CHAPTER 33

36 3 0
                                    

"Let's break up,"

I gulped not processing the word na binitawan niya, i heard him wrong right?

"Lasing ka lang," umiiling na saad ko. "Uuwi na tayo." I was about to start the engine pero mabilis niya akong hinawakan sa kamay.

Seryoso siyang tumingin saakin.

"I mean what i say, I'm sorry," tila natulala ako sa sinabi niya.

Parang gumuho 'yung mundo ko ng binuksan niya 'yung pintuan sa passenger seat at nagtulog tuloy na naglakad, sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makalayo na siya.

Natauhan lang ako no'n. Unti unting bumuhos ang mga luha sa pisngi ko hindi pa rin nag-proprocess saakin lahat, t-totoo 'yung sinabi niya.

Dumukdok ako sa manibela ng kotse at doon umiyak. He broke up with me! Anong mali? May problema ba saakin? Nakakainis kase... Kase ginawa ko naman lahat a! Ginawa ko lahat para mag stay siya saakin pero nakipag hiwalay pa rin siya saakin.

Wala sa sarili akong nagdrive papunta sa condo namin, uuwi kaya siya roon. Sana naman oo! I wanted to question him! Nakakainis hindi man lang niya sinabi 'yung dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay saakin.

Pagdating ko sa condo i opened it at pumunta sa kwarto namin, doon ko nga siya naabutan na nagpapack ng mga gamit niya.

Mabilis akong lumapit sakanya habang naluluha nanaman 'yung mata ko.

"K-kiel mag-usap naman tayo," i cried pero hindi niya ako pinansin.

"Kiel!" I shout but he didn't response.

"Kiel please 'wag mo'ko iwan, huwag naman ganito." Naupo na ako at niyakap siya, alam kong natigilan siya sa ginawa ko.

"Shai, i-i just needed time, please," hindi ako kumalas sa pagkaka-yakap sakanya.

"P-pa'no nga kita papakawalan! B-baka iwan mo ako!" Umiiyak na talaga ako, I don't want him to lose.

"I just needed time and rest," garalgal niyang bulong.

"Para saan nga?! Ayaw mo namang sabihin e!" Nakayuko ako habang nakayakap pa rin sakanya, nakasalampak sa sahig.

"I can't tell Shai, aalis na ako," hinigpitan ko ang pagkakayakap sakan'ya at hindi bumitiw.

"Don't leave me," i murmured.

"Hindi ako aalis," he sighed, mukhang medyo naiinip na.

"Liar! You just said you're broking up with me."

"So that means i can leave now,"

"No! No! Kiel 'wag ka umalis, a-ayoko you're staying." I begged him again, i will do anything for him to stay.

"I'm sorry Shai, but we're not meant to each other." With all his full force nagawa niyang makaalis sa pagkakayakap saakin.

"'Wag naman gan'to Kiel..." Namamaos kong saad habang nakayuko pa rin sa sahig, but i was left narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

I don't know how i survived that night, iyak ako nang iyak, kinaumagahan nagising ako sa doorbell, nawala ang pag-asa ko na si Kiel 'yon dahil kung siya man iyon hindi na siya mag-doorbell.

I opened the door at mabilis na bumungad saakin si Jan na naka formal ang suot.

"Pinapadala ni Yuna," kumunot ang noo ko at tinignan ang paper bag galing sa isang restaurant na naka-abot saakin.

I sighed at walang ganang kinuha 'yon.

Hindi ko nagalaw ang pagkain dahil wala akong gana, I'm still waiting that Kiel will be back, pero umabot na ang gabi ay wala pa rin siya.

Naiiyak na lang akong pumunta sa kusina dahil nagugutom na ako, doon ko pa lang nagalaw 'yung pagkain na binigay ni Yuna.

I was crying as i eat, hindi na ako mahal ni Kiel. May iba na ba siya? Bakit ayaw niyang sabihin 'yung dahilan kung bakit siya umalis, kase ba may babae na siyang iba?

May nakita ba siyang hindi magkukulang sakan'ya?

H-hindi rin naman ako nagkulang sakan'ya a, ginawa ko lahat for him! But still... I wasn't enough.

Namalayan ko na lang na sunod sunod na palang pumatak 'yung luha ko. Fuck you Kiel, sasanay-sanayin mo ako tapos... Tapos iiwan!

Hindi ko na natapos 'yung kinakain ko dahil nawalan nanaman ako ng gana remembering Kiel.

Natulog na lang ako. Kinabukasan ay nagising ako sa alarm clock, kailangan kong pumasok ngayon dahil may site visiting kami.

Nagbihis na lang ako ng casual na damit at pumasok na. 'yung kotse ko 'yung sinakyan ko dahil wala naman na si Kiel.

Sa opisina muna ako dumaan at kinuha 'yung mga blueprint tapos dumeretso na sa site. After works nag stay muna ako roon, pupunta rin daw si Yuna kahit na buntis ito, binilin na lang ni Jan na ingatan ko raw 'yung asawa niya.

"Shai!" Kumakawag saakin ang babae, naka dress ito at halata na ang tiyan, but she still look so elegant and gorgeous.

"Hello," hindi ako ngumiti, ano pa bang dahilan? Pagod na akong magtago ng mga problema ko.

"Jan told me that you and Kiel..." Hindi niya na tinuloy 'yung sasabihin niya.

"Tara na tignan mo 'yung blueprint." Iniba ko 'yung usapan.

I don't want to talk about me and Kiel.

Doon na kami ni Yuna nagtanghalian, hindi ko ito iniwan, baka may kung anong mangyaring masama rito!

"Ang init naman," bulong ko sa sarili ko habang nakatapon sa ulo ko 'yung brown envelope dahil sa init ng panahon, nahihilo kase ako!

"You want water?" Kinuha ko na lang bigla 'yung tubig na inalok saakin ni Yuna at ininom iyon.

Gosh! Anemic na yata ako!

"Okay ka lang ba?" Yuna asked me at inalalayan akong umupo sa isang bench dito sa site.

"Okay lang, mainit lang talaga, tsaka may trabaho ba akong gagawin." I answered her.

Hindi natagalan ay dumating na si Jan at sinundo ang asawa niya so i was left here alone.

Tinapos ko na lang 'yung mga dapat gawin at sumakay na rin sa kotse ko. At dahil hapon naman na at malapit nang maggabi i decided na sa labas na lang kumain.

Day without Kiel is so fucking boring.

Namimiss ko na siya! I miss his smells, remembering him again makes me cry again kaya mabilis akong nagpunas ng luha.

Nakakainis kase si Kiel! Bakit niya ba ako pinapahirapan nang ganito!

Hindi na ba niya talaga ako mahal? Hindi niya ba ako minahal?

Walking On Memories (Betrayal Series #4)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora