CHAPTER 32

44 2 0
                                    

"Hoy tangina Shai! Excited much? Sabay nga tayo!" Reklamo saakin ni Jirah.

Ano ba'ng masama! Excited lang akong malaman 'yung gender ng inaanak ko! Gender reveal party kase ng anak nila Yuna!

"In 1,2,3! Pull the rope!" Sabay naming hinila ni Jirah 'yung rope kaya sumabog sa ere ang kulay pink na confetti at mga lobo. Babae 'yung anak nila!

After makipag-usap ni Kiel kay Tyler ay lumapit ito saakin, malungkot ang mukha dahil natalo siya sa pustahan nila ni Jan kaya siya ang magbabayad ng mga pagkain mamaya.

"Lungkot mo a," i smirked at him, hindi niya na lang ako pinansin at inakap ako.

Sa mansion nila Jan ginanap 'yung kainan. Kaunti lang naman kami kaya hindi siksikan, family and friends lang 'yung mga um-attend.

"Mauubos mo ba 'yan?" Nagtatakang tumingin saakin si Kiel dahil dalawang plato ang dala ko, natatakam kase ako sa mga pagkain e!

"Kukunin ko ba lahat ng ito kung hindi!" Mataray kong saad sakanya. Nilagpasan ko na lang siya at pumunta sa lamesa, naiirita ako sakanya.

"Ang baho pala nito," tinakpan ko 'yung ilong ko at pasimpleng itinapon sa basurahan 'yung kinuha ko na lumpia, bulok pa 'ata 'yung nakuha ko.

Mabuti na lang at naubos ko nga 'yung mga kinuha ko. Hindi ko alam kung nasaan si Kiel so i decided to roam around, i saw him na nasa isang gazebo rito sa bahay nila Jan nag-iinuman silang tatlo nila Haze pala.

Si Yuna ay nagpapahinga ngayon, napagod siguro at si Jirah naman ay nag-aayos ng mga pinag-kainan.

I decided na pumunta muna sa kotse ni Kiel. Inaantok kase ako. But i woke up nang biglang bumukas 'yung pinto ng kotse, i saw Kiel looking at me.

"Pagod ka?" Nag-unat ako at tumango sa tinanong niya saakin.

Ewan ko ba, inaantok na lang ako bigla.

"Mag-papaalam lang ako sakanila, uuwi na tayo." He kissed the tip of my nose bago umalis para mag-paalam.

Hindi naman siya natagalan dahil sumakay na agad siya at nag-drive.

Nakatulog ako habang nasa byahe dahil nakulangan 'yung tulog ko kanina. Nagising na lang ako kinaumagahan na nasa kwarto na.

Kinapa ko 'yung katabi ko, but Kiel wasn't there.

I was about to go out pero mabilis akong napahawak sa bibig ko at pumunta sa cr, nasusuka ako! Lumuhod ako sa bowl at doon sumuka.

Andami ko kaseng kinain kahapon e!

Naligo na rin ako after nang nangyari dahil may pasok pa ako.

Lumabas ako na wala na si Kiel sa condo kaya 'yung kotse ko na 'yung ginamit ko at nag drive.

Mabilis lang naman akong nakarating sa company. I finished all my works, nakahawak lang ako sa sentido ko dahil nahihilo talaga ako.

I text Kiel when lunch time came pero hindi siya nag seen, nung hapon na umuwi na rin ako. Wala pa ang lalaki sa condo namin.

I cooked our dinner, hinintay ko siya ng hinintay nakatulog pa nga ako sa sofa e, nagising lang ako sa mga yabag ng paa.

"Kiel," i woke up, kahit madilim ay naaninag ko pa rin siya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Walang ganang saad nito. Doon pa lang alam ko na, na may problema.

"Do we have a problem?" I asked him, inaantok pa rin, naka-upo ako sa sofa habang siya ay nakatayo.

"Ako lang 'yung may problema, Shai," he sighed heavily. Inilapag niya 'yung bag niya sa coffee table at naglakad papunta sa kwarto namin kaya sinundan ko siya. But he locked the door, magbibihis siguro siya.

Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig, but as i was drinking nakaramdam ako ng hilo kaya napitawan ko 'yung baso dahilan para mahulog iyon.

Umiling ako at kumuha ng walis at winalisan 'yon. Pagbalik ko roon ay hindi pa rin bumabalik si Kiel.

Naupo muna ako sa sofa para hintayin sana siyang matapos, pero nakatulog na ako roon. Kinabukasan nagising ulit ako, pero wala nanaman si Kiel

Tanghali na pala, baka hindi na niya ako nahintay dahil tulog na tulog ako.

Hindi na ako pumasok at nagluto na lang ng pagkain. Kiel must be so busy kaya hindi siya nagpapakita saakin.

Kinagabihan habang nagpupunas ako ng buhok dahil katatapos ko lang maligo i received a call from Tyler, magkasama kaya sila ni Kiel.

"Hello?" I answered the call.

"Shai puntahan mo nga sa bar si Kiel, lasing na lasing kase e! Hindi ko naman maiwanan si Yuna." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jan.

Hindi sila magkasama ni Kiel? Bakit naglalasing mag-isa 'yon.

"S-saan ba 'yon?" Sinabi niya saakin 'yung location kaya mabilis akong nag drive papunta roon. Pumasok ako sa loob at hinanap si Kiel. Nakita ko siya sa isang table na may kasamang mga lalaki.

"Ikaw ba si Shai?" Tumango ako sa nagtanong.

"Kanina ka pa hinahanap niyan." Tumango ako at tinuon ang pansin kay Kiel na nakadukdok sa table.

"K-kiel, are you alright?" Hindi ito sumagot saakin. "Iuuwi ko na siya," tinanguan lang nila ako kaya mabilis kong inakbay saakin si Kiel at dinala palabas.

Medyo natagalan pa ako dahil ang bigat niya, mabuti na lang at tinulungan ako ng guard hanggang sa mapaupo na si Kiel sa passenger seat.

Iniwan ko muna siya roon at bumili ng mineral water, pagbalik ko ay naabutan ko siya na gising na pero nakatulala ito at hindi 'ata ako napansin.

"Kiel are you okay?" I asked him.

He sighed, "I'm not," he said honestly.

"You can tell me your problems Kiel, hindi ka magiinom nang ganito, what happened? Hindi mo pa ako pinapansin, iniiwasan mo ba ako?" Naiiyak na ako, ang babaw ng luha ko ngayon. Pero kase si Kiel 'to e! Mahal na mahal ko.

"My problems are mine Shai," he answered me coldly.

"Ours Kiel ours! Huwan naman ganito o, sabihin mo 'yung problema mo hindi 'yung ganito! Makikinig naman ako sayo e." Humahagulgol kong saad sakanya.

"Don't worry about me Shai," he said to me.

"Anong don't?! Nag-aalala na ako sayo!" I shouted at him.

"Hindi mo na kailangang mag-alala saakin ngayon." He said at umayos ng upo, nahimasmasan na 'ata siya ngayon.

"Anong hindi na? Ang gulo mo Kiel deretsuhin mo na lang ako." Naiirita kong saad sakanya.

He took a deep breath bago humarap saakin, "let's break up."

Walking On Memories (Betrayal Series #4)Where stories live. Discover now