22) Game and Watch

561 51 4
                                    

Kabanata 22 – Game and Watch

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata 22 – Game and Watch

Mabilis kong niligpit ang tinupi kong mga damit at nilagay ang mga ito kung saang aparador ito nakalagay. Hindi na ko makapaghintay na makita ang tatlong tukmol at alam ko na naroon na sila sa ilalim ng puno ng kaimito na palagi naming tinatambayan.

Mahigit isang linggo ko kasi silang hindi nakikita at nakakasama dahil naging abala kami sa mga gawaing pang-eskwelahan. Katatapos lang din naming mag-exam nung isang araw. Isang kwarter na lamang ang natitira upang kami ay makapagmartsa na.

"Nay, tapos na po kong magtupi. Lalabas na po ako ha?" paalam ko kay Nanay na abalang pinuputol sa walo ang mga sitaw. Nararamdaman ko na matutuwa si Kuya Monching dahil lulutuan siya ni Nanay ng paborito niyang ulam – ang adobong sitaw.

"Umuwi ka mamayang alas-singko. Ikaw ang magsasaing," paalala pa ni Nanay na agad kong pinaboran sabay takbo papuntang tambayan.

Naabutan ko ang tatlong tukmol na kumakain ng doodoo – isa itong candy na parang pacifier ng sanggol o bata. Sobrang namiss ko sila lalo na ang pagtambay namin sa ilalim ng puno ng kaimito habang pinagmamasdan ang ilog ng Pasig at pati ang mga bangkang dumaraan.

"Oh!" tinanggap ko ang inabot na doodoo ni Teresa. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil akala ko ay hindi nila ako binilhan. Parte pa rin talaga ako ng barkada.

Pinaggigitnaan nina Gil at Simeon si Teresa. Nakita kong bakante sa gilid ni Gil at kahit na nagdadalawang isip ako kung tatabi ba sa kaniya ay pinili ko pa ring tumabi sa kaniya dahil kaibigan ko naman siya.

Uupo na sana ako malapit sa pwesto niya nang bigla siyang umusog doon. Umusog din si Teresa papunta kay Gil at umusog din si Simeon papunta kay Teresa. Tumabi ako kay Simeon at binigyan niya ko ng magandang ngiti. Kinurot ko ang pisngi niya dahil bigla akong nakaramdam ng hiya dahil pakiramdam ko ay ayaw akong makatabi ni Gil.

Palihim kong tiningnan si Gil na seryosong pinagmamasdan ang ilog. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala dahil tuluyan na ngang nagbago ang pagkakaibigan namin. Ngunit naniniwala ako na balang araw ay babalik din kami sa dati.

Walang katapusang kwentuhan, kakaway sa mga bangkang dumadaan, binabalikan ang nakaraan, at puro tawanan lamang ang pinaggagawa naming apat hanggang sa nagkayayaan na manood ng palabas sa bahay nina Simeon.

Ang nauuna sa aming naglalakad ay sina Gil at Teresa na nagtatawanan. Samantalang kami naman ni Simeon ay nasa likuran. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ni Simeon dahil nakapokus ang atensyon ko kay Gil. Kanina pa niya kasi akong hindi pinapansin. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon namin. Hindi na kasi nasundan pa ang pag-uusap namin ni Gil nang sinundo niya ako sa terminal ng jeep pagkatapos kong mag-disco sa Mars. Gusto ko siyang kausapin kaso naging abala ako sa paggawa ng mga projects at pagre-review para sa exams at alam ko na ganoon din siya.

UGMAWhere stories live. Discover now