24) Sundot Kulangot

740 57 4
                                    

Kabanata 24 - Sundot Kulangot

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata 24 - Sundot Kulangot

[Maruha]

Maaliwalas pa rin ang kalangitan at hindi ito nagpapakita ng anumang senyales na uulan. Marahang iniihipan ng hangin ang mga dahon sa puno ng kaimito na naging dahilan ng paglaglag ng mga ito sa ibaba. May ilang matatandang lalake ang nangingisda sa tabi ng ilog habang nagkukwentuhan ng kung ano-ano na naging dahilan ng kanilang paghalakhak. Sa kabilang banda ay may isang batang lalake at batang babae ang naghahabulan at nang mapadaan sila sa pwesto ko ay napatigil sila saglit at nagbubulungan ngunit nang marinig nilang lumakas ang paghikbi ko ay agad silang nagtakbuhan.

Kilala ko si Gil. Kapag matindi ang galit niya sa isang tao ay hindi siya gaganti rito. Ang gagawin niya ay hindi niya ito papansinin hanggang sa 'di mo namamalayan na unti-unti ka na pala niyang inaalis sa buhay niya.

Napayakap ako sa aking mga binti at palihim na hinihiling na sana ay hindi na magalit sa akin si Gil. Ngayon pa lang ay hindi ko talaga kakayanin na mawala siya sa akin. Gagawin ko talaga ang lahat upang bumalik lamang kami sa dati.

"Maruha.." agad kong pinunasan ang luha sa mga pisngi ko nang matanaw ko na papalapit sa pwesto ko sina Simeon at Teresa. Ngunit mas lalong nagsilabasan ang mga luha ko sa aking pisngi nang marahan nilang tapikin ang likod ko.

"Hindi man lang nagawang makapagpaalam ni Gil. Matindi ang galit niya sa akin" aniya ko na para ba akong batang nagsusumbong sa kanilang dalawa.

"Mayroong dahilan si Gil kung bakit niya ginawa iyon" wika ni Simeon. Nakita kong sumang-ayon si Teresa sa kanya.

"Alam ko ang dahilan" mahina kong sambit. Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita, "Aaminin ko sa inyong dalawa na nanligaw si Gil sa akin kaso hindi ko tinanggap ang pag-ibig niya. Ito ata ang dahilan kung bakit nagagalit pa rin siya sa akin. Gusto na niya akong alisin sa buhay niya"

Nakitang kong napatakakip ng bunganga si Teresa at tanging malakas na "ha?" lamang ang naging reaksyon niya.

"Mali ang iniisip mo, Maruha!" sabay kaming napalingon ni Teresa kay Simeon at seryoso ang mukha nito, "Alam ko kung gaano ka kamahal ni Gil. Sa tuwing nagkwekwento siya sa akin tungkol sa iyo ay ramdam ko ang pagmamahal niya. Hindi niya makakayanang iwasan ka. Nangako rin siya sa akin na kapag dumating ang araw na hindi mo tanggapin ang pag-ibig niya ay patuloy ka pa rin niya kakaibiganin"

"Ha? Paano mo nalaman 'yan?" nagtatakang tanong ni Teresa at maski ako ay gulong-gulo na sa mga pinagsasabi ni Simeon.

Ikinuwento sa amin ni Simeon na unang linggo pa lamang niya sa barkada ay napapansin niya na iba raw ang kinikilos at ang mga tingin sa akin ni Gil. Kahit na nakasuot ito ng itim na Rayban ay nakikita niya itong nakatitig sa akin. Wagas daw itong makangiti at kiligin sa tuwing nagkakalapit kami, kaya inaasar niya si Gil. Sa una ay todo deny pa ito hanggang sa ito na mismo ang umamin na may gusto nga talaga ito sa akin.

UGMAWhere stories live. Discover now