Chapter 1: Invitation

193 21 95
                                    

Ciera's POV

"Ciera Larraine Davis, the young multi-millionaire and vice president of Bright Telecommunications..."

This is so flattering! Me? Labeled as multi-millionaire and vice president of our company? Oh please, I will never get tired from listening to those words. Kahit araw-araw na 'yan ang maging laman ng balita ayos lang.

Pero sa kabilang banda, nagmumukha na akong celebrity sa harap ng mga tao, palibhasa lagi akong lumalabas sa news, madalas ding nababanggit ang pangalan ko sa mga balita at articles. Let's just say that I am a well-known person especially when it comes sa business industry,

I might not be the CEO of this company, but I was the one who made this company the first leading telecommunication company in the country. In fact, ako ang nag-ahon sa kompanyang ito mula sa pagkalugi.

Sa dami nang ginawa ko para sa kompanyang ito, hindi na talaga ako magtataka that I am a well-known person especially when it comes sa business.

Although I am a well-known person for being a great businesswoman, I am also known as a cold hearted person. Others often labeled me as "The cold vice president" but I don't mind. Wala naman akong pake sa mga masasamang pinagsasabi nila tungkol sa akin. Well I won't deny it naman, cold hearted naman talaga ako, pero hindi naman todo. Marunong din naman akong magmahal. I actually like someone right now, but he's a person who will never be mine, and I know that, but that's okay, sapat na 'yong gusto ko siya,

*KNOCK* *KNOCK*

"Come in!" I shouted as I turned off the television.

Sino nanaman ba ang may lakas loob na istorbohin ako sa mga oras na ito?!

"Ma'am?" bulong ni Kris, secretary ko.

Tila ba nahihiya siyang pumasok sa opisina ko dahil nakasilip lang siya sa naka-awang na bukas ng pinto.

"Do you need something?" kunot noo kong tanong sa kanya.

Nagulat naman ako nang biglang sumulpot mula sa kung saan ang kaibigan kong si Mellisa.

"Surprise bestie!" masaya niyang sabi at tatalon talon pa siyang pumasok sa loob ng aking opisina.

Ugh! This girl again?! She's my friend, but she's so annoying! I wonder kung ano nanaman ba ang gusto niya!

"Oh? What's with the eye roll thing? Hindi ka ba masayang makita ako?" pag-iinarte niya pa.

Ang harsh ko naman kung sasabihin kong hindi ako masayang makita siya diba?

I guess kaya parang nahihiya si Kris kanina dahil alam niyang mawawala nanaman ako sa mood pagnakita ko ang pagmumukha ng babaeng ito.

"You may now leave us alone, Kris. Thank you," malamig kong sabi.

Awkward naman niyang isinara ang pinto ng aking opisina at naglakad na papalayo.

"What do you want, Mellisa?!" inis kong tanong sa kanya.

It's not that I hate her, it's just she keep on annoying me especially during my working hours.

"Can't you just leave me alone?!" irita kong sabi at muling ibinalik ang aking atensyon sa pagtra-trabaho.

"Hindi ka naman yata masaya na makita ako eh," malungkot niyang sabi.

"Just don't bother me, I'm working," malamig kong sabi sa kanya.

Ewan ko kung sinasadya niya bang gawin ito na laging pumunta at istorbohin ako during my working hours o ano.

Take a Sip (Love Potion Series #1)Where stories live. Discover now