25) Last Christmas

1K 64 5
                                    

25) Last Christmas

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

25) Last Christmas

[Third POV]

Isa sa mga hinihintay ng ilang Pasigueno sa tuwing sasapit ang pasko ay ang perya sa tapat ng munisipyo ng Pasig. Inaabangan ito ng mga bata dahil makakasakay na ulit sila sa mini carousel at iba pang pangbatang rides. Ang ilan namang magsyota ay nasasabik na makasakay sa ferris wheel. Ang ilan namang mga matatanda ay nasasabik na maglaro ng bingo at hagis-piso upang makakuha ng mga papremyong pera, pinggan, baso, malalaking chichirya at teddy bear.

Inisa-isang nilibot ni Maruha ang loob ng perya. Puro halakhakan at malalaking ngiti ang nakapalood rito ngunit hindi siya nito maawahan. Patuloy na umaandar sa kaniyang alaala ang panahong kasama pa niya ang kaniyang mga kaibigan na sumasakay sa mga rides, tawanang nadadagdagan pa ng isang tawa na nagpapasakit sa kaniyang tiyan at masaya nilang paghagis ng piso upang makauwi lamang ng mga pinggan.

Hindi rin maiwasang hindi malungkot ni Maruha dahil hindi sya sanay na hindi kasama sa pasko ang kaniyang mga kaibigan. Oo, masaya siya dahil kumpleto ulit ang kaniyang pamilya ngayong pasko ngunit mas masaya rin sana siya kung makakasama niya sa pasko ang kaniyang mga kaibigan.

Si Simeon ay umuwi sa kanilang probinsya kasama si Mama Rosalinda at doon naisipang palipasin ang pasko upang madalaw niya rin ang puntod ng kaniyang ina.

Si Teresa naman ay umuwi sa Manila kasama ang kanyang mga magulang. Inihahanda rin kasi nito ang sarili dahil doon na ito mag-aaral ng kolehiyo at doon na rin maninirahan.

Si Gil naman ay nasa Atok pa rin. Hindi nila ito makumusta dahil hindi nila alam kung paano nila ito makakausap. Wala naman kasing telepono sa lugar nina Gil dahil wala roong kuryente lalo na't bulubundukin ang lugar.

Tama nga ang kaniyang kuya Mario na may magbabago sa kanilang barkada dahil lumalaki na sila. Napagtanto ni Maruha na kung hindi man niya makakasama sa huli ang mga ito, masaya naman siya dahil nakilala at dumating sa buhay nya ang tatlong tukmol. Maswerte siya dahil mayroon syang kaibigan na kagaya nina Simeon, Gil at Teresa dahil hindi lahat ay hindi pinagpalang magkaroon ng kaibigan na kagaya ng kaniya. Natanggap na ni Maruha na hindi sa lahat ng oras ay palagi niyang kasama ang mga ito lalo na't may mga sarili itong pag-iisip at mga gusto. Unti-unting tinatanggap ni Maruha ang katotohanan na kailangan nyang umusad sa buhay na siya lamang mag-isa na hindi kasama ang kanyang mga barkada.

Naisipan na lamang umuwi ni Maruha dahil may isang grupo ng magbabarkada na nagtatawanan ang pumapasok sa loob ng perya. Sobrang miss na miss na niya ang tatlong tukmol. Hindi na siya makapaghintay na umuwi ang mga ito sa Pasig at makasamang muli.

"Last Christmas, I gave you my heart but the very next day, you gave it away..." awit ni Maruha sa kantang Last Christmas ng Wham! habang naglalakad pauwi. Simula nang ireleased ang kanta noong 1984 ay palagi itong kinakanta nina Maruha, Gil at Teresa tuwing pasko. At nang dumating si Simeon sa kanilang buhay ay kasama rin nila ito sa pag-awit dahil paborito rin ito ni Simeon. Parati nila itong inaabangan na patugtugin sa radyo at sabay-sabay nila itong kakantahin.

UGMADonde viven las historias. Descúbrelo ahora