CHAPTER THIRTY-FIVE

Beginne am Anfang
                                    

Tila naeskandalo si Micah. Sinaway niya agad ang ina. Pati si Bettina Johnson ay nakisabat na rin. Nagulat ako nang marinig ko itong magsalita ng Russian. Pero hindi gaya ng asawa, pino at gentle ang tinig nito. Kaya napagtanto kong pwede rin palang hindi maingay pakinggan ang Ruso.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Ang balak ko sana, papuntahin si Mom sa Edward's pagkaalis na lang ni Dad total naman hindi siya tatagal doon dahil sa iba pang commitments. Dapat pala'y naabisuhan ko ang mga pinsan kong h'wag banggitin sa mga moms nila. Nakakainis. Nasira ang plano ko. Nahiya ako sa mga guests na pawang mga old friends and acquaitances lang naman. They all know my parents' history kaya hindi ako nangiming imbitahan ang daddy sa opening uli ng shop.

"Get rid of them both!" galit nang tungayaw ni Mom nang hindi ko sinunod ang pakiusap niya.

Nilingon ko ang daddy at si Shane. They were in the farthest corner of the room. Nag-uusap. Pero dahil maliit lang naman ang espasyo ng shop ko, I knew they heard mom but they both pretended they didn't hear her.

Thankful ako kay Dad for entertaining Shane while I was busy with Mom. Hindi ako nagkamali sa pag-imbita sa kanya rito.

"Micah Rufus!" Mom gritted her teeth. Nagpipigil na sumabog. Inakbayan ko siya at pinisil-pisil sa balikat. Tinabig niya ang kamay ko. "Kung hindi mo kaya, ako na!"

At bago ko pa mapigilan ay nakalapit na siya kina Dad at Shane. Si Shane ang una niyang hinablot palayo sa daddy.

"Mom, no!" Inagaw ko sa kanya agad si Shane.

Dad was too shocked to do something right away. Nang makabawi ito, siya na ang humila kay Mom at dinala ito sa labas.

"Shane, are you all right?"

She looked shaken. Niyakap ko siya agad.

"I'm sorry," paulit-ulit kong bulong habang hinahagud-hagod ang likuran niya. I felt her trembling. Na-guilty tuloy ako.

Saglit kong nilayo ang katawan niya sa akin, then I cupped her face.

"Are you hurt?" masuyo kong tanong. She was teary-eyed, pero umiling-iling siya.

"Your mom's right. Malas ako sa buhay mo." And she cried.

"No! Don't say that!" At niyakap ko siya nang husto.

Tinawag ko ang manager ng shop at binilin muna rito ang pag-e-estima sa mga bisita. I apologized to everyone before I asked Shane to come with me outside. Wala na sa labas ang mga magulang ko.

Walang salita namang umangkas sa motor ko si Shane. Naramdaman kong hindi tulad ng dati, maluwag ang kapit niya sa baywang ko. Dinala ko siya pansamantala sa baywalk sa Roxas Boulevard. Itinabi ko ang motor somewhere at naglakad-lakad kami roon.

"Pasensya na sa mommy ko."

"She's right," halos ay pabulong niyang sagot. "Nang maging tayo ay---minalas ka na."

I stopped walking. I grabbed her shoulders and hugged her again. "Don't say that. Ikaw ang swerte sa buhay ko. Dahil sa pagdating mo, nagkakulay ito." It was cheesy, pero hindi ko naman naramdaman ang awkwardness no'n. Siguro sa ibang pagkakataon ay maki-cringe ako sa pagiging poetic ng mga binitawang salita, pero sa mga oras na iyon it felt right.

Nilayo ko na naman siya saglit and I cupped her face.

"I am so sorry, Micah!" At tuluyan na siyang umiyak. "I am sorry kung minalas ka dahil sa akin. Sorry, sorry, sorry!"

"Hey! Don't cry! You have nothing to cry about! It's not your fault!"

Dali-dali kong tinuyo ang kanyang mga luha with my thumbs. "Never ever think na ikaw ang malas sa buhay ko. Things do happen. Walang kinalaman sa iyo iyon."

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt