21) Royal Rumble

599 58 4
                                    

Kabanata 21 - Royal Rumble

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata 21 - Royal Rumble

[Maruha]

Pinipigilan kong huwag lumikha ng ingay dahil ayokong makita ako nina Nanay at Kuya Monching na umiiyak. Agad akong pumasok sa kwarto at nang buksan ko ang ilaw, nakita ko si Ate Monette na nakahiga sa kama namin habang may pipino na nakalagay sa kaniyang mga mata. Akala ko ay bukas pa siya makakauwi. Paiba-iba talaga ang desisyon ni Ate Monette.

"Maruha, ikaw ba 'yan?" tanong niya. Tanging hagulgol lamang ang naisagot ko sa kaniya na naging dahilan ng pagtayo niya.

"Ano nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" imbes na sagutin ko siya ay sinugod ko siya ng yakap.

"Ate... si Gil kasi" pagsusumbong ko sa kaniya. Kahit na kung minsan ay hindi kami magkasundo ni Ate Monette at kahit na madalas niya kong malditahan ay alam ko na kaya niya kong tulungan sa aking problema. Ilang beses na rin akong umiiyak sa kaniya. Ilang beses na rin niyang pinapagaan ang loob ko at pinapayuhan. Sa tuwing may problema ako, parati niyang kong tinutulungan kung paano ito masosolusyonan.

"Bakit ba? Ngayon lamang kita nakitang umiyak nang dahil sa kaniya" pag-aalala niya. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago magkwento sa kaniya.

Ramdam ko na naiintriga si Ate Monette sa kwento ko dahil nakakain niya ang mga pipinong nilagay niya kanina sa mga mata niya.

"Hindi ba't may gusto ka kay Gil dati?" napatigil ako sa sinabi ni Ate Monette. Naalala ko nang banggitin din iyon kanina ni Gil.

"D-dati lang 'yon!"

Bakit ba ang hilig nilang mang-ungkat ng nakaraan?

"Hindi ba't ito ang hiling mo dati na sana magustuhan ka rin ni Gil? Ayan na at natupad na ang hiling mo. Hayaan mo na lamang siya na manligaw sa 'yo. Naalala ko nga, kinikilig ka sa tuwing nagdidikit ang mga braso niyo. Patay na patay ka nga sa kaniya—" tinakpan ko ang bibig niya dahil baka may makarinig sa mga sinasabi niya.

"Ate naman eh!"

"Totoo naman ha?" hindi ko na lamang siya kinibo. Baka kung ano pa ang sasabihin niya.

"Alam ko ang dahilan kung bakit ayaw mong bigyan ng chance si Gil. Natatakot ka na baka balang araw ay mangyari rin sa inyong dalawa ang nangyari kina Nanay at Tatay. Tandaan  mo na magkaiba kayo ni Gil kina Nanay at Tatay" kilala talaga ako ni Ate. Ayoko ng magsalita pa.

"Magbihis ka na nga at patayin mo na ang ilaw dahil inaantok na ko," utos niya na agad ko namang sinunod.

"Sana pagbigyan mo si Gil dahil para sa akin, maswerte ka dahil mahal na mahal ka ng iyong kaibigan. Hindi lahat nagkakaroon ng chance na magustuhan ng kaibigan," ramdam ko ang lungkot sa huling kataga na kaniyang sinabi. Matagal na kasi siyang may gusto sa kuya ni Gil na si Kuya Gilbert at nasira ang pagkakaibigan nila nang umamin siya rito.

UGMAWhere stories live. Discover now