Chapter 11: Dinner

36 7 109
                                    

Ciera's POV

Ano ba talaga ang pumasok sa isip ko! Bakit ako kumilos at nagsalita mag-isa! Para namang sira Ciera!

Kung hindi ko sana ginawa 'yon edi sana hindi ko kasama kumain ngayon sa hapag si Callum!

Ang malala pa kamo ay katabi ko siyang kumain. Bale nasa kabisera si dad, samantalang magkatabi naman kami ni Callum sa kaliwa niya at magkakatabi naman sina Mellisa, mom, at Cairo sa kanan ni dad.

"Ayos ka lang ba, Ciera?" nag-aalalang sabi ni Callum nang makita niyang hindi ko ginagalaw ang aking pagkain.

"Hindi kasi siya kumain ng lunch, nagmukmok lang siya sa kuwarto niya. Pagalitan mo nga 'yang girlfriend mo Kuya!" singit naman ni Cairo,

Agad ko naman siyang binigyan ng isang nakamamatay na tingin.

Girlfriend?! Parang hindi ko na yata kayang sakyan ang mga gagawin ni Callum dahil hindi rin ako nakakasabay sa mga nangyayari.

Ano ba kasing sinabi niya sa pamilya ko kanina habang wala ako?!

"You should eat three times a day, Ciera. Don't skip your meals," pangangaral sa akin ni Callum.

Akala niya ba makikinig ako sa kanya? Bakit? Sino ba siya? Siya rin naman ang may dahilan kung bakit hindi ako kumain kaninang tanghalian, at siya rin naman ang dahilan kung bakit ako nag mumok sa kuwarto ko nang halos buong araw. In short kasalanan niya naman lahat ng ito.

"Ehem!" pagsingit naman ni dad. "Kayo na ba ni Ciera?"

Agad namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni dad samantalang si Callum naman ay muntik nang mabulunan.

What kind of nonsense was that?!

Nakita ko namang natatawa si Mellisa na halos mabulunan na sa pagpigil ng tawa niya. Mabulunan din sana si Callum.

Sana nga ay mabulunan na siya, nagawa ba namang tumawa kahit walang nakakatawa.

"Dad!" sita ko naman kay dad na halos hindi na rin makapagpigil ng tawa niya.

Ano ba naman ito! Kung ganito lang din naman sila ka-bully sa akin hindi ko na hihilingin na sila ulit ang maging pamilya ko sa next life ko.

"Kidding aside, ano ba kayo ni Callum?" natatawa pa ring sabi ni dad.

Ano pa nga ba kaming dalawa? Edi enemies! Hindi ko naman siya friend o ano at mas malapit talaga kami bilang enemies!

"We're... very close friends," sagot naman ni Callum kasabay ng pagtingin niya sa akin.

Close friends?! Excuse me?! Kailan ba kami naging friends?! At mas lalong kailan kami naging close friends?! Ang kapal naman talaga ng lalaking ito para sabihin 'yon sa harap ng pamilya ko!

Well anyways I need to calm down at sakyan na lang ang mga pinagsasabi ni Callum. Nasasabi niya lang naman 'yon dahil sa love potion kaya dapat maging considerate na lang ako at 'wag mainis sa kanya, kahit na alam kong mahirap na hindi ako mainis sa tulad niya.

Pilit naman akong ngumiti at tumingin kay Callum. "Yeah, we're very very close friends," pagsisinungaling ko pa.

Kung nagagawa at nasasabi ni Callum ang mga nonsense na mga bagay, well ako naman ay nasasabi ko lang ang mga kasinungalingang ito para sakyan ang trip niya sa buhay pati na rin ang epekto ng love potion na nainom niya.

"Wehhh?!!" panunukso naman ni Cairo.

Of course, syempre eepal talaga ang kapatid ko. Ang laking bully pa naman ni Cairo.

Take a Sip (Love Potion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon