26) Epilogue

2.1K 112 38
                                    

Kabanata 26 - Epilogue

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata 26 - Epilogue

[Third POV]

Ilang linggo na ang nakakalipas nang magtapos ng hayskul sina Simeon, Gil, Maruha at Teresa. Nakaupo ang mga ito sa ilalim ng puno ng kaimito habang nginangata ang kaimitong inakyat ni Simeon kanina. Kasabay ng pagnamnam sa paborito nilang prutas, isang malakas na halakhakan ang nangibabaw sa pwesto nila. Tanging sila lamang ang naroon at wala ring mga bangka ang dumaraan.

"Bakit mo ba naisipang magpari?" hindi makapaniwalang tanong ni Maruha kay Simeon. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos na maisip kung bakit naisipan nito ang pumasok ng semenaryo. Nanghihinayang kasi siya dahil nakikita niya si Simeon na magkakaroon ito ng sariling pamilya lalo na't gwapo ito at habulin ng mga higad. "Hindi mo man lang sinasabi sa amin!" pagtatampororot ni Maruha na pumapadyak-padyak pa.

"Sinabi sa atin ni Simeon nong bagong lipat pa lamang siya rito sa Pasig," depensa ni Teresa upang hindi na magtampo pa si Maruha, "Kaso, ang akala ko ay nagbibiro lamang siya nang mga araw na iyon kaya hindi ko sineryoso" katulad ni Maruha, pati si Teresa ay hindi rin makapaniwala at nanghihinayang din.

"Palagi kasi kung saan-saan lumilipad 'yang isip mo!" pang-aasar ni Gil kay Maruha sabay buga ng buto ng kaimito sa lupa. Sa 'di sinasadya ay natalsikan niya ng laway sina Maruha at Teresa. Sa sobrang inis sa kaniya ng dalawa ay pinagpapalo siya ng mga ito sa kanyang mga braso.

"Tulong, Simeon!" pagmamakaawa ni Gil kay Simeon na pinagmamasadan lamang silang tatlo habang tumatawa.

Halo-halo ang nararamdaman ni Simeon habang pinagmamasdan niya ang tatlong tukmol na naghaharutan. Sa maikling panahon na nakasama niya ang mga ito, naramdaman niya ang tunay na pagmamahal ng kaibigan at nariyan din palagi ang mga ito upang siya ay samahan sa kalungkutan man o kasiyahan. At dahil lumaki siya sa probinsya, nakita niya kung gaano kasinop ang mga kaibigan na turuan at gabayan siya kung paano mamuhay sa Maynila. Kung hindi niya nakilala ang mga ito ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya at hanggang ngayon ay nalulugmok pa rin siya sa kalungkutan dahil sa pagkawala ng kaniyang ina.

"Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil ipinakilala Niya kayo sa akin," nakangiting wika ni Simeon na dahilan ng pagtigil ng tatlong tukmol sa paghaharutan. Umayos ang mga ito nang pagkakaupo upang pakinggan pa ang sunod na sasabihin nito.

"Ang bubuti niyong mga kaibigan. Nang dahil sa inyo ay nagkaroon ng saysay ang pagtira ko rito sa Pasig kahit na ilang taon pa lamang akong naninirahan dito. Salamat dahil kahit kailan ay hindi niyo pinaramdam sa akin na nag-iisa na lamang ako rito sa mundo,

"Aaminin ko sa inyo, dati ay umiikot na lamang ang mundo ko sa mama ko kaya simula nang mawala siya ay nagbabalak na kong magpakamatay upang sundan siya. Nang araw na nakita niyo akong pinagmamasdan ang ilog, nagbabalak na kong kitilin ang buhay ko. Mabuti na lamang ay kinaibigan niyo ko dahil napagtanto ko na masarap pa pala talaga ang mabuhay. Malaki ang naging parte niyo kung bakit ang dating madilim kong mundo ay nagkaroon ito ng kulay"

UGMAWhere stories live. Discover now