ni Callum.

Wala sa mood ko naman siyang hinarap at tiningnan, "Magulo nga 'di ba? Hindi mo maiintindihan!"

Bahagya naman siyang nagulat dahil sa biglang pagtaas ng aking boses.

"Sorry," mahinahon kong sabi at tumingn sa malayo. "Gusto ko na umuwi."

Nagulat naman ako dahil bigla niyang hinawakan ang aking kamay at malambing akong tiningnan.

"Handa kitang intindihin, Ciera," he sincerely said. "Lahat ng tungkol sa'yo ay handa kong intindihin kahit gaano pa 'yan kahirap intindihin."

Bigla namang bumilis ang tibok ng aking puso kasabay ng kaunting pagkirot nito.

May sakit na kaya ako sa puso kaya nakakaramdam ako ng ganito? O baka kaya ako nakakaramdam ng ganito ay dahil nakokonsensya ako ngayon?

Nakakakonsensya kasi ang ginagawa ni Callum, ramdam na ramdam ko na hndi ko 'to deserve, na hindi ko deserve ang ganito niyang klaseng treatment. Alam kong hindi ko deserve dahil epekto lang naman ito ng love potion na ako rin naman ang nagpatak, at higit sa lahat ay dahil alam kong hindi ko kayang suklian ang pinaparamdam niya sa akin. Hindi ko talaga kayang suklian ang pinaparamdam niya sa akin kahit na saglit lang.

"Callum, please, stop," I pleaded. Binawi ko naman sa kaniya ang aking kamay at muling tumingin mula sa malayo.

"Why?" naguguluhan at malungkot niyang sabi.

"I don't desrve to be treated like this," malamig kong sabi.

I don't deserve this dahil mas lalo lang akong nakokonsensya sa bawat kilos na ginagawa niya pari na rin sa mga saling lumalabas sa kaniyang bibig.

"What do you mean you don't?" naguguluhan niyang tanong sa akin. "You deserve the best, Ciera! And I am willing to be the best for you!"

Nagulat naman ako dahil bigla niyang pinaharap sa kaniyang mukha ang aking mukha.

"Look at me, Ciera," seryoso niyang sabi. Nakakatakot pala kapag seryoso si Callum kaya sinunod ko na lang ang sinabi niya. "Repeat after me."

Hindi ko alam kung hini-hypnotize niya ba ako pero napatango na lang ako sa kaniyang sinabi.

"I..." seryoso pa rin ang kaniyang boses.

Take a Sip (Love Potion Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin