Chapter 27: Flashback

28 6 9
                                    

Ciera's POV

*FLASHBACK*

Gabundok na paperwork ang tumambad sa akin pagdating ko sa Canada. Ni hindi ko na nga alam kung may oras pa ba ako para kumain at matulog sa dami ng mga dapat kong gawin.

I spent sleepless nights just to finish my works, halos ginawa ko na ring bahay ang opisina ko. Madalas ay isang beses sa isang araw lang ako kung kumain.

Tatlong araw akong walang tulog at matinong kain, hindi ko alam kung papaano pa ako nanatiling buhay, pero sa totoo lang, malaki ang naging epekto sa akin ng walang tulog at kaunting pagkain ko, madalas kasing umiinit ang ulo ko at paminsan minsan ay nawawala na rin ako sa focus.

Wala naman kasi talaga akong magagawa kung hindi magtrabaho lang. I promised Tito na gagawin ko ang best ko para sa kompanya nya, and I don't want to disappoint him.

"Hay!" Napabuntong hininga na lamang ako habang binabasa ang papeles na nasa aking harap.

Sobrang inaantok na talaga ako pero nilalabanan ko lang ito. Pakiramdam ko talaga ngayon ay parang hinihila ang talukap ng aking mga mata para makapikit ako at makatulog.

I was about to doze off when I suddenly heard a knock.

"Come in!" I shouted.

"Excuse me, ma'am, a package just arrived," my secretary said as she entered my office.

Napakunot naman ang aking noo at pilit na iniintindi ang kaniyang sinabi.

Ito talaga ang sinasabi ko eh, nahihirapan na talaga ako mag focus. Pero base sa kaniyang sinabi at sa aking pagkakaintindi, may package raw na dumating. Pero para kanino? At kanino galing?

"Package? From who? And for who?" sunod-sunod kong tanong.

"I don't know, ma'am, but it seems like Kris knows. She was smiling when she saw the package," my secretary answered.

Hindi niya alam pero alam ni Kris?

Nga pala, dinala ko rin si Kris dito sa Canada, bale dalawa ang secretary ko rito, buti na lang talaga at may mga connections si Tito kaya napabilis ang pagpunta rito ni Kris.

Pero kanino ba kasi galing 'yong package? At para ba talaga 'yon sa akin?

"Is the package for me?" I asked.

"Yes, ma'am," she answered.

Hay, ang slow ko naman. Malamang para sa akin 'yon! Bakit naman pupunta ang secretary ko rito at sasabihing may package na dumating kung hindi 'yon para sa akin?

"Give me the package," utos ko sa kaniya at napahilot ako sa aking sintido.

Lumapit naman siya sa akin at inilagay ito sa aking lamesa.

"I'll take my le-"

"Wait," putol ko sa sasabihin niya. "Fix this paperwork and send it to my uncle's house. I'll take a rest for a while."

Tumayo na ako at kinuha ang aking coat mula sa coat rack.

"That's good, ma'am. Mr. Davis also told me to tell you to take a break for a while. He heard you're not taking good care or yourself because of work," malumanay na sabi ng aking secretary.

She's sweet and kind, she also has a lot of patience, hinding hindi rin siya nagrereklamo kapag marami akong pinapagawa sa kaniya. Ganito rin naman si Kris pero masaya ako dahil nakatagpo akomuli ng isang tulad niya. Tama nga si Tito; she is fit for her position.

Take a Sip (Love Potion Series #1)Where stories live. Discover now