8) Shake, Rattle, & Roll I

895 81 19
                                    

Kabanata 8 - Shake, Rattle, & Roll I

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata 8 - Shake, Rattle, & Roll I

[Maruha]

July 12, 1986

You're not just a best friend, but you're also a true friend. Thank you for everything you do for me. I hope you have the happiest of birthdays! Happy 16th Birthday, Simeon. Enjoy your day!

- Maruhang maganda :')

"Kinopya lang 'yan ni Maruha sa magazine" pang-asar ni Gil nang matapos basahin ni Simeon sa harapan namin ang ginawa kong sulat para sa kaniya. Sa sobrang irita ko kay Gil ay kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran. Napakapapansin talaga kahit kailan. Mahilig talaga manlaglag!

Binuksan ni Simeon ang maliit na pulang kahon kung saan naroon ang regalo ko para sa kaniya. Isa itong beaded bracelet na ginawa ko kahapon. Wala kasi akong pambili ng regalo, kaya gumawa na lamang ako ng bracelet.

"Salamat, Maruha" ani ni Simeon at sinuot ang bracelet. Natuwa naman ako dahil nagustuhan niya ang regalo ko para sa kaniya.

"UGMA? Ano' yon?" tanong ni Gil nang basahin niya ang nasa bracelet ni Simeon.

"Pangalan natin yan" matipid kong sagot sa kaniya. "U- Uly Simeon, G- Gil, M- Maria Maruha at A-Amora Teresa"

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong form ba ang gagawin ko habang ginagawa ko ang bracelet. Kung GAMU ba, GUMA ba, MAGU ba o MUGA. UGMA ang napili kong form dahil lagi kong naririnig si Simeon na nasasambit ang ugma sa tuwing may nakakausap itong bisaya rin ang diyalekto. Ito ang kauna-unahang word na natutunan ko sa diyalekto nila.

Ang ibig sabihin ng ugma ay puhun na ang ibig sabihin sa English ay tomorrow. Ito ang napili ko dahil maganda rin ang kahulugan at magandang pakinggan.

Kahit na ilang bukas ang lumipas, sina Simeon, Teresa at Gil ang gusto kong makasama hanggang sa wakas. Hay, ang corny ko na naman!

Alas-siyete na ng gabi ngunit hindi pa rin kami umuuwi nina Gil at Teresa dahil sasamahan pa namin si Simeon. Tumawag kasi sa telepono si Mama Rosalinda at gagabihin daw ito ng uwi dahil may kailangan daw siyang tapusin na trabaho. Babawi na lamang daw si Mama Rosalinda bukas at naintindihan naman 'yon ni Simeon.

Niyaya kami ni Gil na panoorin namin ang kauna-unahang Shake, Rattle and Roll I. Ang Shake, Rattle & Roll I ay isang horror movie na pumatok sa takilya noong 1984. Mayroon itong tatlong episodes at ito ay ang baso, pridyeder, at manananggal. Maraming nagsasabi na sobra raw itong nakakatakot at kung papanoorin mo raw ito ay dapat may kasama ka.

UGMAWhere stories live. Discover now