5) S.O.S

1.2K 91 5
                                    

Kabanata 5 – S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata 5 – S.O.S

[Maruha]

Nilatag namin ni Teresa ang dyaryo sa lapag at pagkatapos ay inilapag naming apat ang mga baon naming pagkain. May mga ilang estudyante rin ang nakatambay sa oval. Mataas ang sikat ng araw at mainit ang singaw na nilalabas ng lupa. Mabuti na lamang ay nakahanap kami ng pwesto na may lilim kaya hindi kami masyadong naiinitan.

Hindi nga kami nagkamali ng hula na punuan ang mga canteen ng Rizal High School. Pahirapan kasi makahanap ng pwesto ang kakain kapag unang araw ng pasukan.

Kinalabit ko si Simeon upang kumain na ito. Kanina pa kasi niyang pinagmamasdan ang oval at sobra itong namamangha sa laki nito. Naikuwento niya sa amin na wala raw silang oval sa kanilang probinsya. Tanging bakuran lamang ng kanilang eskwelahan ang ginagawa nilang tambayan at maliit lamang ito. Maswerte raw ang mga taga-Maynila dahil mayroon silang magandang paaralan na pinapasukan samantalang sa ibang probinsya ay nagsisiksikan. 

"Baka minsan ay hindi ako makasabay sa inyo sa pag-uwi" malungkot na pagbabalita ni Teresa sa amin nang matapos kaming kumain. Ipinaliwanag niya sa aming tatlo na kaya hindi siya makasasabay ay dahil siya ang napiling sekretarya ng RHSSSG o Rizal High School Supreme Student Government. Bukod pa roon ay kasali rin siya sa Pep Squad. Nalungkot naman ako nang marinig ko ang sinabi ni Teresa. Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit masyado niyang inaaligaga ang kaniyang sarili. Magkasalungat kaming dalawa. Ako ay walang interesado sa pagsali sa mga organisasyon sa eskwelahan dahil mas gugustuhin ko na lamang manood ng mga palabas, magbasa ng mga pocketbooks o makinig ng musika sa aking walkman. 

Si Gil naman ay nagrereklamo dahil halos lahat daw ng kaniyang mga guro ay masusungit at maraming pinapagawa. Tinakot ko naman siya na kapag hindi siya nag-aral ng mabuti ay babagsak siya.

Nakakapasa naman si Gil sa mga tests at quizzes kahit na natutulog lang ito o madalas ay lumiliban sa klase. Sa katunayan ay siya ang palaging highest sa kanilang classroom. Ang problema lang kay Gil ay tamad itong gumawa ng mga takdang-aralin o mga pinapagawang projects. Kahit na nakakapasa siya sa mga quizzes o periodical tests, kung hindi naman siya gumagawa ng mga takdang aralin o projets ay may chance na babagsak pa rin siya. Kung hindi magsisipag si Gil ay baka ito pa ang maging dahilan ng pag-ulit niya sa third year at baka hindi namin siya makasabay sa pag-martsa. Kaya naman hindi ako magsasawang pagsabihan si Gil na gumawa ito ng mga takdang-aralin o mga projects.

Ipinagmalaki ko naman kina Teresa at Gil na si Simeon ang napiling escort ng aming classroom. Inasar-asar naman siya nina Teresa at Gil na baka siya raw ang sunod na maging Mr. Rizal High School. Napakamot na lamang sa batok si Simeon at hindi alam kung ano ang kaniyang sasabihin. Nagiging mahiyain siya sa tuwing may pumupuri sa kaniya.

"Halos lahat ng kaklase namin ay siya ang piniling escort. Isa lamang ang hindi bumoto sa kaniya. Petmalu!" pagmamalaki ko. Napatigil ako sa pagsubo ng lumpiang shanghai nang maalala ko na ako nga pala ang nag-iisang hindi bumoto kay Simeon.

UGMAWhere stories live. Discover now